Ginabi na ko ng paguwi pano kasi kaninang umaga masama pakiramdam ni Eve may morning sickness ata. Tapos sa hapon nakipagkita naman kami sa walang hiyang Darren na yun. Pero nagtaka ko bakit di man lang ako tinatawagan at tinetxt ni mommy? Hindi ko napansin nasa tapat na pala kami ng bahay namin.
"Hija, andito na tayo."
"Ay manong pasensya na po ah. Ito po yung bayad ko."
"Ayos lang yun hija." Sabi nung matandang driver.
Bumaba na ko ng taxi at nagdoorbell sa bahay. Binuksan naman agad nung kasambahay namin.
"Manang, asan po si mama? Nasa office pa din po ba sya?"
"Wala hija, andun sya sa may pool. Di mo ba alam na may family gathering kayo ngayon?"
"Ano po manang? Family gathering po? Andito po ba yung family ni Ate Jaelianna?"
"Ah eh--" alam nya kasing matagal na kong umiiwas sa kanila.
"Yeowna! Wow! You're here!"
"Hi, Tita Andrea. Kumusta ho?" Bumeso ako sakanya. Si Tita Andrea, mommy siya ni Ate Jaelianna na asawa ni Kuya Yuan.
"Ikaw ang kamusta bakit hindi ka nagpapakita. Everytime na may family gathering lagi kang wala."
"Tita naman.. Busy lang po ako sa shoots and company."
"Ganyan ka naman palagi. Magpahinga ka din naman hija."
"Nagpapahinga naman po ako Tita. Tita, excuse lang po muna ha? Papalit lang po ako ng damit. Puntahan ko din po kayo dun."
"Sige hija, punta ka dun ha? Ingat ka."
☆ay nako. Hindi na ko pupunta dun. Mamaya may makita pa kong di kanaisnais. Bakit ba naman kasi hindi ako nagtxt muna bago umuwi. Hay tanga mo talaga Yeowna. Makaingat naman akala mo naman sa kabilang street pa ko pupunta.☆ Naglakad na ko papasok ng bahay namin. Aakyat na sana ko sa hagdan kaso bigla kong tinawag ni Julian. Yung pamangkin ko na anak ni Kuya Yuan.
"Titha.. Ohna."
"Hi Baby. San ka galing?"
"Tun tita ohna" sabay turo sa may sofa. At may kumaway sakin na lalaki. Aish! Sa lahat lahat ba naman ng makikita ko bakit sya pa. Bwisit! Tiningnan ko ulit si Julian.
"Tita Ohna. Laro tayo. Ta laro tayo!"
"Baby, wait lang ha? Papalit lang ako ng damit. Tapos laro tayo okay?"
"Ayaw. Dusto ko now na."
"Pero baby magbi--"
"Bakit ayaw mo syang pagbigyan? Maglalaro lang naman kayo ah." Yeah right. Nagsalita yung lalaking pinakaayokong makita.
"Magbibihis pa kasi ko." Sabi ko in a masungit way. "Baby, laro ka muna dun ah. Maguusap lang sila Tita. Tapos after ko magbihis lalaro tayo okay?" Tumango lang si Julian at bumalik na sa mga laruan nya.
"Baka naman iniiwasan mo ko?" Nakangiti nitong sabi.
"Why would I bother to do that?"
"Ewan ko sayo malay mo mahal mo pa rin ako."
"Wow! If you didn't notice I already moved moved moved on!"
"Talaga bang nakamoved on ka na?" Sabi nya sakin habang nilalapit nya yung muka nya sakin.
"Wala akong pake kung ayaw mo sakin maniwala. I'll go ahead. Excuse me." Naglakad na ko paakyat ng hagdan.
"Sus, edi umiiwas ka nga."
"Isipin mo na ang gusto mong isipin. Suit yourself dear." Sabay tinaas ko yung kamay ko.
"Mahal mo pa din ako. Pagdi ka bumaba ibig sabihin totoo."
"Kay." Sabi ko bago ako pumasok ng kwarto.
☆Napakataas talaga ng tingin nya sa sarili nya akala mo naman lahat ng babae hindi makakamove-on sakanya. Jusko, 100 times na kong nakamove-on sakanya. Nakakainis!!! Bakit ko ba siya nakita!! I really hated him. Dapat talaga di pa ko umuwi.☆

BINABASA MO ANG
The Unexpected (Completed)
RomanceREAD TO KNOW WHAT IS THE UNEXPECTED :)))) #TheUnexpected * * * I think this is not the usual story for The Unexpected :))