Chapter Fifty-Five: Paulit ulit na lang.

3.8K 129 7
                                    


"Ma'am, may bisita na naman po kayo." Kakaalis lang kasi ni Fiona tapos after 30minutes meron na naman.

"Ha? Sino?"

"Si Ma'am Andrea Alcantara daw po."

"Ay sige papasukin mo na dito."

Sinalubong ko naman agad si Tita Andrea sa may pinto at bumeso ko.
"Tita dapat tumawag ka na lang po para pumunta na lang po ako sa bahay nyo."

"Hindi Hija. Okay lang. Kumusta naman trabaho mo dito? Ang ganda naman ng office nyo floor by floor yung departments. Iba ka na talaga mayaman na."

"Tita naman. Hindi lang naman po ako may ari neto."

"Kahit na no? Ikaw naman yung may pinakamalaking share."

"Hindi naman po."

"Hija, actually andito ako kasi may gusto kong hinging pabor sayo. Pasensya ka na ha? Hindi kita dineretso."

"Okay lang po yun. Ano po ba yun tita?"

"Hija, gusto kasi makasama nung lola at lolo ni Jaiden yung kambal."
"Okay lang naman po sakin yun."

"Kaso ang problema hija ang gusto nila kasama ka at si Jaiden. Tapos nabalitaan nilang andito si JC kaya gusto din nilang kasama sya."What?! Me, Jaiden and JC magsasama sama sa isang trip. The hell. Hindi to pwede.

"Tita, okay lang naman po sakin. Kaso hindi ko po alam kung okay kay Jaiden at JC. Si Jaiden po kasi ikakasal na po sya kay Fiona diba so hindi ko po alam magiging desisyon nya."

"Ano?! Ikakasal na sya kay Fiona? Eh kakabreak lang nila pagkagaling nyo ng Singapore."

"Hindi po. Kakapropose nya nga lang po last last night eh sa luxury club."

"Hindi nya samin sinabi?! Kakausapin ko sya. Ang mahalaga ngayon okay lang sayo."

"Oo naman po Tita. Basta okay lang din po kay Jaiden at JC. Pero tita sana po ito na yung last na pagpapangapin nyo kami. Ikakasal na po si Jaiden. Ayoko naman pong mamroblema pa sya kung pano nya ipapakilala si Fiona."

"Sana nga ito na yung huli hija. At hindi ko din alam ang sasabihin natin sa lahat sa mga ginawa nyo sa El Nido."

"Oo nga po. Sobrang nakakahiya po talaga."

"Sige hija. Kakausapin ko si Jaiden tungkol dito. Wag kang magalala hija hindi ka madadamay dito. Mauuna na rin ako ha? Baka nakakaabala na ko sayo."

"Hindi naman po tita okay lang po." Bumeso na si Tita at umalis.

Maghapon naman akong nasa office. Ang dami na kasing for approval sa office. 5:30pm
*ring* *ring* may tumatawag sa telephone ko.

"Yes hello?"

"Ma'am, may call po from Mrs. Andrea Alcantara."

"Sure patransfer na lang sakin. Thanks."

Maya maya nagring na ulit yung telephone.

"Hello?"

"Yeowna, nakausap ko na si Jaiden at JC okay naman daw sakanila. Bukas ng umaga alis nyo. Pasensya na talaga nak ha? Gustong gusto kasi nilang makasama kayo eh."

"Okay lang po Tita. Kakausapin ko na lang po yung staff ko dito."

"Sige hija. Gabi na din. Magiingat ka sa paguwi nak ha?"

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon