Chapter Sixteen: The Baby is Coming!!

6.3K 185 14
                                    

Guys. Pasensyahan nyo na to. Hindi ko alam kung pano eexplain at kung pano talaga manganak. (‘◇’)?

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

7pm Dumating na si Jaiden sa bahay. Due date na kasi ngayon ni Eve. Pero si Eve kalmado lang parang wala pa naman syang nararamdamang sakit. Hawak hawak nya lang yung rosary nya. 8pm Napagpasyahan na naming matulog dahil wala namang nararamdaman si Eve. 9:30pm Isang oras pa lang ata kami nakakatulog or 30minutes pa lang. Ginising na kami agad ni Eve.

"Jaiden, sobrang sakit ng puson ko. Ang sakit din ng dibdib ko." Sabi ni Eve na parang hirap na hirap na.

"JAIDEN ANO NANG GAGAWIN NATIN?!" Sabi ko

"Kumalma ka nga lang babe. Parang ikaw yung manganganak at doktor eh." Sabi ni Xowie.

"Lex, ihanda mo na yung sasakyan. Pupunta na tayo sa clinic."

"Eve. Kalma ka lang okay? Kaya mo pa bang tiisin? Hindi ka pwedeng manganak dito."

"Beb, hold on okay? Kaya mo yan. For the babies."

Hindi na nagsalita si Eve. Sinakay naman sya kagad sa kotse. Nakahazzard driving na kami sa sobrang pagmamadali ni Xowie. Pagdating namin sa clinic kami na ni Xowie naglabas kay Eve. Pumasok na kagad si Jaiden para ayusin lahat ng kailangan sa loob. Bago pa namin mapasok si Eve sa clinic pumutok na yung panubigan nya.

"Jaiden!! Si Eve!"

Lumabas kagad si Jaiden. Binuhat naman ni Xowie si Eve. Hindi na napalitan ng damit si Eve. Humiga na sya kagad.

"Hindi ko na kaya! Masakit na talaga."

"Eve. Ready?""Eve Push!"

"Beb kaya mo yan."

Napush naman si Eve. Pero parang hirap na hirap na sya. Nakahawak sya kay Xowie at yung isang kamay nya nakahawak sa hinihigaan nya. Ako naman hindi ko kayang makita syang ganun kaya nasa sulok lang ako nagdadasal.

"First baby is out! Eve kaya mo pa ba? May isa pa." Binaba ni Jaiden yung baby malapit sa tabi ko. Iyak naman ng iyak yung baby. Lumapit si Xowie para linisan yung baby.

"Kakaya..nin..ko..to.." Hindi ko na kayang naririnig na ganun sya parang hindi na sya makahinga. Kaya nilapitan ko sya at hinawakan yung kamay nya.

"Beb. Kaya mo yan. Buhay mo sila diba? Kaya mo yan. Alam kong pagod ka na. Pero beb wag kang susuko. Nakalabas na yung isa."

"Okay Eve. Push!"

Nagpush na naman ulit si Eve. Nakatatlong push ata sya at lumabas na si baby boy. Humiga na si Eve. Naluluha sya. At parang hindi sya makahinga. Nilapit ni Jaiden yung mga baby sakanya. Nilagyan sya ni Jaiden ng oxygen.

"Beb. Ang sakit ng dibdib ko sobra. Beb? Mahal na mahal ko sila ng sobra. Gusto ko yung baby girl ko ang pangalan nya Jaecia (Pronounce as Jaysha) Marisse at sya naman si Yohann Lance."

"Sssshhh. Beb."

"Beb hindi ko na kaya. Mahalin mo sila na parang tunay mong anak... Beb.. Alam mo kung gaano ko sila kagustong makasama. Pero hindi ko na talaga kaya."

"Beb. No! Kaya mo yan. Sila bumubuhay sayo diba?" Hinalikan ni Eve yung mga baby nya.

"Jaecia... Yohann... Ako... Ay... Magiging.....gurdian...angel...nyo na... Lang... Mahal.... Na.... Mahal.... Ko.... Kayo." Umiiyak na sinasabi nya.

"No." Naiyak na din ako.

"Yeowna, Jaiden at Alex, Maraming....Salamat...sa...lahat...lahat...Beb...Jaid...kayo...na...bahala...sa...kanila...mahalin..nyo...sila...na...parang...mga...anak..ninyo...wag...niyong..hayaang...malaman....ng...iba...na..hindi...nyo..anak..." Hinawakan nya yung kamay namin ni Jaiden.

Nanlalamig na sya.

"Beb... No! Please. Beb! Mahal mo sila dba? Walang iwanan beb diba?! Beb!"

Pumikit na sya. At may luhang tumulo sa mata nya.

"Beb... No! Please. Beb!"

Hinila ako paalis ni Xowie habang si Jaiden naman nirerevive nya si Eve.

"Died at exactly 1:00am." Umiiyak na din si Jaiden.

Lumapit na ulit ako kay Eve.

"Beb. Why did you do this to me?! Walang iwanan diba? Beb wake up!" (┳◇┳) Niyakap ako ni Xowie.

"Girl, okay na sya dun. Kasama nya na sila Tita at Tito."

Tumawag si Xowie sa malapit na funeral dun sa clinic. At Kinuha na si Eve. Si Xowie yung sumama sa funeraria na kumuha kay Eve.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon