Pagpasok nila sa building hinila ulit ni Jaiden si Yeowna elevator. Saglit lang silang nasa loob ng elevator at bumaba na din. Nagenter si Jaiden ng passcode at bumukas na yung pinto. Hinila ni Jaiden si Yeowna papasok at kinorner."Nababaliw ka na ba? Lumabas ka ng ganyan yung damit mo?!"
Speechless pa din si Yeowna. Sobrang lapit ng muka ng muka sakanya ni Jaiden. Amoy na amoy nya yung alak na ininom ni Jaiden. "Tatanungin ulit kita. May nangyari na ba sainyo ni JC?" Kalmadong tanong nya.
Wala pa din mahagilap na isasagot si Yeowna kay Jaiden dahil pa din sa nangyari kanina."Yeowna sagutin mo ko! May nangyari na ba!?" Naiyak naman agad si Yeowna dahil ganun pa din pala yung iniisip ni Jaiden sakanya at naiisip nya pa din yung nangyari sakanila kanina.
"BAKIT HINDI KA MAKASAGOT?! MERON NA BA?! HA?! TUMINGIN KA SAKIN YEOWNA!" Hinawakan ni Jaiden yung muka nya at pilit syang pinapatingin sa mga mata nito. Pero patuloy pa din sya sa pagluha. Binaba ni Jaiden yung kamay nya na nakakorner kay Yeowna at tumalikod ng bahagya pero hinarap nya ulit si Yeowna at hinalikan nya to. Sa bawat halik nya ramdam na ramdam ni Yeowna na galit na galit si Jaiden at gustong gusto sya nitong mabawi. Tinugon naman nya lahat ng halik nito. Maya maya naramdaman nyang binubuksan na ni Jaiden yung zipper ng dress nya at unti unti itong itinataas yung palda ng dress nya. Pero bigla itong bumitaw.
"Pwede kang magstay dun sakabilang room. Wag mo ng tangkaing lumabas ng unit." Yun lang ang sinabi ni Jaiden at Pumasok na sa isang room na sa tingin ni Yeowna ay kwarto ito ng binata. Pumasok sya dun sa room at inayos ang kanyang sarili. Maya maya humiga na din sya sa kama. Ilang minuto pa lang ang lumipilipas simula ng humiga sya biglang bumukas yung pinto ng room nya alam na nya kung sino yung bumakas. Bigla syang tinabihan ni Jaiden at Niyakap mula sa likod.
"Hon?!" Hinarap nya ito. At nakitang umiiyak si Jaiden. "Meron na ba talaga?" Kalmadong tanong nito."Wala pa. Hindi lang kita masagot kanina dahil natatakot ako sa nangyari satin sa may club. Nasasaktan lang ako na ganun pala kababa yung tingin mo sakin."
"Hon. Hindi ganun yun. Nagselos lang ulit ako kay JC. Nakita ko pang hinila ka nya sa kwarto nya tapos ang tagal mo pang lumabas. Nung gabi hindi ka natulog sa tabi ko."
"Sorry~"
"Shh. Hindi ka dapat magsorry. Kasalanan ko lahat. Nangibabaw na naman sakin yung selos at kalasingan kaya ko yun nasabi. Sana mapatawad mo pa ko. Sorry din sa nangyari kanina halos hindi ko na napigilan yung sarili ko. Nasaktan ba kita?"
"Hindi. Nagcamping lang kami nun ni JC."
"Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Sorry talaga. I love you so much. Sorry kung hindi kita hinabol nun. Sorry kung nagisip ako ng masasama sayo. Sorry kung hindi kita nirespeto kanina. I'm so sorry honey. Mahal lang talaga kita."
Niyakap naman ng mahigpit na mahigpit ni Yeowna si Jaiden.
"Papatawarin na kita. Kiss, hug at dito ka matutulog sa tabi ko." Niyakap na sya ni Jaiden at hinalikan ulit.
"Matulog ka na honey. Baka hindi ko na mapigilan yung sarili ko. Good night. I love you."
Ngumit na parang nangaasar si Yeowna at hinalikan si Jaiden. Bumitaw naman agad ito."Honey. Matulog ka na please. Natatakot ako sa pwedeng mangyari." ☆ Ikakasal na nga pala sya.☆ Muntik ng makalimutan ni Yeowna ang tungkol dun. At ngayong naalala nya na. Niyakap nya na lang ulit si Jaiden at natulog na.
➡Yeowna's POV⇦
Pagmulat ng mata ko wala na si Jaiden sa tabi ko pero may note syang iniwan na: "Good morning Honey. Sorry kung iniwan kita. May emergency sa isa sa mga patient ko kaya mapapasugod ako sa hospital. BTW, may pagkain na sa kitchen. Kain ka na lang. May dress din dun para diretso ka na sa office. Dadrop by ako dun later for wedding preparation :) Iloveyou. -Jaiden. "
☆fvck! Okay na lahat eh. Kaso biglang wedding preparation.☆
Lumabas na ko ng room at pumunta ng kitchen ng unit nya. May roses pa sa center ng table nya tapos may pagkain. May box din na dun nakalagay yung dress. After kong magshower at magbihis nagsulat din ako ng note para kay Jaiden tapos pumunta na ko sa office. 10am na ko ng dumating dun."Bagay pala talaga sayo yan." Paglingon ko si Jaiden.
"Thank you." Nagsmile na ko sakanya. "Kumusta yung patient mo?" Sabi ko sakanya habang papasok kami ng office ko.
"Aba aba! So mas nauna kang nakwentohan ni Jaiden? And Miss President or should I say Mrs. President bakit ka po pala late? May early conference po tayo diba?" Sabi ni Lulu. ☆fvck. Oo nga pala. Landi pa more.☆
"Mrs. President?" Tanong ni Jaiden.
"Joke lang yan ni Lulu. Mamaya na lang tayo magconference about dun sorry. Napasarap tulog ko sa bahay eh."
"Weeh?! Sa bahay? Tumawag samin si Tita hindi ka dun natulog." Sabi ni Sheena.
"Pwede na ba natin istart yung meeting for my wedding? Kailangan ko pang bumalik ng hospital."
"Sorry Jaiden ganito talaga kami dito. Sa meeting room na tayo." Sabi ni Ar-ar.
"Gusto ko magstart tayo sa wedding dress ni Fiona. Busy sya sa office kaya hindi na sya nakapunta tsaka gusto ko surprise yung design ng gown nya. Kaya please tulungan nyo ko pumili. Madali na lang naman yung concept eh." Sabi ni Jaiden.
"Kung ganun edi dapat sa gown floor tayo hindi dito. Dapat kanina mo pa sinabi yan." Sabi ko.
Bumaba na kami sa gown floor para makapili.May tag-iisa silang pinili na gowns so it means may apat kaming pagpipilian. Pero gusto ko yung pinili ni Jaiden.
"Sure ka ba Jaiden na pareho sila ng vital stats ni Fiona?"
"Oo. Medyo. Ang mahalaga ngayon makapili tayo. Babalik pa ko sa hospital."
Nagmadali na kami nagsukat at namili. Nakapamili naman kami agad. At yun yung kay Jaiden nga. Umalis naman sya agad ni hindi nga nagpaalam sakin eh kasi nagbibihis pa ko sa loob. Actually hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Kung masasaktan ba o kikiligin. Ewan ko.

BINABASA MO ANG
The Unexpected (Completed)
RomantizmREAD TO KNOW WHAT IS THE UNEXPECTED :)))) #TheUnexpected * * * I think this is not the usual story for The Unexpected :))