Chapter Three: Solutions Begin

8K 230 3
                                    

Dahil ayaw ngang ipalaglag ni Eve yung baby. Tinuloy nya na lang yung plano nyang kausapin si Darren at sabihin sakanya na nagpalaglag sya kaya one week silang hindi nagkita. Sinamahan namin siya ni Xowie sa mall. Pagdating namin sa mall ay iniwan na muna namin si Eve sa starbucks. Pero maya maya ay pumasok din kami ni Xowie sa starbucks. Umupo kami sa likod ng table nila Eve. Narinig na namin na naguusap na sila.

"Darren, ayoko na."

"Huh bakit? Mahal naman kita Eve ah. Dahil ba sa pinalaglag mo yung bata?"

"No, aalis na ko paUS. Kinukuha na ko nila Tita."

"Pwede pa din namang maging tayo diba?"

"Tama na Darren. Ayoko ng makipaglokohan sayo. Sawang sawa na ko sa mga kalokohan mo! Tigilan mo na ko Darren. Sinunod na kita. Wala na yung baby. Ano pa bang gusto mo? Gusto ko na ng maayos na buhay ng wala ka."

Napalakas ata ang boses ni Eve kaya may mga taong pinagtitinginan na sila.

"Yan ba talaga yung gusto mo?"

"Oo Darren."

"Sige umalis ka na. Hindi naman ako natatakot na mawala ka eh."

Muntik na ko mapatayo para puntahan si Darren at sampalin. Kaso nahawakan kagad ni Xowie yung kamay ko. Nagulat na lang ako nakita kong tumayo si Eve. Tumayo na din ako para puntahan si Darren.

"Hayop ka! Ang kapal ng muka mo! Pagkatapos ng lahat lahat sainyo ng best friend ko ganyan ka."

"Tama na bes. Sundan na natin--"

Binuhusan ko ng tubig si Darren sa ulo at umalis na.

"Halika na Bes."

Hinawakan ko kamay ni Xowie at hinila. Sobrang nanlalamig ako nun. Hindi naman kasi ako warfreak eh. Kaso naiinis talaga ko kay Darren. Ang kapal kasi talaga ng muka nya. Kaya binuhusan ko sya ng tubig. Kulang pa yun sa ginawa nya kay Eve. Hinding hindi ko to mapapatawad pagmay nangyaring masama sa best friend ko.

"Gaga ka talaga bakla. Bakit mo naman yun ginawa kay Darren?"

"Concern ka ba sa gag*ng yun? Kulang pa nga yun sa ginawa nya kay Eve."

"Contakin mo na nga si Eve."

*Ring*

*Ring*

"Bes asan ka na?"

"Sa CR bes, puntahan nyo na ko please? Masama talaga pakiramdam ko."

"Wait mo kami dyan wag kang aalis. Wag kang gagalaw!"

Nagmadali kaming naglakad ni Xowie para mapuntahan kagad si Eve.

"Eve okay ka lang?" Sabi ni Xowie umiiyak pa din kasi ito.

"Kayo naman kasi, pagnagmamahal binibigay lahat. Tingnan nyo nangyayari sainyo. Umuuwi kayo ng luhaan. Ikaw Yeowna---"

"Shut-up Alexander Xowie!"

Langyang to, gusto pa atang ipaalala sakin ang nakaraan.

Inuwi na namin si Yeowna sa bahay/hotel nya. Si Xowie kasi dun din tumutuloy. Pero hangang sa pagbaba namin ng sasakyan umiiyak pa din si Eve.

"Bes, tama na hindi sya worth it na iyakan." sabi ko habang papunta kami ng elevator.

"Hayaan mo lang sya Yeowna. Para hindi mabigat sa dibdib. Umuwi ka na din hinahanap ka na nun ni Tita. Gabi na oh."

"Ay oo nga pala. Shocks!" "Bes wag ka ng umiyak ah? Balik ako tomorrow. Magvitamins ka at pahinga ka na kagad. Xowie, alagaan mo si Eve ah. Babye!"

"Bye bruha. Ingat" bumeso na si Xowie.

Kumaway lang si Eve.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon