77❤News

26 0 0
                                    

Princess' POV

Hello po! Monday ngayon at walang pasok dahil sabi nung Dean, rest day ngayon kasi sa monday, first sem quarterly exams na.

Nandito ako sa garden namin kasi nagrereview ako. Andito sa tabi ko yung mga pointers every subject.

Ang sakit na nga ng ulo ko eh. Nag heads down muna ako saglit. Grabe ha? Ngayon lang talaga ako nag review ng todo todo.

Nung nasa States naman kasi, sa online kami nagte-take ng exams eh.

Ang unique kaya non. Dapat nga bawal yun eh. Hehe. Pero ok na din para mataas yung grade ko.

"Hush yourself down, Princess. Hindi naman ganun kahirap yung periodical exams ng Xavier. Kaya mo namam yun." Si Kuya Alex yan.

Napa pout nalang ako. Napansin kong mwy dala yung maid na tray. "Uyy pagkaiiiiiin!"

Tumayo ako para salubungin si manang. Kinuha ko yung tray kasi may dala pa syang juice eh.

Kawawa naman. Baka madapa, wala na akong kuya na pangit.

"Sama ka mamaya?" Tanong nya saakin.

Sinimangutan ko sya. "Kuya, may exam pa. Ayoko sumama kasi kagrereview pa ako."

"Kahit sabihin kong kasama namin si Gavin mo?" Seryosong tanong nya.

Para namang nag sparkle yung mata ko nun! Uwaaa! "Sabi ko nga sasama na ako e. Anong oras ba yan tsaka saan?"

"Sa star café. Mamayang 6, tambay lang dun yung whole squad. Kahit si Kuya Kent. Sasama." Sabi ni Kuya.

Tumango tango lang ako. "Tatapusin ko muna tong reviewer ko."

He just shrugged. "Gawa gawa ka lang naman ng reviewer, di mo naman binabasa. Naku Princess! Sinasabi ko sayo, huwag ako."

"May sinabi ba akong ikaw? May sinabi ako?" Umirap ko.

Ginulo nya lang yung buhok ko. "Ano ba kuyaaaa!"

"Sige na kumain ka na muna. Ligo lang ako ha. Dapat 5:30 ready ka na ah. Para 5:45 tayo aalis." Paliwanag ni kuya saakin.

Nag okay sign nalang ako saka pinagpatuloy yung pagkain ko habang nagrereview talaga.

First time kong magexam sa new school ko kaya dapat pa-good shot muna tayo.

Lalo na kami yung mamimili kung sino yung kasama namin na mag Periodical exams.

20 persons every room lang. Pero dapat ka-grade level mo.

Kila Gav ako sasama, syempre. Tapos kasama namin si Nella ang Chelsea tsaka si Bri.

**********************
Hello! So ayun. Nandito na kami sa Star Café. Nakaka flutter ng heartu kasi pinasara pa talaga nila para saamin.

Nandito na kaming lahat. Si Renz nalang yung wala. As in like sya lang.

Kahit kailan talaga yung lalaking yun pa-VIP.

"Yooow! Sorry I'm late. Kasi yung kasama ko ang bagal talaga kumilos eh." Sabi ng pamilyar na boses.

And it turned out na si Renz na nga yun. Oh. She's with Rose ba yan?

Umupo na sila dito kasama namin sa table.

"Tsk tsk." Narinig kong bulong ni Kuya Keanu. Tumayo sya saka naglakad papunta sa stage.

Nakatingin lang kami sa kanya ngayon. Inaabangan namin kung ano yung gagawin nya.

*Tiiiiiiiiiiiiiiit

Our Promise... (Completed)Where stories live. Discover now