Chapter Forty-Three: Truth or Dare?!

3.9K 129 6
                                    

"Mommy. Truth or dare tayo. Pero sainyo lang ni daddy. Kami ni Jaecia magtatanong. Simula babies kami ang dami pa rin naming tanong. Never naman kayo nagexplain eh. Never din kami nagtanong. Eleven na po kami mommy at daddy. May mga bagay kaming gusto pong linawin."


"Sige. Minsan lang din naman tayo magkakasamang ganito and it would be the last day." Sabi ni Jaiden. ☆Ge. Pamuka mo pa sa mga anak mo ha? Pamuka mo din sakin.☆


"May papers po dito sa fish bowl na may laman na truth and dare. Pero syempre mas maraming truth." Sabi ni Jaecia.


"Isang tanong pareho nyo pong sasagutin. Isang dare pareho nyo pong gagawin."


"Game. Ako mauuna." Sabi ko.


Kumuha na ko sa fish bowl. At ang nakuha ko ay -Truth- . Nagusap si Jaecia at Yohann kung anong unang itatanong. Tapos pinaghiwalay nila kami nasa left side ng kama si Jaiden na nakaupo sa floor at ako naman sa right side ganun din.


"Sabi po samin nila mommylo at myma. Dati na kayong girlfriends and boyfriends. Pero nakahanap ng bago si daddy. Bakit po nung nabuo kami hindi na lang kayo nagbalikan?" Tanong ni Jaecia


"Totoong sagot to diba? Sige magiging honest ako. That time sobrang taas ng pride ko na ayaw ko talagang makipagbalikan sa daddy nyo. Actually hindi ko talaga boyfriend nun si Xowie. Noon pa lang gay na talaga sya."


"Eh ikaw daddy?"


"That time gusto ko ng balikan yung mommy nyo. Ayaw nya lang talaga. Tsaka naguguluhan pa din ako nun."


"Daddy ikaw naman po kumuha." Sabi ni Yohann.


Kumuha na si Jaiden at ang nakuha nya -Truth- na naman. Nagusap ulit yung kambal.


"Bakit nyo po kami pinaghiwalay?" Sabi ni Yohann.


"Actually hangang ngayon hindi pa din sakin malinaw kung bakit. Pumayag ako para matupad yung pangarap ng mommy nyo at ng pangarap ko."


"Ako. Pinaghiwalay ko kayo para makaiwas sa daddy nyo. That time nasasaktan pa din ako pagnakikita ko sya lalo na pagkasama si Fiona. Nagkaoffer din sakin sa Europe kaya tinanggap ko. Hindi ko naman kayang dalawa kayo na papalakihin ko dun."


"Wag na po kayo kumuha. May mga tanong lang po kami na gusto namin ng totoong sagot. It's not about samin ni Jaecia. Pero tungkol po sainyong dalawa."


"Daddy. Mahal mo po ba talaga si Tita Fiona?" Ang tagal na nanahimik ni Jaiden. Hindi ko alam kung gusto ko pa bang pakinggan yung isasagot nya.


"Oo mahal ko ang Tita Fiona nyo." ☆At least ngayon malinaw na sakin lahat. Sya pa din. Walang nagbago. Masakit pero kailangan tangapin.☆


"Mommy, minahal mo po ba talaga si Tito Marion?"


"Oo naman. Seven years. Imposibleng hindi ko sya minahal."


"Mommy, kung ibabalik yung bago ka pumunta ng Europe. Papakasalan mo na ba nun si daddy?"


"Kung siguro wala yung pride ko. Oo pakakasalan ko sya."


"Ikaw daddy. Same question?"


"Oo. Matagal ko na syang gustong pakasalan."


"Daddy at mommy mahal nyo pa rin ba yung isa't isa? Bawal tumingin."


Hinihintay ko syang sumagot.


"Sa ngayon? Hindi ko alam." Sagot ko.


"Same." Sabi lang ni Jaiden.


"Yung dare pagnagtour na lang po tayo. Punta lang po kami kayla myma."


Umalis na sila. Nakaupo pa din kami sa floor sa magkabilang dulo ng kama.


"Hon?" Sabi ko.

"Hmm?"


"Bakit sinasabi mong mahal mo ko nung nasa El Nido kung mahal mo naman pala si Fiona?"

Hindi ko na napigilan yung sarili ko na itanong yun. Ang sakit na kasi sa dibdib eh. Ang tagal kong naghihintay ng sagot pero wala kong nakuhang sagot sakanya.


"Excuse. Papahangin lang ako sa labas."


Papalabas na ko ng room pero hinila nya ko at niyakap.


"Sorry kung hindi pa kita masagot ngayon. Sorry kasi mahal kita at mahal ko din sya. I'm so sorry."


"Okay lang."


"Hon. Mahal mo ba ko?"


"Sinabi ko na diba? Hindi ko alam."


"Tulog na tayo hon please?"


Nagpadala naman ako sakanya. Nilalaglag na naman ako ng sarili ko. Sabagay ngayon na lang din naman to. Last na to. Ay meron pa pala yung sa HKG at SG.
Nakatulog ako na yakap yakap nya.
Nagising ako na naman ako sa vibrate ng phone ko.

Facebook: Jaecia Marisse Alcantara sent you a message.

Jaecia Marisse Alcantara: Hi mom and Dad. Good morning. Dapat po dyan kami matutulog kaso hindi na. Bumalik na lang kami kayla myma. Sana one day magigising kami ni Yohann na ganyan kayo ni Daddy. And sana magkababy brother and sister na kami sainyong dalawa. Hihihibels. Loveyou mom and dad. Have a great morning! *picture na magkayakap sila habang natutulog*

"Jaecia!!!!!!! Ang aga aga!!!!"


"Hon naman eh. Ang aga pa. Ano ba yan?" Sabay tingin sa phone ko. Pinakita ko sakanya yung message ni Jaecia. Binasa naman nya. Tapos hinila nya ko.


"Hon ano ba?!"


"Gusto nila ng baby sister at brother diba?"


"Hon ano ba?" Natatawa kasi ko sa itsura nya. Muka syang seryosong natatawa.


"Sus. Gusto rin."


"Kapal ng muka neto." Hinila na naman nya ko sa bewang.


"Sus pakipot pa honey ko."


"Alikana magbreakfast na tayo."


"Sige magpabook na tayo sainyo mamaya. Bukas alis natin."


"Madaling madali ah."


"Kailangan na ko sa hospital eh. 6days trip lang dapat."


"Sige."

Kaya pumunta kami apat sa office nila mommy at nagpabook.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon