Chapter 27

3.3K 61 0
                                    

#THREE_RULES

CHAPTER 27

          "Hoy, dahan-dahan lang sa pagkain. Mabibilaukan ka niyan, bakit ka ba nagmamadali?" tanong ni Herbert,

"Baka mamaya bigla mo akong iwanan e, mas maganda na 'yung tapos na akomg kumain para ready na ako sa senyas mo." Nakangisi kong sabi,

"Tsk! Bakit ka naman tatakbo? May kasalanan ka ba?" sabi nito na parang hindi niya alam ang tinutukoy ko.

"Ah basta! Teka mga muna, bakit ba ang hinhin mong kumain? Feel na feel mo talaga 'yang pagkain mo ha! Ngayon ka lamg ba nakakain ng ganyang kasarap?" pang-aasar ko sa kanya,

"Matagal na kayo ng boyfriend mo?" pag-iiba nito ng usapan.

"O, bakit ka naman nagkainterest sa boyfriend ko? Huwag mo nang itanong kung gaano katagal, kasi ang pagmamahal ay hindi nasusukat sa tagal o ikli ng pagkakakilala. Nasa nararamdaman iyan kung tunay talaga ang pagmamahal, hindi kayo magsasawa sa isa't isa." Mahaba kong litanya,

"Tsk! Isa lang ang tanong ko, napakahaba ng sagot mo." Iritang sabi nito,

"Mga two weeks palang," mabilis kong tugon sabay ngisi.

"Two weeks?" takang tanong nito,

"Wow huh! Makatanong ka, parang may meaning ah. Selos ka ba?" nakangisi kong tanong,

Nag arko naman ang kilay nito at tiningnan ako ng masama.

"Oh... Teka lang! mangangagat ka na naman e, anyways... Ikaw naman ang tatanungin ko, bakit wala kang girlfriend?" seryosong tanong ko,

Para namang nabigla ito sa tanong ko, hindi ito agad nagsalita at pinagpatuloy ang pagkain.

"Ano na?! Ang daya mo, pag ako nagtatanong 'di ka agad makasagot." Pagtatampo kong sabi,

"Wala na siya," maikling tugon nito,

"Ha? Anong wala? Nagsama na sa ibang lalaki? Umalis o—"

"Patay na siya," sabat ni Herbert,

"Patay? As in dedbol na? Hala bakit? Paano? At kailan?" sunod-sunod kong tanong,

"Ayokong pag-usapan," iwas nito,

"Ha? Ang daya naman e, pag ako..."

"Please shot up! Just finish your food at ihahatid na ulit kita roon!" Bulyaw nito sa akin,

Nagulat naman ako sa inasta niya, kahit na palagi niya akong sinisigawan at tinatarayan, dito lang ako natameme at natakot sa kanya. Mukhang hindi biro para sa kanya ang pagkawala ng girlfriend niya. Kaya natahimik na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

Matapos kumain ay tumayo na kami at tuloy-tuloy na lumabas ng restaurant.

Sasabihin ko sanang— hoy! Bayad mo sa pagkain, baka habulin tayo, kaya lang natatakot akong magsalita. Napingon ako sa mga waiter, nakatingin lang sa amin ang mga ito at hindi kami pinipigilan na makalabas ng restaurant.

Kaya naman tumungo ako para itago ang mukha, pagtinawag ako nito, kakaripas na ako mg takbo. Pero nakalabas na kami't lahat. Hindi naman kami siningil sa kinain namin.

"Wow! Astig pala rito, puwedeng kumain ng libre." Bulong ko sa sarili ko, "babalik pala ulit ako rito para kumain ng libre." Nangingiti kong sabi sa sarili ko,

Serysong naglalakad si Herbert, mukhang kailangan kong humingi ng sorry ah.

"Ahmmm... Herbert," tawag ko sa kanya,

Tumigil ito at humarap sa akin,

"Sorry sa nasabi ko, hindi ko namang—"

"It's okey, huwag mo nang isipin iyon." Mabilis na tugon nito,

"Ahmm... Okey na naman ako, kaya ko nang umuwe. Hihintayin ko na lang si Mark, umuwe ka na. Nakakahiya na kasi masyado na kitang naabala." Sabi ko,

"Sige, ingat ka." Anito sabay talikod.

Aba'y lintek, pumayag nga siya na iwan niya ako. Huhuhu.

Pero bago ito umalis ay bumunot ito ng pera sa wallet.

"Heto oh, 2,000 incase of imergency. Take care miss," anito sabay start ng motor. Hindi na ako nakaimik, tuluyan na itong umalis.

"Grabe naman,nagjojoke lang naman ako na iwan na niya ako e," naiiyak kong sabi, "paano kung hindi dumating si Mark," pagaalala kong tanong sa sarili.

Pero wala na akong magagawa, tuluyan na ngang iniwan ako ni Herbert, umuwe na ito habang ako naman ay sumakay para muling makabalik ng tulay.

Doon na ako naghintay, lumipas ang ilang oras. Wala pa rin si Mark, gagabi na lang wala pa akong nakikitang anino ni Mark.

"Ano ba Mark! Nasaan ka na ba? Not attended ang phone niya, paano ko malalaman kung nasaan na siya,"

To be continue...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon