Chapter Forty-Five: Hong Kong is <3

3.7K 130 13
                                    


Hinihintay namin sila Jaecia at Yohann galing sa tour nila. Habang hinihintay namin sila nanuod kami nung fireworks na makikita sa may window ng room namin.


"Naalala mo nung last anniversary natin sa Bora? Dapat fireworks yun eh." Tapos niyakap nya ko. ☆Isa yun sa mga hindi ko makakalimutan.☆


"Ah."


"Sana ganito tayo palagi. Masaya lang. Mahal na mahal natin yung isa't isa."


Hindi ako sumasagot. Hindi ko kasi alam kung ginagawa nya yun para sa dare o yun talaga yung nararamdaman nya.


"Naalala mo yung mga plano natin sa kasal non. Gusto kong matupad yun sa~"


*DingDong*


"Baka sila Jaecia na yan."


Pumunta sya agad sa pinto at binuksan nya. Yung kambal na nga.


"Mommy, sobrang nagenjoy kami tapos ang saya kasi puro bata kami. Ang dami nga naming picture sa dslr tsaka sa mga phone namin. Grabe I even met the disney princesses." Sabi ni Jaecia.


"Oo mommy masaya din pala dito sa Disneyland. Ang gaganda ng rides." Sabi ni Yohann.


"Sige na tama na yang kwentuhang yan. Okay? Kakain na muna tayo sa Grand Salon."


Tapos bumaba na kami. Pagdating namin sa Grand Salon umorder na kami. Eh after 10minutes pa daw bago maserve.


"Hon wait lang ha?"


"San ka punta hon?"


"Wala. May titingnan lang ako."


"Go Daddy kong pogi. Iloveyou!" Sabi ni Jaecia.


Tapos umalis na si Jaiden.


"Hello everyone. I'm Jaiden. I am going to play a song for all of you. This song is dedicated to the mother of my children. The one I truly love. Yeowna Marisse this is for you." 


▶Play nyo po yung video sa side◀


Tinitingnan ko sya habang tumutugtog sya sa grand piano. Bigla na lang tumulo yung luha ko. Nilapitan ako ni Yohann at pinunasan yung luha ko.


"Mommy, bakit?" Sabi ni Yohann.


"Mahal ko daddy nyo pero di na pwede. Okay lang. Andyan naman kayo ni Jaecia para sakin eh."


"Mommy, mahal ka ni Daddy."


"Mahal nya yung Tita Fiona nyo okay? Okay lang ako."


Maya maya bumalik na din si Jaiden samin at kumain na kami. Dahil pagod kami nakatulog kami agad.

➡The Next Day⇦


"Good morning Mommy! Ikaw ang nakadare ngayon." Pagmulat na pagmulat ng mata ko si Jaecia yung bumungad sakin na parang hinihintay nya talagang magising ako.


"I know. Anong gagawin ko?"


"Katulad nung kay daddy. Paparamdam mo sakanya na love mo sya. Sabi mo kaya kgajsgwhshajahcsbsko." Tinakpan ko na yung bibig nya.


"Okay. I'll do it."


Naligo na kami at nagpalit ng damit. Sabay sabay kaming umalis. Sila Jaecia kasama ulit sa tour. Two days tour kasi yung sa Disneyland nila. Sabi naman ni Jaiden na magshoshopping kami sa The Peak Tower at may surprises sya. Ang alam ko ako dapat mageeffort ngayon ah. Nagtrain kami para makapunta sa The Peak tower. Pagdating namin dun ang ganda na ng view ang gaganda pa ng mga benebenta dun.


"Hon? Bili tayo ng couple shirt."


"Wag na hon."


"Family shirt na lang."


"Ah sige."


Naghanap kami ng shirt naming apat na parepareho may nahanap naman kami agad.


"Hon. Message mo ko or call mo ko may bibilihin lang ako dun. Okay? Wag papalapit sa lalaki ha? Iloveyou." Kiniss nya ko sa lips at umalis na.


Tapos napunta ko sa isang store na gumagawa ng customize jewelry.
May nakita kong bracelet. Sa unang tingin simple lang sya pero nung pinakita sakin ng sales lady yung bracelet hindi sya normal simple bracelet. Couple bracelet sya na may may magnet tapos pagnagdikit yung dalawang bracelet may red line na guguhit or pwede ding palagyan ng name. Kaya bumili ako ng dalawang pair ng bracelet at pinacustomize ko. Maya maya nagtxt na si Jaiden na magkita na daw kami. After namin sa The peak tower dinala ko ni Jaiden sa Peninsula Hotel.


"Hon? Anong gagawin natin dito?"


"Basta. Surprise nga diba?"


Pinaupo muna ko ni Jaiden sa may lobby ng hotel at may kinausap sya sa front desk. Tapos bumalik sya sakin.


"Hon, halika na. Akyat na tayo?"


"San ba tayo pupunta hon?"


"Magchecheck-in."


"Isa."


"Surprise nga diba? So mamaya mo pa malalaman."


Nakarating na kami sa last floor ng hotel at naghagdan kami. Nagulat ako nung nakarating kami sa helipad at may naghihintay na helicopter.


"Hon, ano to?"


"Eto yung surprise ko sayo. Tour sa buong Hong Kong and Victoria Harbor."


"Seryoso?"


"Oo."


Sumakay na kami ng helicopter at nagsimula na tong lumipad. Sobrang ganda ng aerial view ng Hong Kong. Niyakap ko sya.


"Thank you Hon. Lagi mo na lang ako sinusurprise."


"Gusto ko lang iparamdam sayo na mahal kita kahit anong mangyari."


Nagsmile lang ako. At kinuha ko yung bracelet na binili ko sa The Peak Tower.


"Hon, para sayo to. Gusto ko lagi mo lang to isusuot. Basta wag mo tong tatangalin hanga't mahal mo pa rin ako. Paginalis mo yan hindi mo na ko mahal." Sinuot ko sakanya yung bracelet at sinuot ko din yung para sakin. "Hon, look." Pinagdikit ko yung bracelet namin. May blue light na nagtetrace ng pangalan nya yung nasakin. Yung sakanya naman red light na may pangalan ko. At nung nagmeet yung dalawang color sa gitna may heart naman na lumabas.


"Thank you hon. Hinding hindi ko to tatangalin. Mahal na mahal kita kahit anong mangyari."

After naming maghelicopter at magikot ikot sa city bumalik na kami sa hotel at nagpahinga hangang sa hinintay namin sila Jaecia at Yohann na umuwi.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon