Chapter Nineteen: Yeowna is coming home with her babies.

5.8K 180 10
                                        

"Hon? Are you ready? Don't worry. Ako bahala sayo."

Hon? Muka mo! Niloko mo nga ko nun eh

Nagulat ako sa sinabi ni Jaiden. Nasa loob pa din kami ng sasakyan sa loob ng parking lot sa bahay namin.

"Kahit hindi naman ako ready. Bababa at baba pa din ako."

"Trust me this time okay? Halika na."

Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko pagbaba ko ng sasakyan. Parang sasabog na yung puso ko sa sobrang kaba at takot. Pinagbuksan kami ni Manang ng pinto pero bigla akong nahinto. Nagulat kasi si Manang na may baby na ko. Tiningnan ako ni Jaiden.

"Let's go. Trust me."

Sabay hinawakan nya yung right hand ko. Hawak ko kasi si Jaecia sa left hand ko. Sya naman hawak nya sa right hand nya si Yohann. Pagpasok sa loob ng bahay binitawan muna ni Jaiden yung kamay ko. Nagulat kasi lahat sa nakita nila. Kaya nakayuko lang ako. Hindi kasi talaga ko makatingin sakanila sa sobrang hiya. Tapos kinuha nya ulit yung kamay ko. Napatingin ako sakanya.

Nakakatakot yung ganung katahimikan. Feeling ko may puputok na bulkan eh. Parang gulat na gulat lahat. Hindi agad sila nakasalita sa nakita nila. Pati ata si Mommy at Daddy gulat na gulat. Nagpaalam ako na may Modeling Training for 11months pero pagbalik ganito na.

"Ano to Jaiden?" Sabi ng Papa nya. Natakot ako lalo. Pano pa kung si daddy na yung nagsalita.

"Pa, Ma. Anak po namin ni Yeowna. Si Jaecia at Yohann. Tito, Tita sorry po kung tinago namin ng matagal. Sobrang natatakot lang po si Yeowna na harapin kayo."

Naluha na ko. Kaya hinigpitan nya yung hawak sa kamay ko. Lumapit sakin si Mommy at kinuha nya si Jaecia. Tapos sobra nya kong niyakap. Kaya lalo akong naiyak.

"Ssshh. I'm happy for you. Mother ka na din. Dapat sinabi mo agad para naalagaan kita after mong manganak sana ako yung andun habang nanganganak ka."

"Galit ka Mommy?" Biglang umaakyat si Daddy sa taas.

"No. Masayang masaya ko para sainyo ni Jaiden. Nagtatampo lang ako kasi hindi nyo agad sinabi." Si Jaiden at Yohann naman nasa family ni Jaiden.

"Sorry Mommy, pero galit si daddy."

"Hindi yun galit. Di nya lang matangap na wala na syang baby girl."

Lumapit samin ni Mommy si Jaiden.

"Tita, pasensya na po kayo kung nagtago kami. Hindi po namin sinasadyang~"

"Hindi ko naman sinabing magexplain kayo sakin."

Tapos lumapit Mommy ni Jaiden samin.

"One big family na talaga tayo. Ang cute cute ng mga apo natin no?" Sabi ni Tita.

"Oo nga. Kambal na. Babae't lalaki pa. Galing naman ni Jaiden na~"

"Mommy!"

"What?! I'm not saying anything." Nakasmile na sabi nya.

"I'm just.. Just calling you."

"Pero Yeowna magaling naman ba si Jaiden?" Sabi ni Tita Andrea

"Ma, ano ba?" Natawa ko sa sinabi ni Jaiden. ☆Para syang bata☆

"Magaling mag-alaga. Kayo talaga mga isip nyo." Sabi ni Tita Andrea

"Mana sakin si Jaiden. Kaya ganyan dalawa agad." Sabi ni Tito Zian.

"Lianne. Ang cute talaga. Jaiden anong pangalan nila?" Biglang iba ng usapan ni Tita Andrea.

"Jaecia Marrise po at Yohann Lance."

"Pati pangalan ang cute." "Yuan, naunahan ka pa nila Jaiden o. Dalawa agad." Sabi ni Mommy.

"Ay nako Ma. Magkakaron din kami ng dalawa. Di ba mahal?" Sabi ni Kuya Yuan.

Ngumiti lang si Ate Jaelianna. Maya maya bumaba din ulit si Daddy at tiningnan yung kambal. Hindi ako makatingin sakanya kasi baka magalit sya.

"Kumain na tayo ng dinner." Sabi nya.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon