Chapter 29

3.2K 66 0
                                    

#Three_Rules

Chapter 29

        "Ano, natameme ka ngayon!" mayabang na singhal nito sa akin. Amoy na amoy ko ang ininom nitong alak na nanggagaling sa bunganga. Hindi naman mabaho, kun'di nag mistulang amoy bulaklak sa aking pang-amoy.

"A-ano bang ginagawa mo Herbert, la-layuan mo nga ako," nauutal kong sabi rito.

"Tsk! Madali ka naman palang kausap. Akala ko kasi wala ka nang kahinaan." Anito sabay bitaw sa akin bago naglakad papuntang upuan. Umupo roon at sumandok ng pagkain.

"Wow, bossing ah, teka pagkain ko iyan ah." Singga ko sa kanya, pero muli 'tong tumingin sa akin at tinitigan ako.

"Sabi ko nga sa 'yo iyan e, wait lang kukuha ako ng ketsup para masarap ang kain mo." Aniya sabay talikod.

Kumuha rin ako ng plato ko at kumain. Nagshare kami sa pagkain pero maya maya pa ay nakaramdam ito ng sama ng sikmura. Nagtatakbo ito sa lababo at doon nagsuka.

"Ewww! Ano... alak pa more!" sigaw ko sa kanya. Pero nilapitan ko rin siya para aluin ang likuran.

"Uwaaarrrkkk!" malakas na tawag nito sa pambansang alak, nagaalala rin naman ako sa kanya. Kaya ikinuha ko siya ng tubig upang siya ay makainom.

"Ano, may maisusuka ka pa ba?" tanong ko sa kanya.

"Layuan mo ako, baka masukahan kita." Pagtataboy nito sa akin,

"Haist, hindi naman puwedeng hindi kita intindihin. Hindi naman masama ang ugali ko, halika na." Akit ko sa kanya, mukhang kailangan na nitong magpahinga kaya inakay ko siya papunta sa kuwarto.

"Hindi ako lasing, hayaan muna ako." Anito sabay pilit na pinabibitaw ako.

"Hindi lasing? Kaya pala tinawag mo na ang uwak ano?" Sabi ko sabay kuha ng bisig niya at nilagay ko sa balikat ko para maakay ko siya.

Pagdating sa kuwarto. Matumba-tumba na ito,mukhang nahihilo ito kanina pa ay pinipigilan lang.

"Grabe! Ang bigat mo pala," maktol ko,

"Sabi sa 'yo iwan mo na ako." Sagot naman nito,

Pero hindi ko siya pinakinggan. Nang makarating kami sa kama ay nawalan ako ng balanse. Napasama ako sa pagbagsak niya sa kama kaya't napayakap ako sa kanya at napaibabaw ako. Napatitig ako sa mata niya at ganoon din siya sa akin. Habang hawak niya ang aking bewang, ako naman ay napahawak sa dibdib niya.

"Teka lang Herbert, hindi ako makatayo—" sabi ko sa kanya.

"Huwag kanang umalis, dito ka na lang." Seryosong sabi nito sa akin bago ako nito tuluyang yakapin at higpitan ang pagkakayakap.
"Ha? Te-teka lang Herbert, ano ka ba lasing ka lang..." wika ko dala ng pagkabigla sa inaasal ni Herbert.

Imbis na tugunin ang sinabi ko ay pumikit na lang ito at nakontento na yakap yakap ako.

"Hala! Paano ako makakaalis dito? Paano ako kakain?" pag-aalala kong tanong sa sarili ko, pero nagugustuhan ko rin naman ang nangyayari.

Iniangat ko ang kamay niya. Para makaayos ako ng puwesto. Tinitigan ang maamo niyang mukha. Nakapikit ito at siguro ay naglalakbay na ito sa kakaibang daigdig.

"Hay naku! Kelangan palang malasing ka muna bago ka bumait sa akin." Bulong ko sa kanya, sabay haplos ng buhok niya.

Malaya kong nagagawa ang gusto ko. Hindi pumapalag ang lalaking ito. Napapangiti tuloy ako sa nangyayari. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos iyon.

"Ang gwapo mong lasing alam mo ba iyon?" wika ko sa kanya. Pero bigla na lang niya akong hinawakan sa kamay. At nagulat ako nang malaman kong gising pa ito.

"Huwag mo akong pagsamantalahan, hindi ako makakalaban." Sabi nito sabay muling yakap sa akin.

"Wow ha! Makapagsalita ito, ako pa talaga ang mananamantala. Lasing ka na nga pumapalag ka pa rin. Matulog ka na!" Utos ko sa kanya.

To be continue...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon