Chapter Forty-Nine: SIN to MNL

3.4K 127 7
                                    

➡Yeowna's POV⇦

Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. Hay! Uminom nga pala ko kagabi.


"Mommy. Aalis na po kami naghihintay si Tita Thena sa baba." Bungad sakin ni Yohann.


"Hindi ba dito natulog yung daddy nyo?"


"Dito po sya natulog maaga lang po syang umalis." Sabi ni Jaecia.


"Alam ba ng Tita Thena nyo yung totoo na hindi kami kasal ng daddy nyo?"


"Opo. Alis na po kami mommy." Sagot ulit ni Jaecia. Kiniss na nila ko.


"Bye mommy. Maligo ka na po amoy alcohol ka pa." Sabi ni Yohann.


"I love you."sabay na sabi nila.


"Ingat kayo ha? Wag pasaway. I love you more." Kaya umalis na sila.

Siguro pinuntahan na ni Jaiden si Fiona. Dapat talaga tangapin ko na lahat. Ginawa nya lang yun para sa kambal.


*ring*
*ring*


Tumatawag na naman si JC sa viber ko.


"Hi. Jc good morning."


"Okay ka lang?"


"Hindi masyado. Masakit pa ulo ko eh."


"Kailan balik mo ng pinas?"


"Mamaya. 7:20pm. Ikaw?"


"Mamaya din pareho tayo ng time eh. SG airline ka din ba?"


"Oo. Seat number mo?"


"33-A"


"Talaga? 31AB kami ni Jaiden. 32AB yung kambal."


"Pagkakataon nga naman. Sabay na tayo punta ng Airport."


"Sure. Papahinga muna ko ha? Ingat."

Nagparoom service na lang ako ng pagkain at natulog ulit until 3pm.
*ring*
*ring*


"Hello Jaiden?"


"Yeowna. Hindi ako makakasabay sainyo pauwi. Sorry. Ikaw na muna bahala sa kambal ha? Nakuha ko na din yung mga gamit ko kaninang tulog ka. Thank you."


"Okay lang. Kasabay naman namin si JC sa flight mamaya. Nagpacancel ka na ba?"


"Hindi pa. Baka mag no show na lang ako."


"Ah okay sige. Tawagan ko lang si JC. Bye."

*ding dong*
*ding dong*


Pagbukas ko ng pinto sila Jaecia na. Pinagbihis ko na sila at pinagayos ng gamit.


"Mommy, di daw po satin sasabay si Daddy. Kasama nya si Tita Fiona eh." Sabi ni Yohann.


"Yeah. He called me."


After namin magayos umalis na kami. Kitang kita mo naman sa muka ng kambal yung lungkot. Pagdating namin sa airport naghihintay naman na dun si JC. 4:30pm na kami dumating at 5:00pm nagcheck-in na kami at nagboard. 11:00pm na kami nung nakarating.


"Yeowna. Hatid ko na kayo."


"Wait lang san ka tumutuloy? Kayla Tita Andrea pa din?"


"Hindi maghahanap pa ko ng hotel nahihiya na ko sakanila."


"Sa hotel ko na lang sa Dreamland Hotel. May guest floor dun. Pwede kang magluto dun and everything."


"Talaga? Sige magbabayad na lang ako."


"Wag na. Ginawan mo ko ng malaking favor sa SG eh."


"Wala yun. Mahal kita eh. Sa hotel na lang muna tayo tapos hatid ko kayo."


"Sige."

Pumunta muna kami sa dreamland hotel para iiwan yung gamit ni JC at para masabi ko sa mga staff yung tungkol sa stay nya. Tapos sumakay ulit kami ng taxi para makauwi.


"JC. Thank you ulit."


"No problem. Any time."


Pumasok na kami sa loob ng bahay.


"Nak sino yun?" Tanong ni Daddy.


"Pinsan po ni Jaiden. Nakasabay namin sa flight."


"Ah."


"Sige po dad. Akyat na po kami sa taas."

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon