Late na ko nagising mga 8:00am na din yun. Nagwash muna ko at bumaba. Baba na sana ko kaso nakita ko sila Tita Andrea at Jaiden kaya bumalik na lang din muna ko sa room. Pagtingin ko sa bintana nakita ko na sila Tita Andrea kasama yung kambal paalis. Bigla namang bumukas yung pinto ng room pero hindi pa din ako umaalis dun sa may bintana. Alam ko namang si Jaiden lang yun. Bigla nya na lang ako niyakap mula sa likod.
"Hon. I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako ng selos. *May pumatak na luha sa balikat ko* Sorry kasi okay na tayo tapos nagawa ko yun. Hindi ko talaga sinasadya hon." Lalo nya kong niyakap ng mahigpit habang nanginginig sya. Hinarap ko na sya. May pasa sya sa gilid ng lips.
"Naiintindihan na kita. Pinaintindi sakin ng Mama mo. Bakit di mo sakin sinabi agad? Para umiwas na ko kay JC. Kailangan pa nating umabot sa point na magaaway kayo."
"Hon. Sorry talaga. I'm so sorry." Niyakap ko na sya.
"Kalimutan mo na yun. Lasing ka lang nagseselos ka lang." Bumitaw ako sakanya kasi ang init nya. Tapos tiningnan ko kung may lagnat sya. "Hon, may lagnat ka?"
"Wala yan hon."
"Wala? Nanginginig ka at ang init init mo?"
"Okay lang ako hon." Niyakap nya ko ulit.
"Hindi ka okay. Higa ka na sa kama. Kukuha lang ako ng bimpo at tubig." Hinila nya ko papunta sa kama tsaka humiga. Medyo nanginginig na din sya sa lamig tapos aircon pa yung room.
"Hon. Dito ka lang."
"Hon wag na makulit kukuha lang ako ng tubig. Kailangan mo ding kumain at uminom ng gamot."
"Mamaya na. Hon please?"
"Hindi pwede baka lumala yang sakit mo."
"Eh."
"Sige na." Binitawan nya na din ako. Kaya bumaba ako agad. Kumuha ko ng bimpo at tubig na may konting alcohol. Tumawag din ako sa clubhouse para magparoom service ng pagkain na dumating din naman agad. Naghanap naman ako sa emergency kit dun sa cottage ng gamot sa lagnat buti na lang meron. Pagdating ko sa taas nakakumot na sya at medyo na nanginginig pa din. Nilagyan ko sya ng bimpo sa noo.
"Hon okay ka lang?" Hinawakan nya yung kamay ko na nasa noo nya.
"Okay lang ako. Basta okay tayo."
Nagsmile ako sakanya "Kain ka na ha? Para makainom ka ng gamot." Sinubuan ko sya para di na sya masyadong mahirapan. Pagkakain nya uminom din naman sya ng gamot.
"Hon. Higa ka din."
"Babantayan lang kita."
"Higa ka din hon." Humiga na din ako. At niyakap nya ko.
"Hon. Sorry talaga. Iloveyou."
"Mahal mo pa rin ba ko?" Hindi ko na mapigilang hindi itanong. Medyo binitawan nya ko ng konti para tingnan ako sa mata.
"Hindi naman ako tumigil na mahalin ka eh. Kahit nung unang naghiwalay tayo. At mas lalo kitang minahal nung nagkaanak na tayo." Tapos kiniss nya ko sa noo at niyakap ulit.
"Hon. Mahal mo pa ko? O mahal mo na ulit ako?" ☆Naguguluhan ako hon. Hindi ko alam.☆Pero hindi ako sumagot.
"Hon? Iloveyou." "Hon? Iloveyousomuch." Hindi ko pa din alam yung isasagot ko. Oo kinikilig ako. Masaya ko pero naguguluhan ako. May girlfriend sya pero ganito kami ngayon. Hindi ko napansin may tumulong luha sa mata ko.
"Hon. May problema ba?" Medyo tinangal nya ulit yung yakap nya sakin. Pinunasan ko yung luha ko.
"Wala hon."
"Nasasaktan ka pa rin ba sa nangyari satin nun? O sa nangyari kagabi kaya ka umiiyak?" ☆Umiiyak ako kasi tangap ko na sa sarili ko na mahal kita. Pero may Fiona na eh. Hindi ko alam yung gagawin ko. ☆
"Hindi hon. Wala to." Niyakap nya ulit ako ng mahigpit.
"Kung umiiyak ka para sa nakaraan. I'm so sorry. Sobrang nagsisisi ako hangang ngayon na pinakawalan ko yung baaeng minahal ko ng higit sa lahat. Yung kagabi. Sorry ulit. Hindi ko sinasadya yun nagselos lang talaga ko. "
"Hindi hon. Wala to. Okay lang ako. Pahinga ka na. Para gumaling ka. Gustong gusto pa namang makipaglaro sayo nila Jaecia."
"Sige hon. Sorry kung palagi na lang kitang nasasaktan. " kiniss nya ko sa noo at natulog.
Hindi kami lumabas ng bahay. Sila Jaecia naman kasama sila Tita Andrea kaya hindi kami nagaalala. Nung lunch nagroom service na lang ulit kami. Pagdating ng hapon nakatulog ulit kami.
BINABASA MO ANG
The Unexpected (Completed)
RomantikREAD TO KNOW WHAT IS THE UNEXPECTED :)))) #TheUnexpected * * * I think this is not the usual story for The Unexpected :))
