Chapter Sixty-Three: (≧0≦) (︶︹︺)

4.1K 136 6
                                    


After ng nakakapagod na araw umuwi na ko kayla Mommy.

"Yeowna, sa susunod na hindi ka uuwi magpapaalam ka nga para kang walang magulang eh."

"Sorry naman Mommy. Asan po yung kambal ko?"
Galing sila sa taas. "Mommy! San ka po nanggaling?" Sabi ni Jaecia.

"Sa friend ko lang. Kumusta kayo? Namiss ko talaga kayo." Yakap yakap ko sila ng mahigpit.

"Mommy namiss ka namin." Sabi ni Yohann.

"Kayo din. Namiss ko kayo ng sobra sobra. Sorry kung napapabayaan na kayo ni Mommy. Iloveyou. Iloveyou. Iloveyou!" Yakap yakap ko pa din sila.

"Mommy. Tabi tabi tayo matulog ngayon." Sabi ni Jaecia.

"Sige pero kumain na ba kayo?"

"Oo naman mommy. Ikaw po?" Tanong ni Yohann.

"Tapos na din sa dinner meeting namin. Tulog na tayo dali!"

"Good night momxie at popxie." Sabi nila sa parents ko.

"Good night mom and dad!"

Nagtatakbuhan kaming umakyat.

"Mommy, nanliligaw sayo si Tito JC?"

"Ha? Ikaw talaga Jaec. Issue ka na naman."

"Mommy, alam mo ba na mahal na mahal ka ni daddy."

"Yohann, ikakasal na yung daddy nyo. Tigilan nyo na yan ha?"

"Matulog na tayo. Minsan lang to." Sabi ni Jaecia.

Natulog na nga kami.
Nagising naman ako kasi nakapa ko na wala yung kambal sa tabi ko bumangon na ko para hanapin sila biglang may panyong tumakip sa bibig ko.

"Wag kang sisigaw. Wag kang papalag kung ayaw mong masaktan yung kambal." Bulong sakin ng lalaking nakahawak sa bibig ko at may nakatutok sakin na baril. Hindi na din ako nakagalaw sa sobrang takot.

"Ilabas nyo na yang dalawang yan." Naaninag ko yung kambal na katali yung kamay at paa pati yung bibig. Sa terrace dinaan nung dalawang lalaki yung kambal. Naiyak na ko sa sobrang takot. Naramdaman ko na umiba yung humahawak sa bibig ko at sa tumututok sakin ng baril. Biglang may lalaking umupo sa gilid ko at tinangal yung bonet nya. Kilala ko sya pero hindi ko matandaan kung sino.

"Naalala mo pa ba ko?" Pinipilit kong alalahanin kung sino ba sya.

"Si Darren yung ex boyfriend ni Eve. Naalala mo na ba?"fvck. Bakit nya ba to ginagawa.

"Wag kang papalag kung ayaw mong masaktan yung kambal at kung gusto mo pa mabuhay sumagot ka ng maayos." Bulong sakin nung lalaking humahawak sa bibig ko. Inalis nya na yung kamay nya sa bibig pero nakatutok pa din sakin yung baril.

"Anak namin ni Eve yung kambal diba?"

"Hindi mo sila anak! Anak namin sila ni Jaiden."

"Sinungaling! Bakit nung araw na pinanganak yung kambal namatay si Eve?!"sh!t.

"Nung namatay si Eve yun yung gabi na nangangak ako sa kambal. Alam mo namang may sakit sya sa puso diba? Naheart attack sya ng dahil sa panganganak ko. Ikaw din nagsabi diba? Na ipalaglag ni eve yung anak nyo tapos ngayon maghahanap ka?! Nagkataon din na namiscarriage sya ng dahil sa bago nyang boyfriend!"

"Alam kong anak ko sila Yeowna. Sinungaling ka! Papatunayan ko na anak ko sila. At alam kung sakin sila!"

"Ibalik mo na sakin yung mga anak ko! Anak namin sila ni Jaiden! Ang kapal ng muka mo pagkatapos mong sabihin kay Eve na magpalaglag tapos ngayon nangaagaw ka ng anak ng may anak. Ang kapal ng muka mo Darren! Isa ka din sa dahilan bakit namatay si Eve! Hayop ka! Ibalik mo yung mga anak ko!" Naiyak na ko sa sobrang galit kay Darren.

"Wag kang susunod! Wag kang sisigaw kung gusto mo pa silang mabuhay!" Paatras sila ng paatras papuntang terrace. Hangang sa narinig ko na lang yung tunog ng sasakyan na papalayo na. Dun lang nagsink in lahat sakin na kinuha nila yung anak ko.

➡NARRATION⇦

Naiwan lang natulala si Yeowna hangang sa magumaga.

*tok*
*tok*
Hindi pa din sya sumasagot. Pumasok na lang yung mommy nya sa room.

"Nak, breakfast na kayo."

"Mommy! Anak ko sila. Sakin sila nanggaling! Ibalik nila yung anak ko."

"Yeowna? Ano bang nangyayari sayo? Asan na yung kambal?!"

"Ma! Kinuha sila ni Darren yung ex ni Eve. Anak daw nila yun. Ma! Anak ko sila. Sakin sila nanggaling ma!"

"Yeowna kumalma ka! Tatawagin ko lang yung daddy mo." Umalis agad yung mommy nya. Maya maya dumating na yung daddy nya sa kwarto at pilit syang pinapakalma. Dumating din sa yung parents ni Jaiden.

"Yeowna, ibabalik natin sila. Gagawin natin lahat para mabalik sila. Alam naming anak nyo sila. Wag ka ng umiyak hija. Magiging okay din ang lahat." Sabi ng mommy ni Jaiden.

"Dapat wag ka muna dito Yeowna pati na din kayo Lianne. Hindi na ligtas para sainyo dito." Sabi naman ng papa ni Jaiden.

"Oo. Sa Resort sa Ilocos magstay si Yeowna. Kami sa penthouse ng hotel. Asan na nga pala si Jaiden?" Sabi naman ng mommy ni Yeowna.

"Hinatid lang si Fiona sa airport paalis na kasi." Tulala pa din si Yeowna. Mabilis din kasi talaga syang matrauma.
Dinala muna nila sa terrace sa may tapat ng hagdan si Yeowna medyo tumigil na din sya sa kakaiyak.

"Asan si Yeowna?" Bungad ni Jaiden pagakyat na pagakyat nya ng hagdan. Nilapitan agad ni Jaiden si Yeowna. At nagaalisan yung parents nila.

"Hon? Sorry ngayon lang ako. Hinatid ko pa kasi si Fiona sa airport."

"Okay lang. Alam naman naming mas mahalaga na sya ngayon."

"Hon. Sorry. Hindi naman kasi ganun yun mahalaga~"

"MAHALAGA?! ALAM MO NA NANAWAWALA YUNG KAMBAL PERO INUNA MO PA DIN SYA! IT'S A MATTER OF LIFE AND DEATH HINDI MAHALAGA?!"

"Hon. Sor~"

"Wala ng magagawa yung sorry mo! Lahat na nawala sakin! Lahat lahat! *hinahampas nya sa dibdib si Jaiden* Yung mga anak ko! Ikaw na mahal na mahal ko!"

"HON ANO BA?! *hinawakan nya yung kamay ni Yeowna para tumigil* Marami pa tayong pinoproblema oh! Hindi ka na din ligtas dito. Ako na bahala sa kambal maging ligtas ka lang please?"

"Kaya ayusin ng pamilya ko. Kaya nilang ibalik yung mga anak ko. Hindi naman sila mahalaga sayo diba? Buhay ko sila. Ibabalik nila sakin yung anak ko. Kahit sabihin mo man o hindi, aalis ako ng Manila maging ligtas lang." Tumalikod na si Yeowna at bumaba sa sala. Nung hapon dinala nila lahat ng mahahalagang gamit ng parents ni Yeowna sa penthouse at bumyahe na si Yeowna paIlocos.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon