Pagkatapos ng proposal ni Jaiden kay Fiona umalis naman agad si Yeowna. Ayaw nya umuwi ng bahay nila na ganun sya kalungkot. Kaya nagdesisyon syang sa Penthouse ng hotel ni Eve tumuloy. Pinagsabihan nya naman yung mga staff nya dun na wag sasabihin kahit kanino na andun sya. Pagdating sa penthouse. Iyak lang sya ng iyak hangang sa makatulog sya. Maghapon naman syang di umaalis dun. Tumatawag na yung mommy nya, si JC, si Lulu, si Ar-Ar at si Jaiden. Pero sa lahat ng tumawag wala syang sinagot.
From: Mommy
| Yeowna?! Asan ka ba?! Yung mga anak mo rito nagaalala na sayo. Proposal pala ni Jaiden kagabi hindi ka man lang nasabi! Iiwan namin yung mga bata dito sa bahay sa yaya nila may out of town meeting kami sa isang araw pa balik namin. Kaya umuwi ka na!|
Tinext nya si Lulu at Ar-Ar para magkantahan sila at maginuman sa penthouse ng hotel nya. 6pm pa lang andun na yung dalawa.
"G*g* ka! Alam mo bang halos gisahin kami ni tita para ilabas ka lang." Bungad sakanya ni Lulu.
"Oo nga. Ano bang problema mo ha?" Dagdag namin ni Ar-Ar.
"Pwede mamaya na?! Magluto muna kayo ng pagkain natin."
Nagluto naman agad sila. Maya maya nagstart na din sila sa kantahan at inuman. Lakas din kasi uminom ng mga kaibihan nya kaya tequila at vodka yung dala nila.
"Be ano ba nagyayari sayo?" Tanong ni Ar-ar. Kasi bigla na lang sya naiyak habang kumakanta si Lulu ng without you na kinanta ni Jaiden sa proposal.
"Wala. I'm okay."
"Okay? Tingnan mo nga itsura mo. Para kang hindi model." Sabi naman ni Lulu.
"Kung kayo kaya nasa sitwasyon ko?! Sa tingin nyo magiging okay kayo kung yung taong mahal na mahal mo andun sa matagal mo ng karibal! Pati yung mga anak mo naapektuhan ng dahil sa babaeng yun. At higit sa lahat ang tanga tanga ko! Ako yung nagorganize ng proposal na yun!!"
Kumunta naman si Ar-ar ng better in time ni Leona Lewis. Lalo lang nagpaiyak kay Yeowna. ☆Hinding hindi na ulit ako magiging okay wala na sya eh. Ni hindi ko nga alam pano sisimulan yung bukas na hindi na sya magiging parte ng buhay namin. Hindi ko din alam kung pano ko tatangapin na wala na talaga yung samin kahit na nagpaparamdam sya nung nasa bakasyon kami.☆
"G*g* ka! Bakit mo naman kasi tinanggap!"
"Sa tingin mo ba hindi ko tatangapin yun. Ginagawa ko yun kasi alam kong yun yung magpapasaya sakanya! Pero sobrang sakit! Parang sinasaksak ko yung sarili ko nung nakita ko silang magkasama. Kahit nasasaktan ako mahal ko pa rin sya! Hinding hindi na yun magbabago!" Inagaw ni Ar-Ar yung bote ng vodka sakanya.
"Lasing ka na Yeowna! Tigilan mo na yan! Hindi yan solusyon sa problema mo."
"Akin na yan. Ano ba?! Kaya ko kayo pinapunta rito para dyan."
Nakuha din agad ni Yeowna yung vodka. Naka ilang shot na si Yeowna. Kanta naman sila ng kanta. Biglang may pinapasok sila sa penthouse. Inaaninag ni Yeowna kung sino yun nanlalabo na yung mata nya sa kakaiyak. Hangang sa narealize nya na si JC yung andun.
"Ang tanga ko no? Inassume ko na mahal nya pa ko. Ang tanga ko na hinayaan ko sya sa piling ng iba. Tapos ngayon hindi ko alam pano sisimulan yung buhay ko ng wala na yung taong nagpapasaya sakin."
"Hindi ka naman kasi magaassume kung walang pinakitang motibo."
"Yeowna. Tama na yan. Umuwi ka na. Walang kasama sila Jaecia sa bahay." Sabi ni JC
"Ayoko. Sa tuwing nakikita ko sila lalo lang nilang pinapaalala sakin na kahit kailan wala na samin yung daddy nila."
"Kailangan mo ng tangapin Yeowna! Magsimula ka na ng bagong buhay na wala si Jaiden!"
"Ganyan kadaling sabihin sayo kasi hindi mo alam yung nararamdaman ko. Hindi mo alam kung gano kasakit na ikaw yung nagorganize nung proposal para sa taong mahal mo! Hindi mo alam yung pakiramdam na nakikita yung taong mahal mo na kinakantahan yung iba na dati nyang ginagawa sayo! Hindi mo alam kung gaano kasakit na yung singsing na dapat sayo isusuot nasa iba na ngayon! Hindi mo alam yung totoong nararamdaman ko! Madaling sabihing magmove-on kasi wala kayo sa sitwasyon ko! Hindi nyo alam kung gano kahirap magmove-on na kahit anong gawin mo sya pa din yung tinitibok nito *turo sa dibdib sa may puso* yung alam mong may mahal na sya pero mahal mo pa din sya." Iyak na ng iyak si Yeowna.
"Sorry. Wag ka ng umiyak. Andito lang ako. Tutulungan kitang kalimutan sya. Hinding hindi kita iiwan."
"Ayoko na! Sawang sawa na kong lokohin. Sawang sawa na ko umiyak. Sawang sawa na ko magmove-on na hindi ko naman magawa gawa. Pagod na ko. Pagod na pagod na kong magmahal at umintindi."
"Halika na. Umuwi ka na. Hinahanap ka na ni Yohann sa bahay. Please umuwi ka na? Ihahatid kita." Sabi ni JC. Nagayos naman agad si Yeowna para umuwi. Hinatid nga sya ni JC. Pero hindi sila naguusap habang nasa byahe sila. Antok na antok na din sya. Pagdating nila sa tapat ng bahay nila nakita ni Yeowna si Jaiden sa tapat ng bahay nila na nakasandal sa kotse neto. ☆Hindi. Hindi sya yan. Ikakasal na sya imposible to.☆
"Wag ka munang baba." Sabi ni JC.
Lumabas ito ng sasakyan agad naman itong pununtahan ni Jaiden at hinawakan yung kwelyo ng damit ni JC. Pero agad nitong tinulak si Jaiden. Lumapit naman si JC sa pinto sa may inuupuan nya. Akma nitong bubuhatin si Yeowna pero hinila sya ni Jaiden.
"H*y*p ka! San mo dinala si Yeowna?!"
"Wala ka ng pakialam dun! At hindi ka na dapat na nakikialam! Ikakasal ka na diba? Tabi!"
"Ikaw ang tumabi! Ina pa rin sya ng mga anak ko!" Sinuntok naman agad ni JC si Jaiden. Si Yeowna naman hilong hilo at nanghihina.
"Yan lang naman yung tingin mo sakanya diba?! Ina ng mga anak mo!"
"Daddy! Tito JC! Bakit kayo nagaaway?!" Tanong ni Jaecia na agad naman nakapagpatigil sa away ng dalawa. Bigla itong lumapit sa sasakyan.
"Mommy??" Pero hindi sumagot si Yeowna.
"Daddy. Ipasok mo na po si mommy sa bahay. Thank you sa paghatid sa mommy namin Tito JC." Sabi ni Yohann. Binuhat naman agad ni Jaiden si Yeowna at pinasok sa bahay.
BINABASA MO ANG
The Unexpected (Completed)
RomanceREAD TO KNOW WHAT IS THE UNEXPECTED :)))) #TheUnexpected * * * I think this is not the usual story for The Unexpected :))
