Chapter Sixty-Five: Unexpected (NARRATION)

4.6K 134 9
                                    

Maagang umalis sila Jaiden sa Manila papuntang Ilocos para ihatid yung kambal kay Yeowna. Pagdating sa Ilocos hinanap nila agad yung resort. Nakita nila si Yeowna sa may Beach.

"Yeowna!" Tawag ni Jaiden kay Yeowna nasa likod nya yung kambal.

"Mommy!" Tumakbo naman agad yung kambal. Nastock lang si Yeowna sa kinakatayuan nya na parang hindi pa din makapaniwalang andun na yung kambal. Nagyakapan sila agad. Naiyak naman si Yeowna. Si Jaiden naman pabalik na sa kotse neto.

"Jaiden!" Tumakbo si Yeowna papalapit sakanya at niyakap sya neto. "Hon! Ay sorry. Thank you. Thank you kasi binalik mo sakin sila. I owe you a lot. Thank you."

"Okay lang yun. Alam ko kung gaano sila kahalaga sayo. By the way, gusto nga pala kitang iinvite sa kasal namin ni Fiona." Binigay ni Jaiden yung invitation gamit yung left hand nya. Tiningnan naman agad ni Yeowna yung bracelet na bigay nya na palatandaan nilang dalawa na mahal pa nila yung isa't isa pero wala syang nakitang bracelet dun. Para namang kandilang nauupos si Yeowna sa pinagkakatayuan nya. ☆Fvck. Ito na yung pinakamasakit na bagay na maririnig ko sakanya. Parang dinudurog yung puso ko. Tapos wala na yung bracelet. "Sige Yeowna. Hinatid ko lang naman talaga yung kambal. Kasal ko na din bukas marami pa ding preparation. Padating na din si Fiona mamaya. Ingat kayo."

"Sige. Ingat ka din."

Tinalikuran na ni Jaiden si Yeowna. Bumalik naman na si Yeowna dun sa kambal.

"Mommy, attend tayo ng kasal ni daddy tomorrow ha?" Sabi ni Yohann

"Nak, alam nyo naman yung nararamdaman ko para sa daddy nyo. Baka di ko kayanin na makita silang kinakasal."

"Pero mommy punta tayo. Okay naman na kayo ni Tita Fiona diba?" Sabi ni Jaecia

"Sige nak titingnan ko kung makakapunta ko ha?"

"Sige mommy!" Sabi ni Jaecia.

"Jaec, ang sarap magswimming oh!" Sabi ni Yohann.

"Mamaya na yan. Kain muna tayo. Tsaka namiss ko kayo."

Niyakap naman nung kambal si Yeowna agad. Tapos kumain na sila. Buong maghapon bonding lang silang tatlo kasama si Xowie. Nung gabi naman magkakatabi silang natulog.
2am nagising si Yeowna kasi wala na naman sa tabi nya si Yohann at Jaecia.

"Wag kang magkakamaling gumalaw at sumigaw."fvck. Pano kami nasundan ni Darren. Hinarap nya yung lalaking nagsalita. Nakaitim ito at nakatago yung muka. Na nakatutok kay Yeowna yung baril.

"Kung gusto mong makita pa ng buhay yung kambal susunod ka sa lahat ng sasabihin namin." Sabi pa nung isang lalaking nakaitim din na nakatakip din yung muka at may baril din na nakatutok sakanya.

"Gagawin ko lahat. Wag nyo lang silang sasaktan."

"May ticket dito paCamiguin 10hours and 20mins byahe mo may two stops yan. Wag mong tatangkaing tumakas at magsumbong sa kahit na sino kundi mamamatay yung kambal. Umalis ka na. Wag kang papahalatang may nangyari 3am alis nyan."

"Anong gagawin ko dun?"

"Ang dami mong tanong! Tatawagan ka na lang namin pagdating mo dun!"

Lumabas kaagad si Yeowna 24hours bukas yung resort kaya andun lahat ng staff nya. Nagpahatid sya sa Airport. Pagdating dun nagcheck in na sya at nagboard. Nakareceive sya ng text na siguro ay yung lalaking nanakot sakanya. "Ipagpatuloy mo lang yan ng hindi masaktan yung mga anak mo." Buong 10 and half hours na byahe nya tulala lang sya iniisip nya kung anong mangyayari sakanya dun, kung makikita nya pa bang buhay yung kambal. Nakalimutan nya na rin yung tungkol sa kasal ni Fiona at ni Jaiden ngayon. Pagkatapos ng pagkahaba habang byahe nakarating din sya sa Camiguin. Nagtext ulit yung lalaki. "May susundo sayong van para ihatid ka sa pier. May bangkang susundo dun sayo. Pagdating sa isla may photographer, designer at make-up artist. Sumunod ka sa lahat ng ipapagawa nila kung gusto mo pang makitang buhay yung kambal." Balisang balisa si Yeowna hindi nya alam yung gagawin nya. Kung tutuloy ba sya, pero dahil wala na syang choice tutuloy sya buhay ng kambal yung nakataya eh. May sumundo nga sakanya na Van dalawang lalaki yung sakay nun. Pagdating sa pier may boat na sumundo sakanya. Nung nasa Island sinalubong sya ng dalawang babae at dalawang lalaking sumundo sakanya.

"So ikaw si Yeowna Villafuerte? Yung international model? Your here to have a bridal shoot with us." Sabi nung babaeng maliit na mukang designer.

"Yup. I'm Yeowna. Bridal shoot?"

"Oo kapalit ng buhay ng mga anak mo." Sabi naman nung isa pang babae.

Naluha sya kasi parang bridal shoot lang naman pala eh. Pwede naman silang sabihan, papayag naman sya bakit kailangan pang ganun sila.

"Simulan nyo na ayusan yan ng makapagsimula na tayo sa shoot na to." Sabi nung photographer.

Pinaupo na nila si Yeowna sa loob ng aircon tent. 30minutes lang nilang inayusan at binihisan si Yeowna. Pero nagtataka sya bakit ganun lang yung suot nya maikling white fitted dress na may mga beads. 3:30 nagsimula na yung shoot.

"Dito ka. Ayusin mo yung pose. International model ka naman alam mo na yan."

Nagpose na si Yeowna kahit wala sya sa mood at nagaalala dun sa kambal.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon