➡Yeowna's POV⇦
After lunch. Natulog lang ako sa cottage at hinatid ako dun ni Jaiden. Nagising ako hapon na pero wala pa din sila sa cottage kesa lumabas ako at makita ko na naman si JC nagstay na lang ako sa loob ng bahay.
"Hon, magdidinner na." Sabi nya pagpasok nya ng cottage andun kasi ko sa sofa nanunuod ng tv
"San ba tayo magdidinner hon?" Sinasakyan ko na lang lahat ng kasweetan ni Jaiden. Kailangan din naman eh.
"Mom. Dun tayo kakain sa Millionaire's Restaurant. Maganda dun. Halika na." Sabi ni Jaecia.
"Sige sige."
Pagdating namin hinihintay pa sila Tita Arriane. Kaya nagkwekwentuhan muna ang lahat. Pagdating nila nagdinner naman kami kaagad. Yung mga bata napagod ata kaya nagayang umuwi agad. Yung ibang pinsan naman ni Jaiden na mga single nagbar. Pagdating sa bahay naghalfbath na si Yohann at Jaecia. Ako din umaakyat na sa taas para magwash. Si Jaiden naman sa babang CR na lang nagwash. Humiga na ko sa kama. Umakyat na din naman si Jaiden.
"Hon sa sahig na lang ako matutulog."
"Bakit dyan ka matutulog? Dito ka na matulog. *Nilagyan ko ng unan sa gitna namin* wala naman tayong gagawing masama eh." Dumapa naman sya dun sa may unan sa gitna namin.
"Wala nga ba?" Nakasmile na sabi nya.
"Manahimik ka hon ah."
"So tayo na ulit kasi hon na ulit?"
"Ewan ko sayo." Tapos tinalikuran ko sya. Hindi ko alam bakit ganito yung nararamdaman ko pero kinikilig ako sakanya.
"Hon. Anong pinaguusapan nyo ni JC kanina? Bakit hawak nya kamay mo? Nagselos tuloy ako."
Tapos bigla kong naalala yung pinagusapan namin ni JC.
➡FlashBack⇦
"Yeowna. Bingi ka ba?! Yeowna!" Bigla nya kong hinila at hinawakan nya yung dalawa kong kamay.
"Gusto mo bang sabihin ko sa pamilya namin yung nalalaman ko."
"Ano bang kailangan mo JC?"
"Ayoko ng nilalayuan mo ko. At higit sa lahat gusto ko manligaw. At paghindi ka pumayag sasabihin ko sakanila."
"Alam mo napakaisip bata mo."
"Isip bata na kung isip bata eh gusto kita eh. Okay lang naman kung ayaw mo para malaman na nila na niloloko niyo sila."
"Bakit mo ba ginagawa to?!"
"Para pumayag ka na ligawan kita."
"Oo na. Wala naman akong choice eh. Pero hindi ngayon."
"Uy hon. Tulog ka na?"
"Ha? Hindi pa." Tapos hinarap ko na sya.
"Ano nga sinabi sayo ni JC?"
"Wala nga~"
"Meron eh ano nga yun hon?"
"Ang kulit naman hon eh. Matulog ka na. May tinanong lang sya."
"Bakit ayaw mong sabihin kung ano yung tinanong nya?"
"Eh kasi hindi naman importante."
"Bahala ka dyan. Hindi ako matutulog."
"Wag ka matulog hindi naman ako yung mapupuyat."
"Hindi ako kakain!"
"Wag kang kumain hindi naman ako magugutom."
"Hon naman eh ano nga?"
"Wala nga."
"Ah wala? Talaga wala?" Tapos kinikiliti nya ko.
"Wala nga hon ano ba?" Ayaw nya pa ding tumigil
"Meron eh."
"Hon. Ano ba? Tigilan mo na yan mahuhulog ako!"
"Sabihin mo muna." Di pa din siya tumitigil sa pangingiliti sakin.
"Hon. Isa ano ba?!"
*BLAAAG!*
"Hon sorry. Di ko sinasadya sorry!"
"Matulog ka dyan magisa mo bahala ka!" Naglakad ako palabas ng room. Hinabol nya ko.
"Hon naman eh. May tinatanong lang eh." Tapos hinug nya ko from back at pinasok ulit sa room.
"Sorry na hon. May tinatanong lang naman eh. Sorry na." Tapos kiniss nya ko sa cheeks.
"Tigilan mo nga ko Jaiden. Matulog ka na." Tinangal ko yung hug nya at humiga sa kama. Nagdadabog syang naglakad papuntang kama. At humiga.
"Akala mo naman kasi hindi nakakaselos. Akala mo naman may tinatago sila. Di na lang sila magsama." Natatawa ko sa thought na naseselos sya. "Hindi tuloy ako makatulog sa selos habang sya tulog na tulog dyan."
"Okay okay! Nagtanong lang sya kung pano ko naging model sa france. Okay na?"
Tapos tinalikuran ko na ulit sya. "Ayaw mo talaga kong nagseselos no? Baka mahal mo na ko nyan?"
"Che. Matulog ka na nga. Ikaw na nga tong sinasagot eh."
"Ooooy! Mahal ako ni hon."
"Shut up!"
"Oooy! Guilty."
"Jaideeeen!"
"Sabi ko nga matutulog na. Good night hon." Kiniss nya ko sa cheeks. "I still love you" bulong nya sakin.
Hindi tuloy ako nakatulog ng dahil sa huling sinabi nya. Nagbibiruan lang naman kami sa tawagan namin ngayon tsaka pagpapanggap lang lahat ng to. Biglang may isang thought na nag pop sa mind ko. Nagpapangap? Eh bakit kinikilig ka at gustong gusto mo? Oo nga naman bakit gusto ko at bakit kinikilig ako? Lalo tuloy akong naguguluhan at hindi makatulog. Nakiramdam ako sa paligid kung tulog na si Jaiden. Umiikot ako para maconfirm na tulog nga sya. Pagharap ko nakita kong tulog na tulog si Jaiden habang nakayakap sa unan sa gitna namin. ☆Ang gwapo nya pa din. No Yeowna! Hindi dapat yan ang iniisip mo☆
"Mahal mo pa rin ba talaga ako Honey?" Nagulat na lang ako sa lumabas sa bibig ko.
"o-umm."
Nagulat ako kaya tumalikod na lang ulit ako at pumikit.
BINABASA MO ANG
The Unexpected (Completed)
RomanceREAD TO KNOW WHAT IS THE UNEXPECTED :)))) #TheUnexpected * * * I think this is not the usual story for The Unexpected :))
