Alex's POV
Hi po... stop over na po kami ngayon dito sa Mcdo para kumain ng lunch. 10:36 palang ngayon.
Grabe! Isang mahabang table kami dito... Lahat ng girls magkakatabi. Sama mo na si Mom. Katapat ko, si Ate Jamella tapos katabi nya si Ate Kim tapos katabi nya si Ate Nathalie tapos katabi ni Ate Nathalie, Si Mom tapos katabi ni Mom si Ash tapos katabi ni Ash si Chelsea tapos katabi ni Chelsea si Sab tapos katabi ni Sab si Sam.
Katapat ni Ate Kim si Kuya Jyrus tapos katabi ni Kuya Jyrus si Kuya Kent tas katabi nya si Dad tas katabi ni Dad si Renz tapos katabi ni Renz si Brian tapos katabi nya si Thimothy tapos katabi nya si Kiann.
Dami namin noh?! Haha... ang saya! Mag iinuman nga kami mamaya sa resthouse eh.. bwahaha..
Kamusta na kaya si Jennie?!
ARGH!!! Bakit ko ba iniisip yung nerd na yun?! Tsaka.. pake ko ba dun?! Psh...
Napansin ko lang... kanina pa may katext si Ashlee pero ayoko syang tanungin kasi privacy nya yun.
Uy! Hindi ako natulog kanina sa van ah...
Baka sabihin nyo "Di ko tinatanong" ay! Advance ako mag isip eh!
Haha... nahahawa na ako kay Ate Nath!
Yung 3 naming kasamang maid ay may sariling table. Naks! Haha...
Ang order namin ay tig iisang one piece chicken, fries tsaka drinks pero si Ash at Chelsea lang ang iba. Yung kay Ash ay Pepper steak, flavored fries, coke float tsaka spaggetti tapos yung kay Chelsea, Chicken ala king, flavored fries, coke float tsaka spaggetti sama mo na ice cream para kay Sab, Sam, Ash, Chels, Ate Nath, Ate Kim, Ate Jamella tsaka Mom.
Hay... ang isip bata nila!
"Ay... alam nyo ba si Alex??? Haha!! Sabihin ko ba Lex?!" -Ate Nath
"Ano nanaman ba yun?!" Sagot ko pero tumawa lang sya. Matching himas pa sa tommy na ah... Ano kaya nagustuhan ni Kuya Kent dyan?!
"Huy babe! Baliw ka na.."
Sabi ni Kuya Kent
"Ahaha.. so.. haha... sorry!" -Ate Nath
"Sabi kasi ni Alex kanina.. haha... kanina sa parking lot, take out-an natin si Jennie! Haha.."
"Sinabi ko yun?!" -Me
"Tanga! Oo! Ikukwento ko ba kung hindi totoo?!" -Ate Nath
"Psst! Ang ingay nyong magkapatid!" Saway saanin ni Mom. Hala?! Nadamay ako?!
"Si Alex lang yun!" -Ate Nath
Ahh... nanisi pa...
"One!" -Dad
"Shirii po!" -Ate Nath
"Chels! Labas muna tayo!" -Ashlee
"Bakit?!" -Chelsea
"Basta... dali..." -Ashlee
"Sama!" -Sab
"Halika dali.." -Ashlee
Saano kaya sila pupunta?! Tumayo sila.
"Renz! Yung bag namin bantayan mo ah!" Sabi ni Ashlee
"Anong gagawin ko dyan?! Bakit ako?!" Sabi ni Renz tapos pinanlakihan sya ni Ash ng mata kaya nag buntong hininga si Renz tas nag nod.
"Mom, Dad! labas lang po kami ah. Dyan lang po kami pramis!" Paalam ni Ashlee kay Mom. Si Mom nag nod lang tapos tumingin sya kay Dad tapos nag smile lang si Dad kaya umalis na sila.
YOU ARE READING
Our Promise... (Completed)
DiversosHe is Quiet She is Loud He likes spicy She likes sweet He loves cats She loves dog He prefers to be lonely She prefers to mingle with other people Can they cross each other's path?! If yes.. who's the one who will fall first?! (Wala na pong Book 2.)