→Day 2●Hospital←
"Hi Hon. Kumusta ka na? Sorry ngayon lang ako nakapunta. Naguguluhan kasi ako sa mga pangyayari."
Hindi ako nagsasalita. Hinihintay ko sya mag-explain kaso hindi pa din sya nagsasalita.
"Yun lang pinunta mo dito? Para mangamusta at magsorry kasi ngayon ka lang nakapunta. Kung yun lang pwede ka ng umalis. At ayoko ng makita ka." Hindi ko alam bakit ganun yung nararamdaman ko para sakanya. Hindi ko alam pano ko nasabi yun. Basta ang alam ko lang galit ako.
"Hon, I'm so sorry. Mahal naman kita eh. Naguguluhan lang talaga ko. Hindi ko naman alam na mahuhulog ako kay Fiona eh. "
☆So si Fiona pala yung kasama nya kahapon?☆
"Hon, mahal kita."
"So aminado ka na mahal mo yung Fiona na yun?! KELAN MO PA KO NILOLOKO?!"
"Hon, hindi kita niloloko."
"ANONG TAWAG MO DUN SA GINAGAWA MO KAHAPON? SAYO NA DIN NANGGALING NAHULOG KA SAKANYA. EDI MAHAL MO NGA SYA."
Hindi nakasagot si Jaiden sa sinabi ko.
"Tigilan na natin to Jaiden. Pagpinagpatuloy pa natin to niloloko mo na ko, niloloko mo pa sarili mo. Ganun talaga siguro hindi mo kayang makontento sa nabibigay kong pagmamahal. "
"Hindi yan totoo hon. Mahal kita."
"Oo mahal mo ko. Pero mahal mo din sya. Yan na yung basehan para maghiwalay tayo. Sabi nga nila, piliin mo yung taong minahal mo ng pangalawa. Hindi ka naman magmamahal ng pangalawa kung mahal na mahal mo yung una."
"Mahal kita Yeowna. Wag ganito please? Ayoko."
"Sana nung una pa lang na nahulog ka na sakanya inisip mo na kung ano talaga gusto mo mangyari. Ayoko na. Alam mo naman nung una pa lang na hindi ako nagbibigay ng second chances diba? And you don't deserve it."
"Yeowna, please?"
"Final decision ko na yun. Sa ayaw mo at sa gusto, ayoko na. Sinabi ko na din sa parents natin na maghihiwalay na tayo. Wala akong dapat pagsisihan. Ginawa ko lahat para magwork tong relasyon na to. Hindi ako nagloko. Binigay ko lahat. Pero wala eh. Ikaw na yung bumibitaw. Let's break up."
"Hindi ko kaya."
"Nagawa mo nga manloko diba? So kaya mo ng wala ako."
﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
*Tok tok tok*
"Ay Jaiden, Fiona!"

BINABASA MO ANG
The Unexpected (Completed)
Roman d'amourREAD TO KNOW WHAT IS THE UNEXPECTED :)))) #TheUnexpected * * * I think this is not the usual story for The Unexpected :))