Princess' POV
Hindi ako pumasok sa school ngayon kasi nga may lagnat pa ako. In-excuse nalang ako ni Kuya sa mga subject teachers ko.
May mga nagpopost sa timeline ko na get well soon. Nagcomment nalang ako ng 'Thanks.'
Diba? Ang iksi?
*tok tok
Napatingin ako sa pinto. May kumakatok kasi. "Princess?"
Waaaaah! Si Renz! "Hindi ka pumasoook?''
"Pumasok. Kita mo nang naka uniform ako eh. Dahil pogi ako, nagpaalam ako na umuwi na kasi sabi ko wala kang kasama dito sa bahay nyo." Sabi nya.
Nag pout ako. "Eee! Dapat hindi na. Ok lang naman ako dito eh."
"Anong ok? Tignan mo nga yang mukha mo oh. Namumula na." Lumapit sya saakin. "Tsaka ang init init mo pa din. Naka inom ka na ba ng gamot?"
Umiling ako. "Hindi pa nga ako kumakain eh."
Sinimangutan nya ako. "Luh. Buti nalang pala dumating ako. Oh." Inabot nya sakin yung paper bag. "Sinigang yan. Nagpa luto ako sa amin."
"Hala. Nag abala ka pa." Kinuha ko yung paper bag.
Tinignan nya ako. "May sakit ka ba talaga? Ang daldal mo eh."
Inirapan ko nalang sya. Binuksan ko na yung lalagyan. Hmm! Ang bango. Mas ma-a-appreciate ko sana kung si Renz yung nagluto. Hehe.
"Ako na nga." Kinuha nya sakin yung lalagyanan tsaka yung spoon and fork.
Hakdog. Susubuan ako ni Tatay Renzypot, hehe. "Tss. Ginagawa mo akong alalay slash tatay. Alalay na tatay. Ganun?"
"Hahahahah! Daddy Renz." Tinatawanan ko sya habang hinahanda nyayung sunod na isusubo kong pagkain.
He smirked. "Should I call you Mommy, then?"
=______=
"Daddy kita pero mommy mo din ako? Luh pano yun?" Pilosopong tanong ko sa kanya.
Tumawa lang sya. "Say AaaAa, mommy!"
Pa-airplane nyang sinubo sakin yung kutsara. Tsk. Hinawakan ko yung wrist nya saka sinubo na yun.
Inirapan ko sya habang nginunguya yung pagkain. Hshshs.
Tinatawanan nya lang ako. "Asdfghjkl!"
"What? Don't talk when your mouth is full, mommy." Sabi ni Renz.
Nag senyas ako sa kanya ng pahinging tubig. Agad naman syang kumuha nung hinihingi ko.
'Tamo to. Uto uto. Kinuha ko yung water bottle. Uminom lang ako saglit. Nung pangalawang beses ko nang uminom, binugahan ko sya nun.
"Princesssssss!" Sigaw nya.
Tinawanan ko lang sya ng tinawanan habang sya, ang sama sama ng titig nya saakin.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nag pipihil ng tawa. Nung alam kong naiinis na sya, hinila ko sya papalapit sakin saka pinunasan yung mukha nya gamit yung sweater ko.
Halata namang nagulat sya. Pero ang sama talaga ng titig nya sakin. Mas natawa pa ako. "Pasalamat ka mahal talaga kita."
Magsasalita sana ako nang pinasubo nya ako ng panibagong kanin. "HSHSHSH''
Ubo ako ng ubo. Ackk! Dumiretso yung konting kutsara sa lalamunan ko!
Sya naman yung tawa ng tawa. Pinainom nya ako ng tubig. Hinampas ko sya. "Pag ako, nabulunan! Papatayin talaga kita!"
YOU ARE READING
Our Promise... (Completed)
DiversosHe is Quiet She is Loud He likes spicy She likes sweet He loves cats She loves dog He prefers to be lonely She prefers to mingle with other people Can they cross each other's path?! If yes.. who's the one who will fall first?! (Wala na pong Book 2.)