Chapter 19

3.6K 64 0
                                    

#THREE_RULES

CHAPTER 19

       HABANG nasa sofa ako at nakanguso ay hindi ko lubos maisip na gagawin sa akin iyon ng Mr. Weirdo na 'yon. Kaya naman lalong nadagdanan ang inis ko sa kanya.

"Humanda kang lalaki ka! Gaganti ako!" bulong ko sa sarili ko.

Maya-maya pa ay nakita ko nang bumababa siya sa hagdan.
Nakapasok ang kamay sa bulsa habang nakangisi pa rin sa ginawang kalokohan.

"Hey, are you okey now?" tanong nito sa akin.

"Wala kang pakialam che!"  taas kilay kong sagot.

Ngumisi ito at pailing-iling na pumasok sa kwarto.
Sumilip naman ako sa bintana, "Aba, mukhang uulan ah!" makulimlim ang labas at nagbabanta ang kidlat na kumikislap sa kalangitan. Medyo malakas ang hangin na tumatama sa kurtina. Nagpasya akong isara ang bintana.

"Ano ba 'yan, bakit ba ako inaabot nang malas." nakunot-noo kong wika sa sarili ko.

Pumunta ako sa kusina, sinilip kung ano ang pwede kong kainin. Nakakaramdam na naman ako ng gutom at dahil malamig ngayon magkakape na lang ako. Kinuha ko ang sugar at ang kape sa cabinet, ngunit nakita kong isang timpla na lang ang asukal. Humanap ako ng stock doon pero hindi ko makita kung nasaan. Hanggang sa iba ang natukyan ko, napangiti ako at napatango-tango.

Makalipas ang ilang minuto nagsimula nang bumagsak ang malalaking patak ng ulan sa bubong. Ganoon din ang hangin na medyo lumalakas na ang ihip.

Lumabas ang mokong sa lungga niya at naaktuan niya akong nagkakape sa sala. Napalingon 'to sa akin sabay ngiti ko na pinagtaka niya.

"Do you want coffee? Ipagtitimpla kita," aniya at akmang tatayo na ako nang umimik itong bigla.

"No! I can manage my self, wala akong tiwala sa'yo." Sabi nito sabay talikod at pumasok na sa kusina.

"Makawalang tiwala, huh! Ipagtitimpla ka na nga ayaw mo pa bahala ka!"  Aniya sabay upo ulit sa sofa at nagsitting pretty.

Maya-maya ay lumabas na ito ng kusina dala ang kape na umuusok pa. Pumasok ito sa kwarto na hindi manlang nagabalang lingunin ako.

"Ang suplado naman, porke ma-abs ka lang e," sabi ko sabay hagikhik.

After 5 minutes

Narinig kong may sumigaw sa kwarto. Kaya naman napatayo akong bigla.

Bumukas ang pinto at nakita kong namumula ang mukha ni Mr. Weirdo sa galit.

"Shit! What are you doing huh?! Pinaltan mo ng salt ang sugar! Are you insan? Talaga bang papatayin mo ako huh!" galit na galit na singhal nito sa akin.

"Huh? Asin ba 'yon? Akala ko kasi asukal, maninipis kasi e!" nakangisi kong sagot na mas lalo pa nitong kinainis.

Nilapitan niya ako at hinawakan sa braso.

"Sutil ka talaga no! Ikaw kaya pagkapehin ko ng maalat!" anito na nanlilisik ang mata.

"Hahaha. E bakit kasi nakatago ang asukal? Kala ko asukal 'yon e, hindi ko naman saulado ang kitchen mo noh!" sabi ko na nagpapalusot pa.

"Alam mo, umalis ka na! Baka ikaw pa ang pumatay sa akin!" pagtataboy nito sa akin.

"Ayun naman pala e, pahinge ng pamasahe." Sabi ko sabay lahad ng palad.

"Maglakad ka!" anito sabay kinaladkad ako palabas ng bahay.

"Hoy! Teka lang, ano ba malakas ang ulan oh!" Aniya pero hindi na niya ako pinakinggan.

Sinara nito ang pinto habang sobrang lakas ng ulan sa labas.

"Hoy! Maawa ka, baka kidlatan ako rito. Huhuhu." Sigaw ko pero walang awa ito na hindi talaga ako pinagbuksan.

"Hoy, 'yung bag ko nalimutan mong ilabas!" sigaw ko habang naiiyak na sa labas dahil sa kidlat na pakiramdam ko ay tatamaan ako. "Nakakatakot dito papasukin mo ako, baka mamatay ako sa kidlat." Pakiusap ko pero hindi niya talaga ako pinagbuksan.

To be continue...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon