Okay okay naman na si Yeowna at Jaiden. Masaya nga sila kay Jaecia eh. See the clip sa side :)))
﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Buong three months andun lang ako sa bahay ni Jaiden kasama yung twins at si Xowie. Masaya naman kami dun. Okay okay na din kami ni Jaiden. Naghire naman sya ng matandang katulong at isang bata para lang may magalaga dun sa mga baby. Nagpangap naman ako na bagong panganak na hindi makalakad kaya lagi lang ako nakaupo sa kama. Hangang ngayon ayoko pa ding umuwi natatakot pa din ako sa sasabihin sakin ng family and relatives namin.
"Yeowna, kailangan mo ng umuwi. Tinawagan ako ng kuya mo. Iyak ng iyak daw si Tita. Ang arte mo kasi nakakaawa na si tita hoy!"
"Natakot pa din ako."
"Bahala ka sa buhay mo. Hindi ka habang buhay makakapagtago. Paalis na ko mamaya. Bahala na sayo si Jaiden."
"Girl, alam ko na sasabihin nila Mommy na magpakasal kami ni Jaiden."
"Eh shunga ka pala eh. Edi sabihin mo ayaw mo or may boyfriend ka na."
"Sige ha? You give me a great Idea eh. Sasabihin kong may boyfriend basta sasabihin kong ikaw! At magpapangap ka!"
"Loko ka! Alam mo namang girl ako tapos gaganyan ka."
"Girl mo muka mo Xowie. Eh me ano ka nga eh. Kahit anong gawin mo meron ka nyan."
"Magpapasex change na ko. Edi sabihin mo nasa France na ko nun."
"Yun payag ka na nyan? G*g* papasex change? Baka patayin ka ng parents mo. Hahahahahaha"
"Bahala ka."
"Basta pagtumawag or nagskype ako sayo alam mo na."
"Oo leche. Sana lang mapapaniwala mo si Jaiden."
"Oo naman. Babe nga tawagan natin eh."
"Yuck! Kadiri ka te!"
Hinayaan na lang ako ni Xowie na alagaan yung kambal. Hindi na din namin masyadong binabangit si Eve kasi ang bigat pa din sa pakiramdam. Para case is closed na din. Paalis na din kasi sya mamaya pabalik ng France. 3:00pm umalis na si Xowie sa bahay ni Jaiden. Si Jaiden naman may clinic sa Makati. Kaya gagabihin yun ng paguwi for sure. Natulog na kami nung babies ko. Sorry feel na feel maging mother eh. Hahahaha
"Yeowna. Gumising ka na please?"
"Hmmm?"
"Uuwi ka na. Iyak ng iyak mom mo. You need to go home."
"Ayoko. Natatakot ako kay dad."
"Ako na bahala. Alam nilang uuwi ka na."
"What?! Do you want me to die?!"
"Magbihis ka na Yeowna. I'm serious. Papayos ko na si Jaecia at Yohann kay Manang."
"Jaiden please? Wag ngayon? Hindi ko pa kaya."
"I told you to trust me."
"Hindi ganun kadali yun pagnaloko ka na."
"Go change your clothes. Orelse I'll do it. Or uuwi ka ng ganyan sa bahay nyo."
Nagbihis na ko. Pero naiyak ako. Kasi kahit napagplanuhan na, hindi pa din ako handa. Takot na takot pa din ako.
"Hon? I'm sorry okay. Naawa na talaga ko kay Tita. Alalang ala na sya sayo. Matatangap ka nila. Tsaka look at our kids. Ang cute nila. Matatangap sila ng parents natin." ☆leche, makakids akala mo anak nya talaga.☆
"Fine. Uuwi na ko."
Sumakay na kami ng kotse nya. Tatlo kaming nasa likod. Si Jaecia at Yohann nakalagay sa baby car seat nila.

BINABASA MO ANG
The Unexpected (Completed)
RomanceREAD TO KNOW WHAT IS THE UNEXPECTED :)))) #TheUnexpected * * * I think this is not the usual story for The Unexpected :))