Chapter Fifty-Eight: Camping Moments.

3.5K 126 7
                                        


Umaakyat na din ako sa taas. Kumatok ako sa room ni JC.

"Oh bakit?" Pagalit na tanong nya.

"Yung sa...... Camping.....ah...~"

"Ah yun ba?" Pabulong nyang sagot sakin at hinila nya ko papasok ng room nya na yung kamay nya nasa likod ko. "Sasama ka na?" Nilapit nya yung muka nya sakin.

"Oo."

"Talaga?" Nilapit nya yung muka nya sakin.

"Oo." Tinulak ko sya ng dahan dahan.

"Mamayang 10pm tayo aalis. Lahat ng tao tulog na ng ganung oras. Make sure tulog na din nun si Jaiden."

"Okay. Pano yung tent? Anong oras tayo babalik?"

"Ako na bahala sa lahat. 3am or 4am."

"Sige. Lalabas na ko baka andyan na sila."

Niyakap nya ko mula likod. "Wag ka papahuli ha?"

"Yeah. I know."

Paglabas ko ng room kakasara lang ng pinto ng room namin ni Jaiden. ⭐Shocks. Andito na sila⭐ O_o
Bumalik na ko sa room namin ni Jaiden pero wala sya dun at may lagaslas ng tubig galing CR baka nagshoshower sya. Habang hinihintay ko sya naglalaptop naman ako. After 20minutes ata yun lumabas na din sya.

"San kayo pumunta?"

"Dyan lang." Malamig na sagot nya.

"Ah. Kain na tayo ng dinner."

"Kayo na lang. Pagod ako. Gusto kong magpahinga."

"Sige. Baba muna ko."

Bumaba naman na ko pagdating ko andun na sila kami na lang or ako na lang yung hinihintay. Kaya umakyat din ako agad sa taas after namin kumain.

"Mommy, laro tayo nila daddy." Sabi ni Jaecia

"Sige. Pasok kayo."
Nauna sila Jaecia pumasok sa room.

"Kaso tulog na si Daddy." Sabi ni Yohann.

"Hayaan nyo na next time na lang."

"Sige mommy. Good night." Kiniss na ko nung kambal at bumalik naman sila sa room nila. Humiga ko sa kama at naghintay na mag10pm. At dahan dahan akong lumabas ng room namin hangang sa makalabas din ako sa bahay. Pagkalabas ko andun naman na agaf si JC na naghihintay sakin.

"Buti nakatakas ka?"

"Tulog sya eh."

"Thank you kasi pinapayagan mo kong iparamdam sayo na mahal kita."

"Mahilig lang talaga kong magcamping."

"Dahil dun kasama kita."

Naglakad kami ng biglang na lang akong natapilok.

"Okay ka lang ba? Anong masakit sayo?"

"Wala okay lang ako." Tatayo na sana ko pero bigla nya kong binuhat.

"JC kaya ko namang maglakad eh."

"Wag ka ng umangal. Baka may pilay ka. Mamaya lumala pa yan."

Binuhat nya ko hangang sa spot na sinasabi nya. Pagdating namin dun sobrang ganda. Kitang kita mo yung mga kakaunting ilaw na galing sa mga bahay bahay sa city nila.

"Ang ganda naman. Hindi ko pinagsisisihang sumama ako dito."

"Ang ganda mo talaga. Hindi ka nakakasawang titigan. Ewan ko ba kay Jaiden bakit pinagpalit ka nya ka~" Hinalikan ko sya. Ayoko ng marinig yung mga susunod nya pang sasabihin.

"Ginawa ko lang yun para manahimik ka. Asan na yung tent? Itayo na natin."

Binigay naman nya sakin yung isang tent.

"Dito ka lang kukuha lang ako ng pangatong."

"IIWAN MO KO DITO?!" O_O

"Hindi. Andun lang yung mga inipon na pangatong."

"Ah." Nilapitan na nya yung tambak ng mga pinutol putol na sanga ng kahoy. At gumawa sya ng apoy. Maya maya itinayo na nya yung tent nya at tinulungan nya kong itayo yung sakin. Gumawa sya ng bon fire at kumakain kami ng s'mores.

"Sweetheart, thank you sa time. Sa pagaasang binibigay mo. Tutulungan kitang kalimutan sya kahit alam kong mahirap."

"Dadating din ako dun sa point na makakamove-on ako. Hayaan mo na. Kaya ko naman sarili ko. Matulog na tayo. Ang lamig."

"Good night Yeowna. I love you."

"Thank you dito sa camping ang saya ko kahit di halata. Ang ganda ng place na to as in." Nagsmile lang sya. Pumasok na ko sa tent ko.

30 minutes pa lang ata akong nakakatulog pero may kumakaluskos sa gilid ng tent ko mga tatlong beses ata tapos hihinto after 1 minute babalik ulit. Kinuha ko agad yung cellphone ko at dinial yung number ni JC. Yakap yakap ko yung sarili ko sa sobrang takot at kaba na baka bigla na lang may bumukas ng tent ko. Baka may aswang.

"Hello sweetheart? Tulog ka na?" Nanginginig na sabi ko kay JC.

"Hindi pa. Bakit sweetheart? Okay ka lang ba dyan? Bakit ganyan boses mo?"

"May kumakaluskos kasi sa may tent ko eh. Natatakot lang ako."

"Lalabas ako sweetheart. Wait lang."

"Wag na baka kung ano pa mangyari sayo."

"No ayoko ng natatakot ka."

Hindi nya pa binababa yung phone kaya narinig ko yung tunog ng zipper ng tent nya at yung steps nya.

"Sweetheart, buksan mo na."

Binaba ko na yung phone at binuksan ko yung tent. Niyakap ko naman sya agad.

"Pwede bang dun lang ako matulog sa tent mo?"

"Oo naman. Malaki naman yun. Sorry kung natakot ka sweetheart."

"Okay lang dun na tayo para makatulog na."

Lumipat na kami sa tent nya. Humiga naman ako at niyakap nya ko.

"Matulog ka na. Ako ng bahala sayo. Hindi kita papabayaan. Wala ng pwedeng manakit sayo. Wala ng pwedeng magpaiyak pa sayo. Andito lang ako kahit anong mangyari."

"Thank you."

Nakatulog ako na yakap yakap nya ko. 3am ginising nya na ko para umuwi. 4am naman na ng nakarating kami sa bahay. Naalala ko pala mamayang hapon na yung balik namin sa Manila.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon