Chapter Twenty-Eight: Last Few Days in Europe + Departure

4.8K 150 7
                                    

After kong makipagbreak at chikahin si Xowie nun. Umuwi agad ako para sabihin kay Yohann na babalik na kami ng Pilipinas at wala na kami ni Marion. Sobrang saya nya. Ngayon ko lang sya nakita na ganun sya kasaya. Kaya sa sobrang excited nya tinawagan nya si Jaecia. Sinabi nya naman sakin na nasa Ilocos daw sila Mommy para sa resort namin dun na iniwan samin ni Eve.

Sinettle ko kaagad yung sa modeling career ko. Okay naman sakanila kasi kumalat na yung videos ni Marion kaya alam na ng lahat yung nangyari samin. Sinabi nga nila na paggusto ko daw bumalik, balik lang daw ako agad. Welcome na welcome daw ako. 

Wala na kong nabalitaan kay Marion. Baka nagtago na sa sobrang kahihiyan. Hindi na rin naman sya nagpakita sakin. Mabuti baka kung ano pa nagawa ko sakanya. 

Hinatid naman kami ni Xowie sa airport. Halos lahat alam na nagay sya kaya lantaran na sya sa lahat lahat. 

"Yohann, ingatan mo tong nanay mo dun sa Pilipinas baka magpakatanga na naman yan sa pag-ibig. Alam mo naman yan." 

"Yes po Tito."

"Grabe ka sakin Xowie."

"Hindi ba totoo girl?" 

"Ewan ko sayo. Ikaw mag-iingat dito."

"Mamimiss kita bakla. Wala na ko makwekwentuhan. Wala na ko kasama sa kalokohan. Wala na ko matatakbuhan pagmay problema ko. Wala na kong dinadamitan."

"Jusme. Di na ba tayo pwedeng magskype Xowie. Ang drama mo!"

"Grabe ka. Hindi mo ko mamimiss?"

"Mamimiss kita syempre. Mahal na mahal kaya kita girl."

"Che. Ang dami mo pang sinabi mamimiss mo din pala ko."

After nun nagcheck in na kami at nagboard sa plane. Tumawag ako kay Jaecia para sabihing paalis na kami. Nasa bahay kasi sya namin. Hindi naman nya sinasabi bakit wala sa bahay nila Jaiden. Eh wala din naman sila Mommy sa bahay. Katulong lang tuloy yung kasama nya dun. Sya din yung susundo samin kasama yung driver namin. Inisip ko tuloy na baka busy sila dun sa pinagagawang compound na may anim na house. Isa samin nila mama. Isa kayla kuya. Isa kayla Tito Zian. Isa kay Jaiden. Napagplanuhan na ganun na lang yung bahay. Halos iisang pamilya na daw kami eh.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon