Chapter Thirty-One: No Choice Situation

5K 168 15
                                    

"Let's go Jaecia. Uwi na tayo."

"Yeowna. Hindi kayo aalis."

"Jaiden ano ba? Ayoko ng makipagaway. Gusto ko ng magpahinga. Uuwi na kami. Puntahan mo na lang si Fiona."

"Look. Sorry kasi bigla bigla na lang ako nagrereact ng hindi ko naman alam yung totoong nangyayari."

"Yohann. We have to go."

"Yeowna. Ano ba? Kakarating nyo lang aalis ka na?"

"Hindi naman kami aalis kung hindi dahil sa Fiona mo. Gusto ko ng~"



Biglang bumukas yung pinto. At pumasok si Tita na pagod na pagod.

"Jaiden. Sa kwarto mo muna sila Yeowna."

"Ha? Eh Tita aalis na po kami."

"Hindi Pwede!" Medyo pasigaw na sagot ni Tita.
Galit lang? Nasaktan na anak ko. Galit pa?

"Mommy. Wag na kasi tayong umalis."

"Kailangan na nating umalis."

"Jaiden, andyan na mga pinsan at Tita mo na galing US."

"What?! Bukas pa sila diba?"

"Andyan na sila sa baba. Kaya lumipat na kayo sa kwarto mo. Pagtulog na sila mamaya tsaka mo iuwi sila Yeowna."

Palipat na kami ng kwarto ng mapansin namin na wala si Jaecia.

"Yohann. Si Jaecia?" Sabi ko

"I don't know. I'm playing." Tinaas nya yung Ipad nya. "Baka bumaba sya. Nauuhaw daw sya eh."

"What?!" Sabi namin ni Jaiden.

"Nasa baba nga si Jaecia. Nagtext yung papa mo. At alam na nilang anak mo si Jaecia. Pagdating daw ng papa mo natanong na si Jaecia."

"What the hell."
O_o ☆Ang ganda ganda mo talaga Jaecia.

"Uuwi na kami. Please lang."

"Yeowna, hindi pwede." Sabi ni Tita.

"Tita, hindi ko na alam gagawin ko. Please lang."

Kinuha ulit ni Tita yung phone nya.

"Problema to."

"Why?!" Sabi ni Jaiden.

"Bakit ba ang daldal ni Jaecia? Sinabi nyang andito sila Yeowna."

"Gusto ko ng magpakain sa lupa!!!" Sabi ko.

"Wala na tayong choice. Kundi ang bumaba tayo at ang magpangap." Sabi ni Jaiden.

Great Idea. Sobrang nakakatuwa. Bwisit!!!!

"No way."

"Sige wag. Nang macriticize yung anak mo dun. At nang mapahiya yung mommy nila sa pamilya ko. Okay lang."Makaanak akala mo sakanya talaga!☆ Never na namin pinaguusapan yung mga ganung bagay. Kasi sabi nya nun isama na natin kay Eve itong lihim na to. Hinding hindi na natin to paguusapan kahit kailan.

"Fine fine!"
Nakakairita. Dapat talaga nagpasabi na lang ako na uuwi ako kesa yung ganito surprise nga pati ako nasusurprise din.

Lumipat na kami sa kwarto ni Jaiden. Nagshower muna ko at nagayos. Paglabas ko ng CR wala na sila Yohann.

Asan na kaya yung mga yun?☆ Kinuha ko yung phone ko at tinext ko si Yohann.

To: Yohann
█ Nak, san kayo? █

Nagsuklay na ko at naglagay ng konting foundation at lipstick.

*bzzzt*

From: Yohann
█ Baba ka dito sa sala. -Jaiden █

Leche talaga. Nakakainis. Ayoko pa naman sa lahat yung no choice ako.

Kinuha ko yung ipad ko at yung phone ko at bumaba na din. Nasa may hagdan pa lang ako pero tinawag na ko ni Jaiden.

"Hon. Halika papakilala kita sa mga pinsan ko." Sabi ni Jaiden. Sabay hinawakan nya yung kamay ko. At pinakilala nya na nga ko sa mga pinsan nya. 8 yung mga pinsan nyang umuwi. Tapos 5 lalaki. 4 years ago pala sila lumipat ng US. At magsasummer vacation dito sa Pinas.

"Grabe Jaiden. Hindi man lang nanginvite oh. Andito pa kaya kami nun." Sabi ni Alli yung pinsan nyang babae.

"Tsaka na lang pagnagpachurch wedding na kami."
Church wedding mo muka mo.

"Nako Jaiden. Kailan pa yun pag nadagdagan na ng kambal ulit yung anak nyo." Sabi naman ni Isabelle pinsan nya ding babae.

"Balak na nga naming dagdagan eh. Pagnag El Nido tayo. Diba hon?"
Anong dagdagan? Leche.
Nagsmile lang ako kahit inis na inis na ko sakanya.

"Babaero ka talaga Jaiden. Nauna pa yung kambal bago kasal." Sabi naman ni Isaiah. Pinsan nya ding lalaki.

"Ang kulit mo pre. Kasal na nga kami sa judge pa lang. Maghintay kayo magpapakasal din kami ni hon sa church." Sabay lagay ng kamay nya sa side ko.
Mamaya ka sakin Jaiden.

"You really look like familiar. Parang model ka eh." Sabi nung pinsan nyang gwapo na mukang model din at mukang laging seryoso. Si JC.

"Yup. Model ako dito at sa France."

"Eh bigatin naman pala tong asawa ni Jaiden eh. Kaya pala ang ganda at ang gwapo ng anak nila eh."
☆Anong connect nun sa modelling?☆

"Tigilan nyo na yan. Puro talaga kayo kalokohan. Matulog na tayo. Bukas magshoshopping pa tayo para sa El Nido natin." Sabi nung Tita Arriane ni Jaiden.

Umakyat na nga kami sa taas. Wala na naman akong choice. Makakasama namin sya ng mga anak ko sa isang kwarto at sa isang kama. ☆Ang tanga tanga mo talaga Yeowna.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon