Chapter Fifteen: Hidden Nine Months

6.1K 183 12
                                        

Hindi ganun kadali yung first three months namin sa bahay na yun. Hindi naman sya boring kasi nagtratrabaho naman kami. Naawa lang kami ni Xowie kay Eve kasi lagi na lang syang sumusuka walang ganang kumain. Ang gusto nya lang matulog ng matulog. Tapos lagi syang inaatake ng sakit sa dibdib nya. May monthly check up naman sya kay Jaiden na ginagawa every night sa clinic neto sa Antipolo. Yung sa cardio naman ni Eve para lang hindi sya magkarecord si Jaiden yung nagtatanong tanong sa mga kaibigan nyang cardio. Pero ang pinakagusto ko sakanya yung lagi nyang sinasabi "Kakayanin ko lahat para sa anak ko. Siya na lang bumubuhay sakin. Siya na lang yung dahilan ng lahat." Kaya gabi gabi nagrorosary kami. Lagi naming pinagdadasal na maging maayos ang lahat na walang mangyaring masama sakanya at sa baby. Na wag ng magkasakit sa puso si baby.

On the fourth month, naging okay naman ang lahat. Sobra namang lakas nyang kumain.

"Beb, gusto ko pagkakain ako. Kakain ka din. Pagdi ka kumain, di din ako kakain."

"What?! Tataba ko. Pano na yung career ko?" sabi ko

"Mamili ka girl. Career or kalusugan ni Eve." Sabi ni Xowie

"Okay okay."

Hindi ko alam kung pinaglilihian nya ko or trip nya ko eh. Ginagawa ko na lang lahat ng gusto nya para sa baby.

5Th month. Yun na ata yung pinakamasayang month namin. Jusme. Lalo kaming naexcite na manganak na si Eve. Kahit alam namin kung gano kahirap yung pinagdadaanan nya araw araw. Yung sakit na nararamdaman ng puso nya. Halos hindi na din sya masyadong makatayo sa laki ng tyan na parang nakalunok ng malaking pakwan. Minsan umiiyak sya kasi natatakot sya na baka mamatay sya or may sakit sa puso yung anak nya. Minsan naman nagdradrama sya dahil kay Darren. One night sinundo ni Jaiden si Eve at Xowie sa bahay para sa first ultrasound neto at para malaman na yung gender ng baby. Hindi na ko sumama sakanila kasi iniiwasan ko pa din si Jaiden. Pagbalik nila sa bahay sobrang saya nila. Buti naman wala na si Jaiden.

"Girl, excited na ko. Grabe. Ang galing naman ng ex mo."

"Manahimik ka nga dyan Xowie. Puro ka kalokohan. Kailangan magdoble ingat na ko."

"Oo te tama lang yan. Ayusin ang pagkain at paginom ng mga gamot and vitamins."

"Oo nakakarelate ako eh no?" Sabi ko.

"Shungatera ka kasi. Pwede ka naman sumama. Para kang baliw iwas ka ng iwas kay Ex mo."

"Ewan ko sayo Xowie. So what's the news?"

"Matulog na tayo. Hahahahahah" sabi ni Eve.

"I hate you both. Ano nga?! Girl or boy?"

"Both te! Both!" Sabi ni Xowie

"Ha? Babae lalaki?"

"Ay, leche. Shungatera nga. Kambal te."

"What?! Kambal. Ohmygosh! So it's a boy and girl?!"

"yes dear." Sabi ni Eve.

"Wahhhhh. Gusto ko din ng ganyan."

"Te baka nasa labas pa si Jaiden. Habulin mo para magkaganyan ka din. Hahahahaha. Oby pa naman ang papa mo. Maraming alam sa ganyan. Hahahahaha." Sabi ni Xowie

"Oooy. Jaiden pa din pala bebs ah. Bakit di ko alam yan? Ay grabe." Sabi ni Eve

"Damn you both. Manahimik okay?!"

"Ay te pikon oh. Totoo? Hahahahaha"

"Manahimik ka na Xowie ah. Naiinis na ko."

"So beb totoo nga? Ooy Jaiden forevs ba to? Hahahahahaha."

"Leche, matulog na tayo."

"Jaiden. Go jaiden. Sasabihin ko nga yun kay Jaiden pagnagkita ulit kami na gusto mo magkakambal sakanya kahit remembrace lang. Hahahahah"

"Fvcksh!t ka Xowie ha? Remembrace muka mo. Baka ikaw. Shut up na okay?! Pikon na ko."

Nanahimik naman na sila at natulog na kami.

6 to 9 months Ayun chill lang kami sa bahay. Hahahaha puro trabaho. Ang tagal na din kasi naming wala sa mga office namin. Kahit nagtratrabaho kami ang dami pa ding gawain and for approvals. Minsan tinutulungan namin si Xowie sa designing. Minsan naman tinutulungan nila ko sa concepts ng events namin. Kami naman ni Xowie yung nagtatrabaho para kay Eve. Nahihirapan na kasi syang yumuko at gumamit ng laptop. Kompleto naman sa bahay parang office na din may printer, scanner, xerox machine at fax machine. Wala lang telephone para hindi madetect kung san galing yung phone calls. Tapos lagi kami nagswiswimming ni Xowie or minsan badminton. Sa laki ng bahay kahit maghabulan at magtaguan kami jusko baka hindi na kami magkakitaan. Kaya sa isang kwarto lang kami natutulog eh. Hahahahaha Pero habang papalapit ng papalapit yung araw ng delivery ni Eve hindi na namin maintindihan yung dapat naming maramdaman. Hindi namin alam kung excited ba kami, kung matatakot. Pero lagi lang kaming nagdadasal at nagrorosary.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon