Chapter Eight: First Unexpected Heartache (FlashBack)

5.8K 196 11
                                        

Three years unofficial at 1 year official na maayos yung relationship namin ni Jaiden. Kung may away man dahil lang sa maliliit na bagay at puro tampuhan lang. Pero nitong mga nakaraang lingo lagi na lang syang busy. Minsan sa isang araw, isa o dalawang beses na lang sya nagtetext. Alam ko namang busy sya nagoobygyn nga kasi sya eh. Tapos graduating na sya sa medschool.

4thyearcollege●19y/o●August 20

"Beb, asan ka? May class ka pa? Samahan mo naman ako sa national oh. Sa sm. Masama kasi pakiramdam ko." Sabi ko kay Eve through phone call.

"Wala beb, sige samahan kita. Punta na ko dyan."

"Sige, Ingat Beb."

After 30 minutes nasa school na si beb. Pumunta na kagad kami ni Eve sa SM. Pagdating namin dun dumiretso na kami sa National Bookstore.

"Beb, di ba muna tayo kakain?" Sabi ni Eve.

"Beb, sa bahay na lang para tipid. Wala pa din akong ganang kumain eh. Hindi pa din nagtetext si Jaiden."

"Ganun ba? Sige na nga."

Nagikot ikot na kami sa National. Marami na din akong nakalagay sa basket makokompleto ko na nga yung nasa list na kailangan ko para sa project namin.

"Beb, look. Anong mas maganda? Ito o ito?" Sabi ko kay Eve habang hawak yung dalawang pangdesign. Pero paglingon ko kay Eve, hindi sya nakatingin. Binalik ko ulit yung tingin ko dun sa pangdesigns.

"Beb, Tingnan mo. Anong mas maganda? Ito o ito?" Tanong ko ulit pero di pa din sya tumitingin. Tiningnan ko na yung tinitingnan nya.

"Beb??" Sabi ni Eve.

Napaluha ako sa nakita ko. At naglakad palabas ng National para puntahan si Jaiden at kung sino mang babae yung kasama nya na magkaholding hands pa sila. Nasa gitna pa lang pero hinila na ko ni Eve.

"Beb, halika na. Umuwi na lang tayo."

Pero inalis ko yung pagkakahawak nya sakin.

"Jaiden!"

Lumingon sya at bigla kong sinampal.

"Yeowna??" O_o

"Walang hiya ka! Hindi lang pala medschool ang kinabibusyhan mo! Isa ka pang babae ka napakapal ng muka~~~"

Nagblackout yung paningin ko. Pagkagising ko nasa hospital na ko. Andun si Mommy, si Daddy, si Kuya at si Eve. Pero naiyak na kaagad ako nung nakita ko sila. Niyakap ako ni Mommy.

"Sssshh. Tama na. Okay lang yan."

Umiiyak pa din ako. Lumabas muna si daddy at kuya.

"Eve, anak ano bang nangyari kay Yeowna?"

"Ma, nakita po kasi namin na may kasamang babae si Jaiden sa SM."

O_o "Ano?! Si Jaiden may kasamang babae?"

"Opo mommy." Sabi ko.

"TAMA BA ANG NARINIG KO? MAY KASAMANG BABAE SI JAIDEN KANINA?" sabi ni Kuya.

(⊙o⊙) ← Eve, Mommy at Ako.

Biglang umalis si Kuya.

"Nak, hayaan mo na sya. Magusap na lang kayo pagmagaling ka na."

"Mommy, ayoko na syang makita."

"Kailangan nyo magusap, baka naman kaibigan nya lang yun."

"Hindi na Mommy. Sapat na yung mga nakita ko." Umiyak na ko ng umiyak. Ang sakit pala na makita yung taong pinakamamahal mo na may kasamang iba. Ginawa mo naman lahat. Binigay mo lahat kasi akala mo di ka nya kayang lokohin pero wala ganun pa din yung nangyari.

9PM

Tulog na tulog ako. Nagising ako sa usapan ng dalawang babae akala ko si Mommy at Si Eve. Hindi pala. Si Ate Jae pala.

"Hi Yeowna. Kumusta ka na? Pagaling ka ha?"

"Okay lang po ako." Naiyak na naman ako nung nakita ko si Ate Jae.

"Yeowna, totoo ba yung sabi ng kuya mo? Na nakita mo si Jaiden na may kasamang babae?"

Tumango lang ako.

"Tama lang pala yung ginawa ng kuya mo sakanya. "

"Po? Ano pong ginawa ni kuya sakanya?" Napatigil ako sa pagiyak sa sinabi ni Ate Jae.

"Pinuntahan nya si Jaiden kanina sa bahay at bigla na lang sinuntok. Kaya pumunta din ako dito para malaman yung totoo. Kailangan nyo palang magusap ni Jaiden."

"Sapat na po yung mga nakita ng mga mata ko."

After nagusap pa si Mommy at Ate Jae. Tapos umalis na din sya.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon