Chapter Fifty-Six: Another thing ¯\_(ツ)_/¯

3.7K 127 11
                                    


➡Day 1⇦
Maaga kaming sinundo ni Jaiden. Pagdating naman nya okay na lahat. Kaya umalis din kami agad. Hindi naman nya ko kinakausap. Dumiretso naman kami agad sa airport.


"Hi sweetheart!" Sabay yakap sakin ni JC.


"Inaantok pa ko. Kaya wag kang ma~"


"Magboard na tayo." Sabay hinila na ko ni Jaiden. Sumunod naman yung kambal samin at si JC.
1hr lang andun na kami sa Catanduanes. Pagdating namin dun sinundo kami ng van papunta sakanila. Drinop lang kami nung van sa paanan ng bundok.


"Dad. Dito na tayo? Asan yung bahay?" Sabi ni Yohann.


"Hindi pa. Malayo layong lakaran pa to." Sabi ni Jaecia.


"What?! Seryoso?"


"Oo. Kaya halika na sweetheart." Hinila naman ako ni JC.


After 45minutes ng paglalakad nakarating din kami sa tapat ng gate ng hacienda nila. Sa buong paglalakad namin hawak hawak ni JC yung kamay ko. Lahat naman kami hindi naguusap.


"Act like normal. And you *turo kay JC* stay away." Hinila na ko ni Jaiden. At nilipat yung kamay nya sa bewang ko. Naglakad na kami papasok ng gate.


"Omma and paps! Ito po yung kambal. At yung asawa ko po si Yeowna. Honey ito si Paps *turo sa matandang lalaki* lolo namin at si Omma *turo sa matandang babae* lola namin."


"Nice to meet you po." Nagbless ako sakanila.


"Ikaw nga yun. Yung lagi kong napapanaginipan na mapapangasawa ni Jaiden." ☆Mali po pala yung panaginip nyo.☆


"Omma! Asawa ko na sya."


Ngumiti lang yung lola nya. Yung ngiting may ibig sabihin na parang may alam sya. Pumasok na kami sa loob ng bahay.


"Iba ka talaga pumili Jaiden. Ang ganda ganda nya. Eh ikaw JC? Kelan ka kaya magpapakilala samin?" Sabi ng lolo ni Jaiden.


"Paps! Ako pa. Eh mana kaya ko sainyo tingnan mo ang ganda ni Omma diba honey?" Sabi ni Jaiden


"Oo nga po. Ang ganda nyo."


"Malapit ko na syang ipakilala lo. Baka nga kilala nyo na eh." Ngumiti si JC sakin. Ang sama naman ng tingin ni Jaiden sakanya.


"Baka napagod kayo sa byahe at paglalakad. Magpalit muna kayo at kumain tayo maya maya." Sabi nung lola ni Jaiden. "Manang pakisamahan sila sa mga kwarto nila."


"Omma, hiwalay po ba kami ng room kayla mommy?" Tanong ni Jaecia.


"Oo naman."


"Yes! Buti na lang." Sabi ni Yohann.


Umaakyat naman kami agad sa 2nd floor at tinuro nung kasambahay nila yung mga room namin. Katabi ng room namin, room ni JC at yung katapat na room namin yung kambal. Pumasok agad yung kambal sa room nila. Hinila naman ako ni Jaiden papasok ng room namin.


"Yeowna! Anong meron sainyo ni JC?"


"Wala? Ano bang gusto mo maging meron samin?"


"Wala kahit may tawagang sweetheart?!"


"Oo. Ano naman sayo ngayon?! Bakit ka ba nakikialam samin?!"


"May pakialam ako kasi pinsan ko yun Yeowna! Talo talo na lang?! Ano iisipin sainyo ng mga tao?! Ano na lang sasabihin nila sayo?!"


"Pagmahal mo yung isang taong hindi mo na maiisip yung sasabihin ng iba. Pagod ako. At nawalan ako ng ganang makisama sayo kaya ikaw na lang bumaba mag isa mo kung gusto mo."


"So mahal mo sya?!" Humiga ko sa kama at nagtaklob ng kumot. "YEOWNA! KINAKAUSAP PA KITA WAG KANG BASTOS!"


"ANO BANG PROBLEMA MO?! PAGOD AKO NATURAL NA GUSTO KONG HUMIGA!"


"SAGUTIN MO TANONG KO! MAHAL MO BA SI JC?!"


"EH ANO NAMAN KUNG MAHAL KO?!"


"SAGUTIN MO KO NG MAAYOS!"


"BAKIT BA KAILANGANG MALAMAN MO YUNG NARARAMDAMAN KO?!"


"EH GUSTO KO EH!"


"WALA NAMAN SAYO KUNG ANONG MERON SAMIN KAYA WAG KA NG MAGTANONG."


"SO WALA NA LANG AKO SAYO?!"


"BAKIT ANO KA BA SAKIN?! AT ANO BA KO SAYO?! NI WALA NGANG TAYO EH."

Lumabas sya ng pinto at malakas na sinara ito. ☆Wow! Nakakahiya naman sayo. Galit na galit ka pa.☆

Maghapon kong hindi nakita si Jaiden. Sabi lang ng lola nya umalis sila ng lolo nya kasama si JC at yung kambal. Kaya maghapon akong nagpahinga at nagupdate kayla Lulu. Pagdating ng gabi sabay sabay kaming nagdinner at maagang nagpuntahan sa kanya kanyang room kasi pagod pa din kahit maghapon akong nagpahinga. Jusme nakakapagod kayang magpahinga. Hindi ako pinapansin ni Jaiden sa dinner kaya hindi ko din sya pinapansin. Nauna naman akong umakyat sa room at nahiga sa kama. Maya maya naramdaman ko ng pumasok si Jaiden. Tumabi sya sakin at niyakap nya ko.

"Hon? Sorry. Galit ka?"


"Hindi ako galit at wala akong dahilan para magalit."


"Hon naman eh. Mahirap bang sagutin yung tanong na mahal mo sya?"


"Oo."


"Yang oo na yan sa anong tanong yan sagot?"


"Dun sa dalawa mong tanong."


"Mahal mo nga sya honey?"


"Matulog ka na. Mahaba habang pagpapanggap pa to. This would be the last."


"Lahat ng kinikilos ko at sinasabi ko sayo lahat yun totoo. Masakit lang na wala ka ng pakialam ngayon. Kung ayaw mo na ng pagpapanggap na to. Sabihin mo lang iuuwi na kita bukas na bukas din."


"No need. Bumitaw ako ng pangako kay tita. Good night."


"Good night lagi mong tatandaan honey. Mahal na mahal kita kahit anong mangyari." ☆Hindi na kita maintindihan! Mahal mo ko pero papakasalan mo si Fiona.☆

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon