One week na nung huling nagkita kami ni Jaiden. Si JC din hindi ko pa nakikita ulit. Busy kasi ko sa office. Ang dami kasing hinahandle na events. Medyo kinukulang na din sila ng tao.
*ring*
*ring*
"SweetHeart? Asan ka? Mall tayo oh."
"Anong sweetheart? Tigilan mo ko JC."
"Pakipot pa yung sweetheart ko. Mall tayo. O gusto mong magsumbong ako?"
"Kahit di ka manakot sasama ko okay? Sunduin mo ko sa office. Ikaw na bahalang maghanap kung asan ako. Babye sweetheart."
After 30mins.
*ring*
*ring*
"Baba ka na nasa 7/11 ako sa baba ng building nyo sweetheart."
"Pano mo ko nahanap?"
"Ginamitan ko ng puso sweetheart."
"Oo na baba na ko."
Pagbaba ko andun na nga si JC.
"Bakit ba tayo magmomall?"
"Gusto ko ikaw pipili ng mga damit ko eh." Tapos inakbayan nya ko.
"Hindi ka makakapili kung gaganito tayo dito."
"Eto na nga po sweetheart aalis na tayo."
"One week lang tayong di nagkita sumisweetheart ka na."
"Syempre. Namiss kaya kita."
Tapos sumakay na kami sa kotse nya. Pagdating namin ng SM nagdepartment store kami agad. Namili ng namili si JC ng damit at nagsukat.
*ring*
*ring*
"Hello?"
"San ka?"
"Ahh. Nasa office bakit?"
"Talaga? Magdodrop by ako ha? Gusto kong magpaorganize." Bigla kong kinabahan.
"Organize ng ano?"
"Mamaya mo na lang malalaman. Sigurado ka bang nasa office ka?"
"Oo bakit ba?"
"Parang nakita kasi kita sa department store eh."
"Ahh wa~"
"Sweetheart ba~" biglang lumabas sa dressing room si JC napigilan ko naman sya sa pagsasalita nung nilagay ko yung daliri ko sa lips ko na ibig sabihin ay shh.
"Jaiden wala ko sa department store okay? Marami pa kasi kong gagawin eh. Punta ka na lang. Bye!" At pinutol ko na yung tawag.
"Sweetheart sino yun?"
"Si Jaiden. Magdadrop by sa office. Kailangan mo na kong ibalik dun please."
"Ba naman yan. Eksena talaga yun. Ihahatid kita basta magdedate tayo next time."
"Oo sige na please."
Umalis na nga kami at pumunta sa office. Umakyat naman ako agad. Pagdating ko sa office wala pa naman si Jaiden.
BINABASA MO ANG
The Unexpected (Completed)
RomanceREAD TO KNOW WHAT IS THE UNEXPECTED :)))) #TheUnexpected * * * I think this is not the usual story for The Unexpected :))
