Iaakyat na ni Jaiden si Yeowna sa kwarto.
"Daddy. Ikaw na po bahala kay mommy ha?" Sabi ni Jaecia.
"Matutulog na kami dad." Sabi naman ni Yohann.
"Hon?"
"Hmm? Oo ako to si Jaiden."
May tumulong luha na naman sa mata ni Yeowna. "Bakit ka umiiyak?"
"Nasasaktan na ko hon."
"Anong masakit sayo? May ginawa ba sayo si JC?" Kinakabahan naman si Jaiden sa isasagot ni Yeowna.
"Wala. Pero ito oh *turo sa puso* sobrang sakit sakit na. Hindi na ata gagaling."
"Magiging okay ka din."
Ibinaba na ni Jaiden si Yeowna sa kama.
"Hon? Aalis ka na?"
"Oo."
"Iiwan mo na naman ako? Bakit ba lagi ka na lang nangiiwan? Mahal naman kita ah. Kulang pa ba yun?"
"Lasing ka lang Yeowna matulog ka na."
"Hon. Wag kang umalis please?" Hinawakan ni Yeowna yung mga braso ni Jaiden. "Hon, mahalin mo na lang ulit ako. Hon, ako na lang ulit."
"Mahal mo ba ko?"
"Oo sobra sobra. Sigurado na ko ngayon sa nararamdaman ko. Wag mo na syang pakasalan. Ako na lang."
"Pero mahal ko sya Yeowna. Sobrang mahal ko na si Fiona."
"Hon? Hindi mo na ba ko kayang mahalin ulit?" Umupo sa kama si Yeowna at umiiyak na sya.
"Yeowna, wag mo na kong pahirapan. Sigurado na ko sa desisyon ko. Mahal ko si Fiona."
"Hon. Wag mo kong iwan please?"
"Matulog ka na. Hindi ako aalis."
Humiga na si Yeowna at tinabihan naman siya ni Jaiden. Yinakap naman nya ang dalaga. "Good night hon. Sorry & I love you." At tuluyan ng nakatulog si Yeowna.
"Sorry kung nasasaktan ka na naman ng dahil sakin. Hinding hindi ko aalisin tong bracelet na to hanga't mahal pa din kita. Yun lang yung lagi mong tatandaan. Masaya ko na mahal mo pa rin ako. Sorry."
Nakatulog na din si Jaiden.
➡Yeowna's POV⇦
"Good morning mommy and daddy." Niyakap sila ni Jaecia.
"Bakit malungkot yung baby ko?" Tanong ni Jaiden kay Jaecia.
"Wala daddy. Sana maging masaya ka kay Tita Fiona. Sana wag mo din kami kalimutan."
"Tama na yang dramang yan. Ang aga aga. Papasok pa ko sa office." Tumayo na ko at nagCR. Nakakainis kasi ang aga aga yun bubungad sayo. Pagkatapos kong maligo wala na sila sa kwarto. Bumaba na ko para magbreakfast.
"Mom?! Andito na kayo?"
"Oo bakit? Magbreakfast ka na."
"Sa office na lang ako magbrebreakfast Mom."
"Hatid na kita." Sabi ni Jaiden.
"Ay wag na. Aalis ka na ba? Magbebreakfast na lang pala ko Mommy."
"Ayaw mo bang magpahatid? Iniiwasan mo ba ko? O ayaw mo lang pagusapan yung nangyari kagabi?"
"Anong nangyari kagabi?" O_o sabi ni Daddy. ☆fvck. Ano ba nangyari kagabi? Wala kong maalala.☆
"Lasing kasi sya tito tapos ano gshshwbusvakshhdl." Tinakpan ko na yung bibig nya tapos hinila ko sya sa labas.
"Ano bang nangyari kagabi?! Mamaya kung ano isipin ni daddy eh."
"Edi mas okay para okay na ulit ako kay Tito. Ikaw kasi eh, senidu~"
"Umayos ka nga! Ikakasal ka na!" Tinalikuran ko sya tapos bumalik na ko sa kitchen.
"Dad, walang nangyari kagabi. Dito lang sya natulog kasi lasing ako."
"Yeowna, umayos ka! Isa ka pa Jaiden baka kung ano ano na pinaggagagawa nyo. Magpakasal muna kayo!"
"Dad ano ba?! Walang nangyari samin. Walang kami at ikaka jdbsvusvagsuvsuzh." Tinakpan ni Jaiden yung bibig ko. Pero tinangal ko yung kamay nya. "Ikakasal na sya kay Fiona."
O_o ⇦ mommy and daddy.
"Papasok na po ko sa office." Lumabas na ko ng bahay dumiretso agad ako sa kotse.
"Yeowna, mag-usap tayo."
"Tsaka na late na ko."
Nagdrive na ko palabas ng gate iniwan ko sya pagtingin ko sa side mirror kasunod ko na din yung kotse nya. Pagpasok ko sa office dumiretso na ko sa office ko.
"Ma'am Yeowna, may bisita ka po si Ms. Fiona daw po." Sabi nung secretary namin sa floor na yun. Sa floor kasi namin 5 yung rooms. Para saming tatlo at kay Sheena na gumagawa ng trabaho ko nung nasa France ako. At yung isa meeting room namin or paggusto namin magtrabaho ng magkakasama dun kami.
"Si Fiona? Sige papasukin mo dito."☆Aga aga. Ano kaya kailangan nun?☆
"Good morning dear." Bumeso sya. Binigay nya yung flower at chocolate
"Good morning din. Ang aga mo naman."
"Oo. Medyo busy kasi tsaka gusto ko talagang magthank you sayo. Grabe yung proposal ni Jaiden sobrang naiyak at kinilig ako. Para nga kong teenager nun sa sobrang kilig eh."
"Oo nga eh. Nakita kita."
"Galing mong organizer dear. At dahil dyan nagrequest ako na kayo na lang din magorganize ng kasal namin ni Jaiden. I trust you kesa sa ibang organizer. Sabi naman ni Jaiden okay lang basta papayag ka. Dear sige na ikaw na lang?"
"Oo naman okay lang samin para na din sa company. Tsaka baka magalit sila sakin. Customer na lumalapit samin tatanggi pa ba kami."
"Buti naman dear. Thank you talaga. Irerecommend din kita sa iba. Tsaka mas gusto kong ikaw kasi komportable sayo si Jaiden at mukang pareho tayo ng vital stats. Si Jaiden na kasi magaasikaso ng sa kasal. Busy kasi ko lagi akong out of the country ngayon dun ako nakaassign ngayon eh."
"Ay ganun ba? Sige okay lang sakin. Kami na bahala sa kasal nyo. Pupunta ka na lang dun at maga-I do."
"Talaga? *tumayo at niyakap ako* thank you talaga dear."
"Welcome basta kayo." ☆Ba yan puro kaplastikan.☆
"Sige dear mauuna na ko ha? Baka hinahanap na ko sa office dear. Thank you talaga." Bumeso na ulit sya. At umalis na.
BINABASA MO ANG
The Unexpected (Completed)
RomanceREAD TO KNOW WHAT IS THE UNEXPECTED :)))) #TheUnexpected * * * I think this is not the usual story for The Unexpected :))
