Chapter Twenty: Dinner Starts

5.6K 179 11
                                        

Nagpuntahan kaming lahat dun sa dining table namin.

"Ano ng plano nyo ngayon?" Sabi ni Kuya.

Nagkatinginan kami ni Jaiden.

Pano ba namin sasabihin na wala itutuloy lang namin yung mga buhay namin.

"Magpapakasal na ba kayo Jaid?" Sabi ni Ate Jaelianna.

Tiningnan ulit ako ni Jaiden.

"I believe hindi po kami pwepwedeng magpakasal. May boyfriend ako at may girlfriend po sya. Masyado pa po akong maraming pangarap para sa sarili ko. Lasing lang po talaga kami kaya nangyari yun."

"Pero may anak na kayo! Ikaw Jaiden alam ba ni Fiona na may anak ka na? At sino naman yung boyfriend mo Yeowna? Bakit hindi namin alam?" Sabi ni Kuya Yuan.

"Si Alexander kuya."

"Yun? Eh mukang lalaki pa yung katulong natin kesa dun. Tapos boyfriend mo yun? Edi sana nakipaghiwalay na kayo simula nung malaman nyong buntis ka. "

"Tama na Yuan. May sarili na silang isip. Alam na nila yung dapat nilang gawin." Sabi ni Mommy.

"So anong sinasabi mo Lianne? Kinukonsinte mo na nga silang may anak na sila. Ngayon pati ba naman sa pagpapakasal. Hahayaan mo ba na mabuhay yang kambal na yan na magkahiwalay yung magulang nila? Hahayaan mo ba na maging legitimate child sila?"

"Hindi. Ang sakin lang hayaan natin silang magdesisyon. Gusto pa nilang tuparin yung mga pangarap nila."

"Yun na nga eh. Kay Yeowna na din nangaling marami pa syang pangarap pero nagawa nila yang ganyan. Dapat lang na panindigan nila yan."

"Tito, wala pong kasalanan si Yeowna. Lasing po kami nun. Marami pa po syang pangarap isa pa kaibigan ko yung boyfriend nya at napagkasunduan na po naming tatlo yung gagawin namin. Hindi naman po namin tatakbuhan yung responsibilidad namin sa mga anak namin. Ayoko lang pong pilitin si Yeowna sa mga bagay na ayaw nya. Kaya po hinahayaan ko po syang magdesisyon kahit mahirap kahit masakit." Paliwanag ni Jaiden.

punyemas. Ano bang pinagsasabi neto?

"Pa, tama naman si Jaiden. Wag natin ipagpilitan yung gusto natin para sakanila. Binuo nila yan. Hayaan natin silang magdesisyon para dyan." Sabi ni Kuya.

"Ano bang mga plano nyo?" Sabi ni Tito Zian.

"Napagplanuhan po namin na itutuloy ko yung modeling career ko sa France. May contract po kasi ko dun for 4 years. After po magone year nung mga anak namin. Aalis na."

"Pano yung mga anak nyo kung ipagpapatuloy mo yun?" Sabi ni Tita Andrea.

"Plano po namin na paghiwalayin yung kambal. Tutal hindi po ako pwepwedeng pumunta ng France para sa residency at licensure ko." Sabi ni Jaiden.

"What?! Sigurado ba kayo dyan? Alam nyo ba kung gano kahirap yun? Sigurado ka ba dyan Yeowna?" Sabi ni Mommy

"Opo. Pumayag naman na po si Jaiden na ituloy namin yung mga buhay na meron kami, yung mga relasyon na meron kami. Hindi naman po namin ipagkakait sa anak namin na makasama kami. Hindi din po namin ipagkakait yung magkaron kami ng communication sa bawat isa."

"Idetail nyo yung buong plano nyo?" Sabi ni Daddy.

"Sa birthday po nila alternate po. Minsan uuwi si Yeowna, minsan kami po yung pupunta dun. Through skype na lang po yung communication nila." Sabi ni Jaiden

.

"Yan ba talaga yung gusto nyo?" Sabi ni Ate Jaelianna. Sabay kami umoo ni Jaiden.

"Samin lang naman na magulang nyo. Ayaw naming mabuhay yung dalawang bata na magkahiwalay sila at yung parents nila. Napakahirap nun para sakanila. Lalo na at bata pa lang sila paghihiwalayin na sila." Sabi ni Tita Andrea.

"Isa pa napakahirap ng mabuhay sa ibang bansa Yeowna. Pano kung magkaiba naglanguage yang dalawang bata? Pano na lang kaming grandparents nila? Pagisipan nyo to ng mabuti." Sabi naman ni Mommy.

"Bakit hindi na lang kayo magpakasal tsaka ka umalis Yeowna? It's much better." Sabi ni Daddy.

"Pa, buhay nila yan. Pamilya na nila yan. Magstep out na tayo. Wala na tayong magagawa para baguhin yung desisyon nila. Isa pa may mga sarisarili silang karelasyon. Wala na tayong magagawa dun." Sabi ni Kuya.

"Let's end this. Hayaan natin silang magdesisyon. They are old enough. They know what they're doing. Ang mahalaga napangaralan natin sila. Enough." Sabi ni Tito Zian.

Kumain na lang kami ng tahimik. After nun. Nagovernight sila Tita sa bahay. Tuwang tuwa naman sila dun sa kambal. Kahit si Daddy parang galit pa din. Iniisip ko na lang na darating yung araw na magiging okay ulit kami.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon