Chapter 23

3.5K 67 0
                                        

#THREE_RULES

CHAPTER 23

            Matapos kong mainom ang gatas ay napatitig ako kay Mr. Weirdo na kasalukuyang naghihintay sa baso na may lamang gatas. Naninigurado siguro ito na mauubos ko ang laman noom.

"Ano may dumi ba ako sa mukha?" seryosong tanong ni Herbert sa akin.

"Wala naman, medyo napapaisip lang ako. Sweet ka naman, maalaga, guwapo at mukhang matalino. Bakit kaya wala kapang asawa? Bakla ka ba?" seryoso ring tanong ko sa kanya.

Nag-arko ang kilay nito,

"Napakadaldal mo, saksakan nang ingay at napakaarte. Kaya siguro wala ka pang-asawa dahil hindi matiis ang ugali mo." Ganti sa akin ni Herbert,

"Aba teka! Puro magaganda ang sinabi ko sa'yo. Samantalang sa akin puro masasama, ang bad mo talaga!" Maykaartehan kong singhal sa kanya.

"Tsk, wala namang maganda sa'yo!" Anito na wala manlang preno na nilait ako.

Medyo nabingi ako sa sinabi niya. Oh my gosh, sa tanang buhay ko siya lang ang lumait sa akin nang ganito. Aba teka nga, mukhang sinusubukan ako nang lalaking ito ah!

Mula sa kinahihigaan kong kama ay nakaarko ang kilay kong tumayo at nilapitan siya.

"What are you saying? Walang maganda sa akin?" paguulit kong tanong sabay hawak sa kohelyo nang damit niya.

Mukha namang natakot ito at napaatras sa ginawa ko.

"Hindi ako maganda sa itsura kong ito huh!" Muli kong tanong, kung ano yung hakbang ko palapit sa kanya ay siya namang hakbang niya paurong.

"A-ano bang ginagawa mo huh, bitawan mo ang damit ko!" anito na nahihintatakutan na sa sama ng tingin ko sa kanya.

"Hindi ako sexy sa katawan kong ito? Huh!" muli kong tanong hanggang sa mapaatras muli siya.

"Hindi ako kaibig-ibig ganoon ba?" Muling hakbang paatras ang ginawa ni Herbert.

"Mi-miss, ano ba!" nauutal na pigil sa akin ni Herbert.

"Kung ganoon pangit ako sa paningin mo?" muli kong tanong bago siya makorner sa dingding nang kuwartong iyon. Nakatitig ako sa mata niya at ganoon rin si Herbert na pinagpapawisan sa ginagawa ko.

"Ngayon Mister Weirdo, itong babaeng nasa harapan mo? Hindi ba ako kaibig-ibig?" sarkastikong tanong  ko sa kanya.

Hindi ito nakasagot sa tanong ko. Bagkus namumutla ito at namamawis ang mukha sa ginawa ko, lalo na at nakadikit ang dibdib ko sa kanya habang ang kamay ko na kanina ay nasa kowelyo niya ay pinulupot ko sa leeg niya. Isang dangkal ang layo nang mukha namin, na lalong nagpaintense kay Herbert.

Ginalaw-galaw ko ang kilay ko para muli siyang tanungin,

"Ano Mr. Weirdo, pangit ba ako katulad nang sinabi mo kanina?" tanong ko, bago siya muling nagsalita na pautal-utal.

"Ha? Mi-miss," iyon lang ang nasabi ni Herbert sa rami nang tanong ko. Kaya sa inis ko ay tinanggal ko ang kamay ko sa leeg niya at pinisil ko ang unahan nang short niya.

Napasigaw naman ito.

"What the fuck!" gulat na gulat nitong sabi, bago ko siya tuluyan na binitawan at nilayuan.

"Tsk! Kaya naman pala hindi ka makapagsalita. Maliit pala 'yang ano mo! Diyan ka na nga, nakakawalang gana ka rin!" Aniya sabay pakendeng-kendeng na lumakad papuntang banyo.

Naiwang tulala at gulat na gulat si Herbert. Napatingin siya sa short niya na nakaumbok ang ulo.

"Shit!" Anito sabay dali-daling lumabas nang kuwarto. Nagkulong sa kanyang sariling kuwarto at hindi nagpakalabas-labas hanggang hindi pa naaayos ang kanyang pakiramdam.

Sa banyo, nakaharap ako sa salamin habang nakangiti. Namumula ang aking mukha sa nerbyos, oh my gosh! Iyon na ba ang kanyang harapan? Bakit parang ang laki at matigas?

Aaminin ko na nang maramdaman ko ang paninigas nang unahan ni Herbert ay akala ko ay nagbibiro lamang ito. Ngunit totoong tumirik iyon sa ginawa ko,nakaramdam tuloy ako nang pagkapahiya at pagkanerbyos nang makapa ko ang ari nitong nagalit nang idikit ko ang dibdib ko.

Paano pa ako makakaharap sa kanya? Bakit ko pa kasi naisipang kapitan iyon, ano ka ba naman Ella! Sablay ka talaga kahit kailan, haist!"

To be continued...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon