Chapter Fifty-Seven: Unforgettable

3.7K 129 8
                                        

➡Day 2⇦

Susulitin ko na yung buo kaming apat. Minsan lang to at hangang ngayon na lang tong kasiyahang to. Pagbalik ng Manila puro lungkot at sakit na naman. Maaga kaming nagising ni Jaiden.

"Honey? Maaga pa naman. Wag ka muna bumangon please?" Niyakap ko sya. Kiniss ko din sya.

"Good morning honey! It's 5am. Bangon na tayo."

"Eh ayoko pa. Gusto ko ganito palagi yung gising ko ikaw yung nasa harap ko. I love you honey."

"I love you more honey." Kiniss nya ko. Ako naman nagpadala lang.

"Hon. Mahal mo talaga ko?"

"Oo. Sobra."

"Talaga? Kiss mo muna ko sa noo. *kiniss ko sya* kiss mo muna ko sa nose. *kiniss ko ulit sya* kiss mo ko ng matagal sa lips."

"Sinusulit ko lang tong araw na to. Alam ko na sa mga susunod na araw hindi na tayo ganito at higit sa lahat ikakasal ka na." Kiniss ko sya. "Bangon na tayo."

"Ligo tayo sa falls ngayon na please? Tapos sabay tayong tatalon dun?"

"Malamig pa hon."

"Honey please? Minsan lang naman eh."

"Hon baka magkasakit tayo. Gabi pa."

"Hindi yan hon. Sige na please?" Actually mahilig ako sa mga ganitong moments. Cliff jumping. Hiking. Lalong lalo na yung camping.

"Okay okay." Hinila nya ko kagad palabas ng room. "Hon nakapantulog pa ko." Bumaba kami para kumuha ng ilaw.

"Okay na yan honey."

Naglakad kami papunta sa isang cave na may curtain ng dahon yung pasukan. Hawak hawak nya pa din yung kamay ko.

"Matagal kong pinangarap na madala kita dito sa hidden treasure ko. Actually walang ibang nakakaalam nito except samin ni Omma at paps." Sabi ni Jaiden.

"Talaga ang cool?"

"Sabi kasi ni Omma at Paps. Dalahin ko dito yung taong mahal ko at sabay kaming tumalon dito para magsama kami habang buhay."Si Fiona mahal nya bakit ako yung dinala nya dito?
Pagdating namin sa dulo nung cave sobrang ganda nung falls na naaninag ko.

"Maganda siguro to pagmay araw na."

"Oo sobra."

"Honey, pinapangako ko na mamahalin kita palagi at hinding hindi ka mawawala dito sa puso ko."

"Mahal na mahal kita hon."

At magkahawak kamay kaming tumalon sa tubig na sobrang lamig na parang yelo. Niyakap agad ako ni Jaiden. Hinalikan nya ko ng matagal na parang sinasabi ng mga halik nya na kung gaano nya ko kamahal. Sinagot ko naman lahat ng halik nya. Mahal ko pala talaga sya. Siguro hindi nawala yun kahit na naghiwalay kami.

"Sorry. Di ko na napigilan yung sarili ko. Mahal na mahal talaga kita." Bulong sakin ni Jaiden habang mahigpit na mahigpit nya kong yakap yakap.

"Mahal din kita."

Nagtagal pa kami ng kaunti ng ganung ayos. After ilang minuto umakyat na din kami at umuwi sa bahay nila. Pagdating naman sa tapat ng bahay andun si JC.

"Sweetheart, basang basa ka. San ba kayo nanggaling?" Sinalubong nya ko ng towel at bathrobe. ☆Bakit handang handa sya?

"Stay away." Hinila ko ni Jaiden at nilagyan ng bathrobe. Yakap yakap nya ko habang paakyat kami sa room.

"Hon?"

"Kung tungkol kay JC yung itatanong mo please wag na?"

"Bakit? May tinatago ba kayo ni JC?"

"Wala. Wala kaming tinatago. Nilalamig na ko." Dumiretso na ko sa CR.

Pagbaba namin kumakain kami ng breakfast. Bumalik din ako sa kwarto kasi may conference kami through skype nila Ar-ar para sa big wedding ng isang celebrity. Kaya busy sila at ako kasama sa desisyon making ng lahat lahat ng events. After ng conference at ng mga ginagawa ko bumaba na ako para tingnan yung kambal at si Jaiden pero wala kong nakitang tao. Hangang hapon wala sila.
"Hinahanap mo ba sila?" Bulong ni JC sa likod ko.

"Yup. Asan sila?"

"Umalis eh. Para masolo daw kita." Niyakap nya ko bigla. "Sweetheart?"

"Bakit JC?" Malamig na tanong ko.

"Mahilig ka magcamping diba?" Napabitaw ako sakanya ⭐pano nya nalaman?

"Ha? Bakit?"

"Camping tayo sweetheart."shocks. Ang ganda pa naman ng place pwedeng pwede pangcamping.

"Wag na baka may makakita pa sating iba."

"Sweetheart, minsan lang naman to eh. Sige na please?"

"Wag na."

"Wag na means ayaw mong mahuli pero gusto mong magcamping. Okay. Kung ayaw mo andyan naman ata si Omma eh. Makwento nga tungkol sa totoong relationship nyo ni Jaiden."

"JC naman eh. Ilang beses mo pa ba kong ibablack mail?"

"Hangang sa mahalin mo na ko. At hangang sa pumayag ka na sumama sa camping. So sasama ka ba o pipilitin pa kita?"

"Lagi na lang akong walang choice."

"Ayaw mo kasing pumayag eh. Binibigyan naman kita ng choice diba?"

"Ayoko ko nga diba?"

"Okay. Secret camping site pa naman yun na walang nakakapuntang iba. Pag si Jaiden nagaaya kahit anong oras okay lang."
Umaakyat na sya sa room nya. ☆Pano nya kaya nalaman na maaga kaming umalis ni Jaiden. Gusto kong sumama minsan lang to. Tsaka ikakasal na din si Jaiden.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon