Chapter Twelve

4.4K 80 1
                                    

Chapter twelve

Dahil sa pangyayari, maaga tuloy akong nakauwe sa bahay. Pero isang goodnews naman ang bumungad sa akin sa bahay.

"Mark!" gulat na gulat ako nang makita ko ang kotse nito sa labas. Agad kong nilapitan ang kotse pero wala roon si Mark, paniguradong naroon iyon sa bahay.

Dali-dali na akong umuwe nang bahay. At hindi nga ako nagkamali, naroon si Mark kausap si Venus na kasalukuyan nang paalis at papasok sa trabaho.

"Oh! Nandiyan na pala si Ella eh, buti naabutan ka pa niya." Anito bago tumingin kay Mark na kasalukuyan nang nakangiti ng masilayan ako.

"Mark, hindi mo sinabing pupunta ka?" nakangiti kong sabi.

"Sorry babe, gusto ko kasing isurprize ka. But i think nagkamali ako, umaalis ka rin pala nang bahay ninyo. Kamuntikan nang mabalewala ang pagsurprize ko."
Lumapit ito at hinalikan ang sa labi,

"Hahaha. Oo nga, buti umuwe agad ako." nakangiting sabi ko, napaganda pa pala ang tyming ni Jhezangot.

"Opss... I think, hindi na ako dapat na narito, bruha alis na ako." Paalam ni Venus,

"Sige, ingat ka bes," magiliw kong sabi.

Napangiti na lang si Venus at napailing. " Sige, enjoy!" anito bago tuluyan nang umalis.

Matapos na umalis ni Venus ay nagkatitigan pa kami ni Mark.

"Mas maganda ka sa simpleng suot mo Ella," bati nito sa akin para putulin ang katahimikan.

"Sus, ikaw ha. Binobola mo ako, bakit hindi ka man lang natawag? Busy ka ba? Kala ko tuloy nakalimutan muna ako." Pagtatampo ko kay Mark,

"Sorry Ella, may ginawa lang kasi ako. I'm sorry hindi ko na uulitin. Palagi na kitang itetext or tatawagan."

"Sus, binibiro lang kita."

"Ella, may gagawin ka ba bukas?" seryosong tanong nito.

"Wala, bakit?" mabilis kong sagot.

"Baka pwedeng ikaw ang tumingin nang bahay na bibilhin ko sa cebu. Hindi pa kasi ako makakapunta roon dahil may mga bagay pa akong inaasikaso. Plsss... Paalis na kasi ang may-ari ng bahay na 'yon don. Kaya kung okey lang ikaw na ang tumingin, alam ko naman na maganda ang taste mo." Wika nito sabay kapit sa kamay ko para pumayag ako.

"Ha? Teka lang, baka mamaya niyan e, magustuhan ko ang bahay. Pero sa 'yo naman ay hindi pasado ang taste ko. Ayokong magkamali-"

"Huwag mong isipin 'yan. Alam ko na magaling kang pumili, Ella." putol nito sa sasabihin ko.

"Okey, pero saan mo naman nalaman na may bahay na binebenta roon? Tsaka ang layo ha, bakit sa Cebu pa?" tanong ko,

"Si mommy ang nagoffer noon sa akin, ang nakausap niya ay yung may-ari nang resort na pinuntahan natin. Ayon sa kanya, may magandang bahay raw na binebenta sila. Maganda ang view at malapit sa dagat." pagsasalaysay nito.

"Ganoon ba? E kung hindi ka naman titira roon, useless lang hindi ba?"

"It's ok, babe, i know someday sa lugar na 'yon tayo maninirahan, tahimik at preskong lugar." Sabi pa nito na nagpatigil sa akin.

Someday? Kami? Meaning to say may pagasa nga na kami ang magkatuluyan ni Mark. Napangiti ako sa nalaman ko, at niyakap ko siya nang mahigpit.

"Okey, payag na ako. So isang araw lang ba ako roon para macheck ko ang location and view?"

"No, babe, 3 days ka muna roon. Kasi after mong maicheck ang location mag hired ka nang mga tauhan na pwedeng magayos nang venue. Pupunta roon sila mommy," sabi nito

"What? Pupunta roon ang mommy mo?! No babe, ayoko, bakit hindi na lang sila ang magcheck nang location?"

"Because my mom said, na ako nga raw ang pumunta sa location. Kaya lang babe may kailangan akong puntahan bukas. Hindi ko maasikaso iyon, at ikaw lang ang makakatulong sa akin. Pls... Ella," pagsusumo nito sa akin.

"Okey," maliit kung tugon.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Mark at agad niya akong niyakap.

"Thank you babe, "

Kinabukasan bumyahe ako papunta sa Cebu, isang lugar kung saan hindi ko pa nararating. Pero dahil sana'y na rin akong bumyahe ay nagtatanong-tanong na lang ako dahil alam ko naman na marami ang tutulong sa akin.

Mula sa taxi ay hinatid ako sa mismong bahay na nakasulat sa papel. Isang bahay na up and down, maganda ang pagkakaistilo at pero masasabi kong medyo luma na ang bahay. Hindi na pinagkakaabalahan pang pagandahin kaya siguro ibinebenta na. Bukas ang gate kaya naman tumuloy na ako sa loob. Doon ako tumawag at kumatok sa pinto.

"Tao po! Tao po!" nakailang tawag na ako ay wala pa ring nalabas.

"Grabe! Hindi naman nasabi sa akin ni Mark, na wala.pala akong dadatnan dito." kinuha ko ang Cellphone ko at balak kong tawagan si Mark. Ngunit mahina ang signal, "hanep! Ano bang klaseng lugar ito? Walang signal, gosh! Hindi yata ako mabubuhay sa lugar na ito." iritang maktol ko sa sarili.

Maya-maya pa ay bumukas ang malaking pintuan. Nagulat naman ako dahil sa biglaang pagbukas nito. Hinanap ko ang tao pero wala akong nakita,

Nanindig ang balahibo ko. May pagkahunted house yata ang bahay na ito.

"Hello? Is anybody there?" tanong ko, pero wala akong tugon na narinig.

Pumasok ako sa loob nang bahay, makabago ang istilo noon, malinis at mamahalin ang mga gamit.

Bakit kaya walang tao sa bahay na ito?

Pumasok ako hanggang sa sala. Binaybay ang mga nakadisplay na pigurin. Lahat ay antique ang kagamitan. Napakaganda ng kabuoan nang bahay, kaya lang masyadong creepy.

At mas lalo pa akong nakaramdam ng takot nang maramdaman ko ang kamay na humawak sa balikat ko.

"Wahhhhhhhhhhh! Ayoko na! Huwag mo akong kainin,hindi masarap ang dugo ko! Mapait ang lamang loob ko!" Sabi ko na nakapikit mata pa at nakataklob ang kamay sa mata. Ayokong makita ang multo. Baka himatayin ako sa takot.

"Shit! Ano bang pinagsasabi mo ha!" isang boses lalaki ang narinig kong nagsalita. Isang boses na pamilyar sa aking pandinig.

Kaya unti-unti akong nagmulat,

"Ikaw?!" Naibulalas ko ng makita kong muli ang lalaking wierdo.

To be continued...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon