➡Jaiden's POV⇦
Tinext ako ni Yeowna na may kakaiba daw sa kambal. Napansin ko din yun sakanila. Kaya nagdesisyon ako nakausapin sila pagdating sa island. Pagbaba namin ng boat nagtakbuhan sila ni Yohann sa Island. Sobrang ganda kasi para kaming nasa ibang bansa. Ngayon nga lang din ata nakapasyal si Yohann at Jaecia na magkasama sa beach. Pagdating namin dun. Nagcheck in kami agad. Bawat couple kanya kanyang cottage. Pagsingle ganun din may sariling cottage. Sa left side ng cottage namin andun yung cottage ni JC, sa right side naman sila mama. Pagpasok namin sa loob. Dalawa lang yung room. Isa sa baba at isa sa taas.
"Yohann, tayong dalawa na lang magkasama sa room dito sa baba."
"But dad. Gusto naming magkasama ni Yohann sa kwarto ngayon na lang ulit kami magkasama at magbobonding."
"Pero Jaecia. Hindi pwede~" sabi ni Yeowna.
"Mom, dad. Okay naman na kayo di ba? Ang sweet nyo na sa isa't isa?"
"We have to do that." Sabi ulit ni Yeowna.
"Yeowna. Sige na ako na lang muna makikipagusap sakanila."
"Sige. Akyat na lang muna ko sa taas."
Hinintay ko munang makaakyat si Yeowna bago sila kausapin ulit.
"Jaec, Yohann. Listen. Hindi kami okay ng mommy nyo in a way na lovers. Okay kami as a friend. Oo alam nyo namang mahal ko yung mommy nyo di ba? Ginagawa namin tong pagpapangap na to para sating apat."
"Pero dad. Bakit hindi na lang kasi~"
"Jaec listen first. Ayaw namin may masabing masama sainyo at samin na parents nyo kaya ginagawa namin to. "
"Jaec, baka ito na rin yung paraan para magkabalikan sila mommy at daddy. Hayaan na natin silang mafall sa sarili nilang trap." Sabi ni Yohann.
"Sige isipin nyo lang na ganyan. Wag kayo masyadong papaapekto sa nangyayari. Wag din kayo masyadong umaasa. Ienjoy na lang natin tong vacation na to na kompleto tayo."
"Okay okay. But still kami ni Yohann yung magkasama sa room." Sabi ni Jaecia
Hindi namin napansin pababa na si Yeowna.
"No!"
"Mom. Wala namang masamang magkasama kayo ni daddy sa room ah. Matutulog lang naman kayo eh. Wala naman kayong gagawing masama. Tapos pano na lang pagmay ibang pumunta dito tapos magkahiwalay kayo ng room?"
☆Maasahan mo talaga si Jaecia. Hahaha ☆
"Fine fine." Sumusukong sabi ni Yeowna.Maya maya may kumatok sa pinto. Pinapapunta na kami sa may West beach daw for private picnic lunch. Lumabas kami ng cottage na magkaholding hands kami ni Yeowna. Ang saya ko naman kasi ganito kami. Komportable na din sya sakin. Kaya lalo akong nagiging sweet sakanya. Pagdating sa West Beach lahat na pala sila andun.
"Ang tagal nyo naman." Sabi ni Mama.
"Medyo napagod yung kambal namin at yung honey ko eh." Bumaba yung kamay ko sa bewang nya.
"Medyo mahaba po kasi yung byahe eh." Sabi ni Yeowna.
"Sige kumain na kayo. Para makapagpahinga naman kayo. At yung ibang gusto ng magexplore go lang." Sabi ni tita.
"Hon. Anong gusto mo?" Sweet na sabi ni Yeowna.
"Hon mamaya na ko. Unahin mo na muna yung mga anak natin."
"Hindi mommy. Okay naman kami ni Jaecia." Sabi ni Yohann.
"Sure ka nak?"
"Opo mommy." Sabi ni Jaecia.
"Hon. Kain na tayo."
"Sige share na lang tayo sa plate." Sabi ko.
Napatingin ako kay JC na hindi maalis alis yung tingin samin ni Yeowna. Pero hinayaan ko na lang sya.
"Hmm. Hon. Kain ka na." Sabi ni Yeowna.
"Subuan mo muna ko honey ko."
"Eh. Ang arte. Kain ka na kasi hon."
"Ayoko. Subuan mo muna ko."
"Jusko tong dalawang to parang teenagers." Sabi ni Tito.
"Ganyan talaga yang dalawang yan. Akala mo wala pang anak. "
"Syempre. Mahal na mahal namin yung isa't isa eh. Di ba honey ko?"
"Yes. Pero kain ka na dali."
Kumain na lang ako magisa. Joke lang naman talaga yung subuan nya ko eh.
After kumain nahihiyang magpaalam si Yeowna na bumalik sa cottage kahit pagod sya. Kasi wala pang umaalis.
"Hon. Pagod ka pa din ba? Sige na balik ka na sa cottage. Babantayan ko na lang muna sila Jaecia dito."
"Hon, okay lang ba?" Nagulat naman ako sa sinagot nya. Kahit kaming dalawa lang yung nagkakarinigan ganun nya pa din yung tawag nya sakin.
"Oo naman hon. Paalam na kita sakanila?"
"Sige hon please?"
Nilapitan ko nga sila Mama at Tita para sabihin na magpapahinga muna si Yeowna. "Sige hon pahinga ka muna dun sa cottage. Punta na lang din kami dun mamaya." Kiniss ko sya sa noo.
"Thank you hon."
Naglakad na si Yeowna pabalik sa cottage sa may kabilang part ng Island. Hindi ko na sya nakita. Bigla kong nagalala. Kaya nagpaalam ako na susundan ko si Yeowna. Kaya naglakad papunta sa kabilang part nung Island. Pero nakita ko si Yeowna na kasama si JC. Hawak hawak ni JC yung kamay ni Yeowna. Bigla naman akong nakaramdam ng selos. Minsan na kasi kaming nagaway ni JC ng dahil sa isang babae.
"Hon?"
"Uy hon." Bigla nyang tinangal yung pagkakahawak ni JC sa kamay nya. "Asan na yung mga anak natin?" Lumapit na ko sakanila.
"Gusto pa daw nilang maglaro eh."
"Sige Jaiden. Mauna na ko sainyo." Hindi nya na ko hinitay na magsalita at naglakad na palayo.
"Hon? Pinaguusapan nyo?"
"Wala hon. May tinanong lang sya." Biglang niyakap nya ko at kiniss ko naman sya sa noo."Punta na tayo sa cottage natin. Inaantok na ko." Naglakad na nga kami papunta sa cottage na yung kamay nya nasa bewang ko ganun din yung kamay ko na nasa bewang nya. Hindi na ko nagtanong kasi alam ko namang hindi gagawa ng kalokohan si Yeowna. Lalo na at alam nyang pinsan ko yun. At alam din naman ni JC na asawa ko si Yeowna.

BINABASA MO ANG
The Unexpected (Completed)
RomanceREAD TO KNOW WHAT IS THE UNEXPECTED :)))) #TheUnexpected * * * I think this is not the usual story for The Unexpected :))