➡Fast-Forward to Marriage vows⇦
Hinawakan ni Jaiden yung dalawang kamay ni Yeowna at hinalikan ang mga ito.
"Hon, alam ko nabigla ka sa lahat lahat ng pangyayari. Pinakidnap pa kita for this. Ininvite ko sila kahit hindi ko alam kung anong magiging sagot mo. Pero nagawa ko yun lahat ng dahil sa pagmamahal ko sayo. Hon, sabi ko nga sayo kanina ang dami dami na natin napagdaan bago tayo makarating dito. Naghiwalay. Nagkita ulit. Naghiwalay na naman. Nagkita ulit hangang sa dumating na tayo dito. Hon, mahal na mahal na mahal kita. Hindi na ko makapaghintay na alagaan ka, gumising sa araw araw na ikaw yung katabi, umuwi sa bahay na ikaw yung nakikita. Ang tagal tagal kong hinintay to hon at ngayon eto na yun. Simula sa araw na to hinding hindi ka na iiyak ng dahil sakin. Hinding hindi ko na bibitawan yung mga kamay mo. Hon, thank you for giving the chance to spend my life with you. Iloveyousomuch."
"Hon, hindi mo alam kung gaano mo ko tinakot. Pero lahat ng yun worth it. Umiiyak ako ngayon sa sobrang saya. Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko. Ilang beses nating nasaktan yung isa't isa. Ilang beses tayong nagkaselosan. Hindi ko inexpect na aabot pala tayo dito. Lahat ng nagyari satin unexpected. Pinaglayo man tayo ng matagal. Dumaan man sa buhay natin ang pagkarami raming tao. Sobrang saya ko na ikaw pa din yung binigay para sakin. Hon, napatunayan ko na ngayon na worth it yung paghihintay, worth it lahat ng pain kasi at the end sayo pa din pala ako. Iloveyousomuch!"
"Congratulations! You may kiss the bride!"
Dahan dahang inangat ni Jaiden yung viel ni Yeowna at marahan syang hinalikan sa mga labi.
"I present to you Mr. And Mrs. Jaiden Lance Alcantara!"
"I love you so much Mrs. Alcantara."
"I love you so so much Mr. Alcantara. Hindi pa din ako makapaniwala na kasal na ko sayo."
"Mamaya sa honeymoon maniniwala ka na."
"Yung utak mo ikaw talaga!"
"Bakit wala ba tayong honeymoon hon? Gusto na nung kambal ng another set of kambal."
"Tigilan mo ko. Walang ganun."
"Wala? Eh kung kidnapin na kita ngayon at hindi na tayo pumunta sa reception may magagawa ka ba?"
"Sabi ko nga wala. Kaya mahal na mahal kita eh."
Napahinto sila sa paglalakad papuntang reception kasi kiniss sya ni Jaiden.
"To all the guests, please proceed to the reception area. Bigyan po natin ng time yung newly wed natin na makapag-usap."
Pinaupo ako ni Jaiden at humarap sya sakin.
"Gusto kong magpaliwanag sayo tungkol sa lahat lahat ng nangyayari. Alam ko gulong gulo ka." Ngumiti lang si Yeowna. "Una yung sa proposal kay Fiona ginawa ko yun para lituhin ka talaga at para mapatunayan ko sa sarili ko na mahal mo pa ko. Actually pati yung kambal kasama ko sa planning netong lahat ng to. Pero everytime na nakikita kitang nasasaktan parang ayaw ko ng ituloy tong planong to. Kaso sabi nila ituloy mo na mas magiging masaya si Yeowna. Nasasaktan din ako everytime na nakikita kayo ni JC lalo na nung nasa hacienda tayo kaya napagsabihan kita ng masasama. I'm so sorry honey. Dapat matagal na to kaso napostponed ng dahil sa ginawa ni Darren. Alam kong hindi ka pupunta pagsinabing kasal namin ni Fiona wala na kaming ibang maisip kundi ang kidnapin ka."
"Hon? Pano kung humindi ako kanina?"
"Hindi ko alam hon. Baka gumuho yung mundo ko. Pero kahit anong mangyari kukulitin at kukulitin kita hangang bumalik ka sakin at mahalin ulit ako. Mahal na mahal kita."
"Hindi mo naman na kailangang iexplain lahat naiintindihan ko na ngayon lahat ng gestures mo dati. Iloveyou. Thank you sa napakagandang wedding. Hindi mo alam kung gano mo ko pinasaya. "
Kiniss na ni Jaiden si Yeowna at tumayo na sila para pumunta sa reception hall.
BINABASA MO ANG
The Unexpected (Completed)
RomanceREAD TO KNOW WHAT IS THE UNEXPECTED :)))) #TheUnexpected * * * I think this is not the usual story for The Unexpected :))