#Three_Rules
Chapter Seven
Sa edad na anim na taon, matured na ang utak ko. Nagluluto na ako nang sinaing, nalalaba ng maliliit na damit ng mga kapatid ko, naghuhugas ng pinggan, naglilinis nang bahay. Umaastang katulong ng bahay namin.
Wala akong karapatang umagal. Dahil ang dahilan ni Inay, gawain daw talaga iyon ng batang masipag. Heto, tuwang-tuwa naman ako na pinupuri ni inay at itay, lalo na nang mga kapit bahay namin.
"Yanung sipag naman ni Ella, napakaswerte ng magulang mo sa iyo." ani ng mga kapit bahay namin na tuwang-tuwa sa akin pero ramdam ko na naaawa rin.
Nang malaman ko na ampon ako, nawala ang lahat ng paghanga ko sa magulang ko.
Naunawaan ko kung bakit ayaw nila akong pag-aralin. Naunawaan ko kung bakit ako taga paglinis lang sa amin at walang karapatan na magreklamo.
Naunawaan ko na kaya pala ganoon sa akin sila inay at itay, hindi pala nila ako tunay na anak. Hindi nila kailanman ituturing na anak.Katorse anyos ng maisipan kung umalis sa aming probisnya. Sumama ako sa babaeng nagoofer ng trabaho sa akin. Sabi niya, katulong daw ako pagdating ko roon. Mabait naman daw ang amo ko at malaking magpasahod kaya sumama ako para makalayo na sa magulang kong nagsinungaling sa akin.
Sa lawak ng maynila, pakiramdam ko para akong isang langgam. Nagmistulang maliit na tao sa laki ng mga building doon.
Hindi ko lubos maisip na makakarating ako sa kilalang lugar na ito. Nakangiti ako habang tanaw-tanaw ko ang nagtataasan at naglalakihang bill board.
"Ready ka na ba Ella?" tanong ni Ate Lesly ang babaeng nagsama sa akin sa Maynila.
"Opo ate," mabilis na tugon ko.
Sinama ako ni Ate Lesly sa isang mailaw na lugar. Iba't-ibang klase ang ilaw roon. Maingay at halos maraming taong lasing ang nasa loob ng lugar na iyon.
Kahit nagtataka ako ay sumunod na lang ako kay Ate Lesly. Iniisip ko na baka may dadaanan lang kami rito. Napapatingin ako sa mga nagsesexyhang mga babae. Halos hindi na makilala sa kapal ng make-up na nasa mukha. Lumapit kami sa babaeng hindi gaanong kagandahan. Pero kita ang malapad na hita nito at halos lumuwa na ang dibdib sa suot niyang sando.
"Hey! Narito ka na pala Lesly, sino 'tong kasama mo?" tanong nito sabay sipat sa buong itsura ko. Maging ang katawan ko ay pinakasipat-sipat niya.
"Ayos ba pards?" nakangising tanong ni Lesly sa babaeng kaharap namin.
"Oo ah, ayos na ayos!" anito na ngumisi rin. "Tamang-tama, ang gusto nung mayaman kung costumer ay bata pa at sariwa. Sigurado akong tiba-tiba ka sa isang 'to." dagdag pa nito,
"Halika muna sa loob Ella, ipapakilala muna kita sa manager ko." Akit ni Ate Lesly sa akin.
"Ate, bakit ang daming babae rito? Saka bakit araming ilaw? Ano ba ito ate?" Tanong ko na wala pang kamuwang-muwang sa mundo.
"Dito ka magtratrabaho. Malaki ang kikitain mo rito Ella, paniguradong mabibili mo lahat ng gusto mo." Sabi ni Ate Lesly.
Dahil sa narinig ay naexcite akong makilala ang manager na tinutukoy niya. Pumasok kami sa isang tahimik na lugar. Mukhang puro kwarto ang mga iyon, makipot ang daan doon.
Nang makarating kami ay nakita ko ang babaeng may katandaan na rin. Napustura pa rin ito habang may hawak na sigarilyo.
"Magandang gabi Madam," bati ni Ate Lesly.
"Oh, Narito ka na pala Lesly, ito na ba ang binabanggit mo sa akin?" tanong ng babaeng Manager daw ni ate,
"Opo, siya nga madam." Nakangiting turan nito.
"Ayos! Maganda ang isang 'to. Siguradong pagaagawang ito ng mga costumer." Wika nito na nakangisi pa.
To be Continue...

BINABASA MO ANG
Three Rules (Completed)
Romantizm"Kung ayaw mong masaktan, sundin mo ang gusto ko! Kiss me!" utos ko sa nakamaang na si Herbert. Ella Sandoval, anak ng isang sikat na designer ng bansa. Ngunit hindi siya laki sa luho, dahil bata pa lang ay nawalay na siya sa kanyang mga magulang. H...