Chapter 37

3.4K 57 0
                                    

#Three_Rules

Chapter 37

Isang linggo ang nakalipas, isang linggo na rin akong tamlay at tamad kumain. Namimiss ko si Herbert, bakit ba ako nagkakaganito?

"Ella, may bisita ka." Wika ni Venus na kasalukuyang pinapatuloy na sa aming bahay si Mark.

"Babe," lumapit sa akin si Mark at hinalikan ako sa pisngi.

"Babe, hindi mo sinabi sa aking pupunta ka rito." Sabi ko na bakas ang pagkabigla sa mukha. Kahapon lang kasi ay kakadalaw lang nito sa akin. Kaya naman, hindi ko inaasahan na dadalaw muli ito sa akin.

"Namimis na ulit kasi kita," pambobola nito sa akin. "Yayayain sana kita, may kaunting salu salo sa bahay namin, at gusto ko naroon ka, hinahanap ka kasi ni mommy nitong mga nakalipas na araw. Nabalitaan niyang sinundo kita sa Cebu, at gusto niyang kumustahin ka." Nakangiting wika ni Mark.

Tumango naman ako bilang tugon. "Sige," mabilis kung tugon. Heto naman talaga ang hinihintay ko. Ang mapalapit sa pamilya ni Mark dahil si Mark ang mag aahon sa akin sa kahirapan.

Masayang niyakap ako ni Mark, dahil sa pumayag akong muling makilala ako ng pamilya niya. Pero parang hindi na ako naeexcite sa kaganapan. Parang napipilitan na lang ako sa ginagawa ko.

"Babe, susunduin na lang kita mamaya." Nakangiting sabi nito, bago ako hinalikan sa noo bilang pagpapaalam.

Nakamatyag lang naman sa amin si Bes Venus, nakatayo ito sa gilid, waring nag-iisip at naghihinala.

Matapos makaalis ni Mark ay agad na sinara ni Venus ang pinto. "Teka nga lang, may napapansin ako sa 'yo talaga e! Simula ng umuwe ka galing diyan sa Cebu, naging tamlay ka na at parang wala kang kagana-ganang magtrabaho. Ngayon, sa nakikita ko sa 'yo, parang hindi ka masaya na nagiging malalim na ang pagtitinginan ninyo ni Mark, umamin ka nga sa akin! Anong meron sa Cebu at nag-iba yata ang timpla mo ha?" tanong ni Venus na hindi na makatiis.

"Wala naman bes, napagod lang ako siguro kaya palagi akong tamlay." Aniya,

"Napagod saan? Nagtatakbo ka ba roon? Hindi kumain ng ilang araw o natangay ng bagyo 'yang isipan mo, kaya parang lutang ka ngayon?" may kalituhang tanong ni Venus,

Napabuntong hininga na lang ako. Parang hindi ko kayang itago ang tunay na nararamdaman ko sa malapit kung kaibigan. "Ano kasi e, bes..." pabitin kong sabi,

"Ano?" inip na tanong nito.

"Namimis ko si Herbert," pag-amin ko.

"Ano?! Yung lalaking weirdo na kinuwento mo? Yung lalaking caretaker ng bahay? Mahal muna?" gulantang na tanong ni Venus,

"Ano ka ba bes, mahal agad? Hindi ba puwedeng namiss ko lang siya." Pagdadahilan ko pa.

"Diyos kong mahabagin, gusto mong sampalin kita! Huwag mo nga akong pagsinungalingan, kung kay Mark maitatago mo ang tunay na nararamdaman mo, puwes! Sa akin, hindi! Tigilan mo nga ako sa mga kakadeny mo." Inis na turan sa akin ni Venus.

"Bes, mali naman 'tong nararamdaman ko. Baka nasanay lang ako na kasama ko siya kaya hinahanap ko siya. Oo tama, ganoon nga iyon, dapat kalimutan ko na si Herbert." Sabi ko kay Venus,

Nilapitan ako ni Bes Venus, umupo sa tabi ko at tinitigan ako ng harapan. "Alam mo bes, madadaya mo ang ibang tao sa mga sinasabi mo. Pero sa tunay na nararamdaman mo, alam mo sa sarili mo ang totoo. Kaya kung ako sa 'yo, pipiliin ko ang tunay na nararamdaman ko." Seryosong payo sa akin ni Venus.

"Hindi bes, nagkakamali lang ako sa nararamdaman ko. Baka magsisi lang ako pagnagmahal ako ng mahirap. Hindi niya ako maahon sa hirap ng buhay. Baka pagsisihan ko pa kapag sinunod ko ang nararamdaman ko." Gatong ko pa sa kasinungalingan ko.

"Bes, narito lang ako para sa 'yo. Kapag hindi mo na kaya, huwag kang mag alinlangan na sabihin sa akin ang tunay na nararamdaman mo. Dahil nauunawaan ko ang iniisip mo, at nararamdaman mo. Magkaiba ang iniisip sa nararamdaman, kaya naman kung handa ka nang unahin ang nararamdaman mo. Narito lang ang balikat ko. Handang saluhin ang luha mo." Ani Venus na puno nang pag aalala sa akin.

"Naiiyak tuloy ako sa sobrang sweet mo bes, hindi ako sanay na ganyan ka." Mangiyak-ngiyak kong sabi kay Venus. Ngiti lang naman ang tinugon nito sa akin.

• • •

Makaraan ng ilang oras, sinundo ako ni Mark sa bahay, suot ang pulang dress na kita ang cleavage at hanggang hita ang haba, mataas na takong at nakalugay ang buhok, mas lalong nainlove sa akin si Mark. Nakangiti itong hinalikan ako sa pisngi. "You are so beautiful Ella," bati nito sa akin matapos na lumabas ako sa pintuan ng aking kuwarto.

"Thank you Mark, let's go?" yaya ko sa kanya na agad namang nilahad ang kamay niya sa akin upang alalayan ako sa paglalakad.

Pagsakay namin sa kotse ay tahimik lang ako na nakatingin sa bintana, hanggang sa umandar na ang sasakyan at malayo na ang binabaybay namin, wala ako sa mood para mag-ingay. Napukaw na lang ang atensyon ko nang hawakan ni Mark ang kamay ko habang nagdridrive, pinisil-pisil iyon bago hinalikan ang ibabaw ng aking kamay. "Are you alright babe?" tanong ni Mark.

"Yes, I'm fine." Maikli kung tugon sabay ngiti sa kanya.

"Are you nervous?" muling tanong ni Mark,

"No," sagot ko.

"Okey babe, kung hindi maganda ang pakiramdam mo. Please let me know, para maihatid na kita pauwe. Marami pa namang mga araw," nakangiting sabi ni Mark.

"Ha? Ah, hindi naman masama ang pakiramdam ko. I'm sorry babe, may iniisip lang kasi ako." Wika ko sa kanya,

"Ano iniisip mo? I mean, mas maganda sanang tanong kung Sino?" malungkot na tanong ni Mark, mukhang ramdam niya ang pag-iiba ko simula ng makauwe ako.

"What are you talking about Mark?" nakakunot-noo kong tanong. Kung sabihin man ni Mark na si Herbert, madali ko na itong malulusutan.

"Nothing, forget what I'm saying. Narito na tayo," putol nito sa usapan bago marahang ipinarada ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Ngayon, nasa bahay kami ni Mark. Kung saan napakaganda ng buong labas ng bahay. May sariling guard na nagbabatay. May malawak na hardin at mamahaling mga kagamitan. Sa kabilang side, matatagpuan ang malaking garahe. Iba't iba ang sasakyan ang nakaparada roon. Tunay na mayaman talaga si Mark, ngumiti ito sa akin bago bumaba ng sasakyan. Umikot sa parte ko at inilalayan akong makababa.

"Kung ano ang itanong ni mom at dad sa 'yo, hayaan mong ako ang sumagot okey?" ani Mark bago ako niyaya paloob ng bahay. Hanggang ngayon pala, lihim pa rin ang katauhan ko sa pamilya ni Mark. Ikinahihiya niya ang status ko sa buhay. Pero hindi ako maaring magreklamo, dahil unang-una pa lang, alam ko na ang pinapasok ko.

To be continue...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon