Naalimpungatan ako kasi malapit na kong mahulog. Ang likot talaga matulog ni Jaecia. Hindi ko parin minumulat yung mata ko. Antok na antok pa din ako eh.
"Jaecia, mahuhulog na ko. Move ka dun."
"Good morning Yeowna."
Minulat ko yung mata ko nakita ko na sobrang lapit ng muka sakin ni Jaiden.
"Jaiden ano ba?!" Hindi nya pa din ako binibitawan.
"Pasalamat ka nga niyayakap kita eh para hindi ka mahulog."
"Bitawan mo ko!"
"Sabi mo yan ha?!" Binitawan nya nga ko.
Hinila ko sya at BLAAAG. Nahulog kami sa kama. At nahulog din sya sakin kaya nasa ibabaw ko sya.
"Walangya ka! Ang bigat mo!!! Bakit mo ko binitawan!"
"Sabi mo kasi bitawan kita!"
"Ayie! Si Mommy at Daddy. Ayie~"
"Jaecia!!" Sabay naming sabi ni Jaiden at tumayo na kami.
"What? Pinapasabi ni Mommylo na bumaba na kayo for breakfast."
"Halika na bumaba na tayo."
Bumaba na kami agad at nagbreakfast. Bumalik din ako agad sa taas para lang maligo at magayos. Nagaya kasi si Jaiden na magSM kami. Panong hindi ako papayag eh nagaya sya sa harap ng mga pinsan nya. Okay na din yun kasi mamimili ako ng damit. Jusme. 5 days kaya sa El Nido. Wala man lang akong kaswimsuit swimsuit.
Pagdating sa SM.
"Balikan ko kayo after lunch. Kausapin ko lang si Fiona."
"Okay lang. Pakisabi sakanya ayusin nya ugali nya. Pasalamat sya may pinagaralan ako."
"Yeowna naman."
"See you."
"Hon, walang kiss?"
"Hon mo muka mo. Halika na Jaecia at Yohann."
Umalis na kami para pumasok sa loob.
"Ayie. Si mommy affected sa sinasabi ni Daddy."
"Tigilan mo ko Yohann."
"Mommy, pano kung liligawan ka ni Daddy?"
"Ikaw Jaecia. Kung ano ano na lang pinagsasasabi mo. Magshopping na tayo at ng makauwi tayo agad."
Naghanap na kami ng mga bibilihin namin. Si Yohann naman as usual laging nagtatanong sakin ng suggestion sa mga damit nya. Si Jaecia naman namimili sya pero lagi nya tinitake yung inaadvise ko.
"Mommy, ngayon ko na lang ulit naranasan yung ganito. Yung mommy ko yung pumili para sakin. Dati most of the time ako namimili tapos oo lang ng oo si daddy. Minsan lang naman tayo magkasama sa France at dito eh tapos saglit lang."
"Ang drama naman ng baby ko. Don't worry. Andito na palagi para sayo si Mommy okay?"
"Talaga mommy? Sobrang namiss ki~"
"Excuse me? Yeowna Marisse?"
"Yes?" Tinitigan ko sya. ☆Kilala ko talaga to eh. Sino ba sya?☆
"Remember? *sabay turo sa muka nya* Si Kenzo. Yung kasama mo sa modeling dati."
☆Kenzo. Ah oo. Si Kenzo yung lagi kong kapartner.☆
"Yeah. I remember you." :)
"Tagal mong nawala ah. Kinacareer mo yung modeling mo sa ibang bansa ah."
"Ah yun? Wala lang yun hahahaha."
"Lunch tayo." Bigla syang napatingin kayla Yohann.
"By the way, Kenzo yung mga anak ko. Twins sila si Jaecia at Yohann."
"Talaga? Cool. Kasama mo ba husband mo? Sorry."
"No. Hahaha. Single parent ako pero friends kami ng dad nila."
"That's good. Lunch tayo."
"Sure."
Pinakilala ko si Kenzo kayla Jaecia at Yohann. Si Jaecia naman lagi syang nakikipagusap kay Kenzo. Tanong sya ng tanong ng kung ano ano lang. Si Yohann naman parang naiinis. Kumain na nga kami ng lunch. Nagkwentuhan ng nagkwentuhan. Sabi nya pa nga irerefer nya ko dun sa modeling agency na humahandle sakanya.
"Mom, kanina pa tayo dito. Di pa ba tayo aalis? Naghihintay na si Daddy." Sabi ni Yohann.
"Sige na Yeowna. Puntahan nyo na yung daddy nila. May number mo naman na ko eh. May facebook mo na din naman ako."
"Sige sige. Thank you sa treat."
"Thank you Tito Kenzo." Sabi ni Jaecia. Si Yohann naman no reaction.
Lumabas na nga kami ng mall at andun na si Jaiden.
"Daddy! Si mommy pinagpalit ka na dun sa Kenzo ba yun?" sabi ni Jaecia.
"Hon? Pinagpalit mo na ko agad?"
"Tigilan nyo kong dalawa!"
"Bakit mo kasi ko pinagpalit agad hon?"
"Hugot lang Jaiden?"
"Oo tapos paengage engage ka pa sa Marion na yun. Buti na lang hindi na tuloy! May pag-asa pa! Yes!"
"Pag-asa muka mo!"
"Malaki pa pag-asa mo daddy!" sabi ni Yohann.
"Tss. Pagtulungan nyo pa ko."
"Basta ako lang hon ah?"
"Ooooy! magbabalikan na yan. Kasalan na! Tan tan tanan! tan tan tanan!" sabi nung kambal.
"Uwi na tayo. Puro kayo kalokohan."
"Pikon. ibig sabihin totoo." sabi ni Jaiden.
"Oo na. Uwi na tayo!"
Umuwi na kami. Pagdating naman namin sa bahay nila. Wala daw yung mga pinsan nya dahil kakaalis lang para magmall.
BINABASA MO ANG
The Unexpected (Completed)
RomanceREAD TO KNOW WHAT IS THE UNEXPECTED :)))) #TheUnexpected * * * I think this is not the usual story for The Unexpected :))
