Chapter Sixty-One: T_T

3.8K 121 8
                                        

➡Yeowna's POV ⇦

Kinabukasan maghapon lang akong nasa office para tulungan sila sa arrangement nung celebrity couple. Nakakainggit nga sila eh kasi sobrang sweet nila yung kitang kita mo talaga sa mga mata nila kung gaano nila kamahal yung isa't isa.

5pm
*ring*
*ring*

"Hello po Tita?" Tita Andrea yung tumawag mommy ni Jaiden.

"Hija, magkasama ba kayong umuwi ni Jaiden kagabi? Hindi kasi sya umuwi dito eh."

"Tita, si JC lang po kasabay naming umuwi kagabi. Baka po dumiretso lang sya sa hospital?"

"No. Tinawagan nga ko ng hospital eh bakit daw hindi pumasok si Jaiden at bakit hindi ito macontact."

"Ganun po ba Tita. Sige po hahanapin ko po sya. Babalitaan ko na lang po kayo."

"Sige hija. Mag-iingat ka. Salamat."

"Welcome po tita."

Asan kaya sya? Ganun ba kasama yung tingin nya sakin na hindi nya na ko kayang makita? ☆ Nalungkot na naman si Yeowna pero kahit nasasaktan sya at alam nyang masasaktan sya hahanapin nya pa din si Jaiden. Napagpasyahan nyang magbukas ng Facebook baka may mahagilap syang balita. May mga recent post nga si Jaiden. Pero ang pinakanakaagaw ng pansin nya ay yung post ng kaibigan nito na si Harry.
Harry Villamor: Pre, tuloy ba mamaya? PM mo ko. See you sa LC. Dating tambayan :D
May Comment naman si Jaiden.
Jaiden Lance Alcantara: Tatawagan kita. Sige dating tambayan.
Magluluxury club sila?☆Napagpasyahan ni Yeowna na magluluxury club sya mamaya.

10pm
Pumunta na si Yeowna sa Luxury club. Pagpasok nya nakita nya si Jaiden sa Bar Lounge. Kakabukas pa lang ng bar pero mukang lasing na lasing na ito. Nilapitan nya agad si Jaiden.

"Hon? Pwede ba tayong magusap?"

"Yeowna, may kasama ko si Soffy. *turo nya dun sa babaeng katabi nya na ngumiti kay Yeowna* Mukang hindi naman yan importante at makakapaghintay pa naman yan."

"Hon, importante to."

"If it's not about life and death hindi yan importante." Nasaktan naman si Yeowna sa pakikitungo sakanya ni Jaiden. Napakalamig kasi nito sakanya at parang wala na syang halaga dito.

"Hihintayin kita." Pero hindi na sya nito pinansin. Kaya umupo na sya sa isang bar lounge na nasa gilid ng bar lounge na kinauupuan ni Jaiden. Nakita nya na naglalandian at naghahalikan si Jaiden at yung kasama neto pero hindi natinag si Yeowna hinihintay nya pa din si Jaiden. Juice lang naman inoorder nya at kahit may mga lalaking umaaligid sakanya hindi nya ito pinapansin. Maya maya nakita nya na magkasayaw na yung dalawa sa dance floor at paminsan minsan na naghahalikan sa dance floor. Kahit pakisapkisap yung ilaw nakita pa din yun ni Yeowna. Sobra na talaga syang nasasaktan sa mga nakikita nya para syang pinaparusahan ni Jaiden. Kaya tumayo sya at nilapitan nya si Jaiden. Napahinto naman ito sa pakikipaglandian dun sa babae. Hinila nya si Jaiden at bigla na lang itong hinalikan ng matagal. Pero yung pinakanasaktan sya ay yung bumitaw si Jaiden at pilit na lumalayo ito. Kaya bumalik sya sa upuan nya. Ilang minuto lang ang lumipas at nakita nya si Jaiden na palabas ng bar hindi naman na nito kasama si Soffy.

"Jaiden."

"Honey!"

"Hon"

Nakailang tawag na si Yeowna pero hindi pa din sya neto pinapansin. Kaya napagpasyahan nyang sundan na lang ito.

"Miss, ang sexy at ang kinis mo naman." Nakamaikling dress kasi sya. Napahinto si Jaiden at pati sya ganun din. Yung tatlong lalaki naman ay nasa likod nya.

"Miss wag mo ng sundan yan. Mukang ayaw sayo eh. Isa lang yan kami tatlo." Sabi nung lalaki na nasa right side ni Yeowna.

"Miss mukang masarap kang ikama ah. Bakit~" Bigla na lang sinuntok ni Jaiden yung lalaking huling nagsalita.

"Hayop ka! Wala kang karapatang~" Biglang sinuntok si Jaiden yung lalaking unang nagsalita.

"Hon!" Naiyak naman si Yeowna pero wala syang magawa baka kung anong gawin sakanya nung mga lalaki. Pero napatumba ni Jaiden lahat ng lalaki at hinila sya para ipasok sa kotse. Pagdating sa kotse iyak pa din sya ng iyak at nakasubsub sya sa mga kamay nya pero wala namang imik sakanya si Jaiden. ☆Ganun na ba talaga sya? Nihindi man nya lang ako kinocomfort. Maya maya naramdaman nyang nagpark at bumaba si Jaiden. Bigla din bumukas yung pinto nya. Hinila sya pababa ni Jaiden at dirediretso silang pumasok sa isang building na mukang condo.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon