Tumayo si Yeowna at pumunta sa dance floor. Hindi ko alam pero sinundan ko sya. Lagi lang akong nasa likod nya. Maya maya biglang nahilo sya at napahawak sakin.
"Yeowna?"
"I'm okay. I can handle myself."
"No you can't iuuwi na kita."
"No. Ayoko pang umuwi. Hindi kita boyfriend para pagsabihan ako."
Nainis ako sakanya kaya binitawan ko sya. Tuloy pa din sya sa pagsayaw dun sa dance floor. Bumalik na ko sa bar lounge.
"Jaid, si Yeowna babes?"
"Dun sa dance floor!" Pagturo ko nakita ko si Yeowna na may kasayaw ng lalaki.
"Galit ka?"
"Hindi. Dalahin mo na sya dito ayaw nyang sumunod sakin."
Pinuntahan na nya si Yeowna.
"Babe, go home. Ipapahatid na lang kita kay Jaiden. Andito yung mga dati kong kaibigan."
☆Bakit ako? Eh sya tong boyfriend ni Yeowna.☆
"Eh. Ayoko pang umuwi. Pagagalitan ako ni daddy."
"Para kang bata Yeowna. Kung ayaw mong umuwi sainyo magstay ka sa pad ni Eve!"
"Para ka namang tatay nya." Sabi ni Alexander "Yeowna, umuwi ka na. Lasing na lasing ka na."
"No, I'm not."
Hinila ko si Yeowna
"Jaid ano ba? Babae yan." Sabi ni Alexander
"I know, kailangan nyang umuwi!"
"Then ihatid mo sya. At itrato mo syang babae."
"Alam ko. See you sa Hotel."
Hinila ko na palabas si Yeowna.
"Ano ba hon~~Jaiden! Nasasaktan na ko. Hindi mo naman ako kailangang ihatid sa pad ni Eve! Kaya kong umuwi~"
Hinalikan ko sya para manahimik na sya.
"Sakay sa kotse!" Hindi kumibo si Yeowna
"Sakay sa kotse now." Tsaka lang sya sumakay.
Pagdating namin sa hotel. Sinalubong kami nung guard. Buhat ko kasi si Yeowna. Tulog na tulog sya. Ganyan talaga sya pagnalalasing, tulog na tulog. Di pa din sya nagbabago. Magaan pa din sya, payat. Ganun pa din talaga sya.
"Sir~"
"No need kaya ko naman sya. May available room ba sa guest floor ni Eve."
"Yes sir. Si Sir Alexander pa lang naman po ang andun."
"Okay. Thanks."
Pagpasok namin ng elevator. Buhat ko pa din sya. Biglang nararamdam ko yung kamay nya na papunta sa leeg ko.
"Hon?!"
☆Shit☆
"Hmmmm?"
"Hon?! Mabigat ba ko?!"
☆Shocks. Bakit sya ganito.☆
"Hindi."
"Hon?! Okay ka lang?!"
☆Yeowna Please wag ganito. Baka bumalik lahat☆
"Oo naman."
*Ting*
Dumeritso na kami sa guest floor ni Eve. Floor yun before yung penthouse. Pinasok ko na sya sa room nya. Hiniga ko sya sa kama.
"Hon?!" ☆Shit. Eto na naman sya.☆
"Hmm. Bitawan mo na ko. Matulog ka na. Nasa kabilang room lang ako. Good night honey."
"Hon?!"
"Sige na. Good night honey."
Hindi ko alam bakit ko na naman ginawa to pero hinalikan ko sya sa cheeks.
BINABASA MO ANG
The Unexpected (Completed)
RomanceREAD TO KNOW WHAT IS THE UNEXPECTED :)))) #TheUnexpected * * * I think this is not the usual story for The Unexpected :))
