Chapter Twenty-One: Fast Forward to Babies First Birthday

5.3K 177 13
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at buwan na hindi namin namamalayan. First birthday na ng kambal ko. Ilang araw na lang din maghihiwahiwalay na kami. Nakakalungkot isipin. Hindi ko nga alam kung dapat ko bang pagsisihan yung plano namin na yun o hayaan na lang na ganun. Pupunta ko sa France hindi lang para sa modeling para ilayo ko din yung sarili ko kay Jaiden at Fiona. Para makapagsimula ng bagong buhay. Two weeks before yung birthday ng kambal nagsabi na sakin si Jaiden na gusto na daw makilala ni Fiona yung babies. And I said okay lang. Kaya tinawagan ko kagad si Xowie para pauwiin. Ang dami nya munang sinabi bago pumayag as usual. Hahahahaha

Babies First Birthday

Maaga kaming umaalis ng bahay para sa trip to Batangas namin. Gusto kasi ng lahat na magswimming kami. Kaya nauwi kami sa trip to Batangas. At dahil families lang namin ang nakakaalam, as usual kami kami lang. Nagconvoy na lang kami ng mga sasakyan namin. Apat na sasakyan kami. Si Jaiden kasi susunod na lang daw. Sinundo nya kasi si Fiona.

"Bakla ka talaga Yeowna. Nakakainis ka hindi ko alam sasabihin ko kayla Tita. Jusme pati ba naman sa byenan mo pinakilala mo ko!"

"Manahimik na nga bakla. Tulog yung mga anak ko. Buti nga pinakilala ka eh." Na samin kasi yung kambal.

"Ayos lang kung ipapakilala kaso boyfriend te. Boyfriend te eh!"

"Ang arte mo! Leche! Pasalamat ka nga may girlfriend kang maganda."

"Ay pucha. Ganda eh! Kadiri ka. Talo talo tayo te."

"Oo na."

"Yang asawa mong yan. Ang daming alam. Pasundo sundo pa kay Bruha. Parang tunay. Dapat talaga nagpakasal na lang kayo eh."

"Shut up! Makaasawa ka naman. Akala mo ten years na kaming kasal. Past is past girl. Wala na kong balak balikan yung manloloko na yun."

"Fvcksh!t. Sabi mo yan ha? Past is past."

"Oo sinabi ko talaga."

"Anong araw at oras ngayon? Tetake note ko yan. Pag yan binalikan mo. Tuktuk abot mo sakin."

"Oo na! Wala kong balak balikan yung lecheng yun. Take note mo yan ha? March 20, 5:10am."

"Talaga. Para pagnagkabalikan kayo papamuka ko sayo lahat."

"Leche."

⇨Jaiden's POV⇦

"Fiona ano na? Matagal ka pa ba dyan? Nasa Batangas na sila. Andito pa din tayo."

"Eto na. Madaling madali ka na naman eh."

☆Baka ang tagal mo. Bwisit. Andun na si Yeowna at Alex.☆

Maya maya lumabas na si Fiona sa kwarto nya. Bumaba na kami at sumakay na ng kotse. Sa byahe hindi naman kami masyadong naguusap ni Fiona. Pagdating sa resort nakita ko kagad si Alex. Hawak hawak nya si Jaecia. Si Fiona naman sumunod lang sakin.

"Dada." Sabay turo sakin ni Jaecia.

Nilapitan ko naman sila.

"Dada." Sabi ulit sakin ni Jaecia. Kaya binuhat ko na sya.

"Nice to see you Alex."

"Same here. Maiwan ko muna kayo. Puntahan ko lang si Yeowna." Sagot nya lang.

"Fiona, sya yung isa kong anak si Jaecia."

"Sa totoo lang Jaiden. Hindi ko alam kung ano yung dapat kung maramdaman. Hindi ko alam kung magagalit ba ko kasi may anak ka na. O maiingit ba ko kay Yeowna kasi may anak na kayo." Bigla syang naluha. Actually hindi ito yung nararamdaman ko pagsi Yeowna yung umiiyak pag si Yeowna na yung umiiyak para kasalanan ko. Parang kailangan ko syang patigilin at kailangan ko magsorry. Pero ngayon parang wala lang.

"I'm sorry." Yun lang nasabi ko.

"Okay lang. Tangap ko na din naman. Ganun talaga siguro pagsobrang mahal mo yung isang tao."

"Jaiden! Halina kayo rito. Kakain muna tayo." Sabi ni Mama.

"Halika na. Punta na tayo dun." Sabi ko kay Fiona.

Pagdating namin sa cottage napatingin ako kay Yeowna at Alex. Ang sweet sweet kasi nila. Bigla na naman akong nabadtrip.

"Kanta na tayo ng happy birthday." Sabi ni Ate Jaelianna.

"Happy birthday to you. Happy birthday Happy birthday. Happy birthday to you."

Kumakanta sila habang pumapalakpak naman yung kambal namin.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon