Chapter Twenty-Three: Departure to Europe

5.3K 164 16
                                    

⇨Yeowna's POV⇦

Two days after ng First Birthday ng Kambal. Eto na yung day na iiwan ko na si Jaecia. Eto din yung day na iiwan ko na sila Mommy. Wala eh, gusto ko to eh. Umaga pa lang maga na yung mata ko. Magdamag na kong umiiyak. Magdamag ko na din tinitingnan at hinahalikan si Jaecia. Lagi ko sakanyang binubulong kung gano ko sya kamahal. Sya lang kasi kasama ko sa kwarto kagabi, si Yohann kasi na kay Jaiden. Buong maghapon nagbobonding kami ng family ni Jaiden at ng family ko. Hangang sa dumating na yung 2:00pm na kailangan ko ng umalis pa Airport. Si Mommy at Daddy na lang naghatid samin kasama si Jaecia at Jaiden pati yung katulong namin na nagaalaga sa kambal.

"Nak, sigurado ka na ba dito?" Sabi ni Daddy.

"Opo dad. Hindi na po magbabago yung isip ko."

"Yeowna. Pagisipan mo pa ulit."

"Mom. Buo na desisyon ko."

"Lianne, desisyon nya yan. Hayaan natin. Basta anak wag makakalimot ha? Mag-iingat ka dun."

"Alex, alagaan mo tong anak ko. Pag to umiyak sayo susugurin talaga kita dun."

"Hindi po ako marunong magpaiyak ng babae tito."

"Siguraduhin mo lang!" Ngumiti lang si Xowie.

Biglang may tumawag kay Daddy. Karga karga ni Jaiden si Yohann. Nasakin naman ngayon si Jaecia.

"Yeowna, kailangang kailangan kami ng mommy mo sa travel agency natin."

"Okay lang po Dad. Naiintindihan ko po. Mag-iingat po kayo dito ni Mom. Magaupdate po ako palagi. Iloveyou dad." Niyakap ko na si Daddy. "I love you mom! I will miss you both." Niyakap ko din si Mom. Naiyak na sya.

"Bye Yeowna. Ingatan mo sarili mo dun ha? Wag mo pababayaan si Yohann."

"Yes mom. I love you. Bye."

Sumakay na sila sa sasakyan nila at umalis na.

"Babe. Una na ko sa loob ha? Andun yung kaibigan ko sa France. Kailangan lang namin magusap okay?"

"Sige babe. Text na lang kita pagpapasok na kami ni Yohann."

Pumasok na nga sa loob si Xowie.

Pinahawak naman ni Jaiden si Yohann dun sa katulong namin.

"Pwede ba tayong magusap ng tayo lang muna?" Nagnod lang ako sakanya.

Binigay ko na din muna si Jaecia dun sa katulong namin. Dun kami nagusap sa may sulok ng airport.

"Hindi porke pumayag akong umalis ka. Ibig sabihin nun gusto ko tong mga nangyayari. For 1 year, bumalik lahat sakin."

Ano daw? Bumalik sakanya lahat?

Tiningnan ko lang sya sa mga mata nya.

"Gustong gusto ko kayong nakikita ng mga anak natin na magkakasama. Nawawala yung pagod ko pagnakikita ko kayong tatlo. Yeowna. Please? Wag ka na lang umalis. Wag mo kaming iwan ni Jaecia. Kahit para kay Jaecia lang, wag ka ng umalis?"

Lalo lang bumibigat yung pakiramdam ko sa ginagawa mo. Baka lalong hindi ako makaalis.

"Hindi pwede alam mo yan."

"Pwede mo namang icancel yung offer dun sayo diba?"

"Hindi." Iniwasan ko na sya ng tingin.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon