Chapter Forty-Six: HKG to SIN

3.5K 125 8
                                    


Last Day in Hong Kong. Ngayon naman magkakasama na kami nila Jaecia sa Hong Kong Ocean Park. 10am andun na kami. Sobrang tuwang tuwa yung kambal. Sobrang saya din namin ni Jaiden. Sobrang sweet namin as in. Halos lahat ata nasakyan na namin. At pinakalast daw ay ang cable car.


"Hon. Mahal na mahal kita." Sabi nya sakin.


Niyakap ko lang sya. Magkaholding hands kami at biglang nagdikit yung bracelet namin. Nasa right ko kasi yung bracelet nasa left naman yung sakanya.


"Hon. Bigay ko na ba sakanila yung gift ko?" Nabigay na kasi ni Jaiden yung gift nya sakanila na ring.


"Ano ba gift mo sa kanila hon?"


"Ganitong bracelet din."


"Akala ko naman ako lang bibigyan mo neto may iba pa pala." Biglang nawala yung kamay nya sa kamay ko.
Hinayaan ko lang sya.


"Jaec. Yohann. May gift ako sainyo."


"Talaga mommy?"


"Oo naman. Yung para sayo muna Jaecia. Akin na hands mo." Sinuot ko sa left hand ni Jaecia yung bracelet. "Ikaw naman Yohann." Sinuot ko sa right hand nya yung bracelet. Tapos pinagdikit ko yung bracelet nila at gumuhit na yung light at nagform ng twins forever.


"Wow! Ang ganda ganda naman neto mommy! I love you! Thank you." Sabi ni Jaecia.


"Thank you so much mommy. Pero yung makita kayo ni daddy na masaya at sweet isang malaking malaking gift na yun. Yun din naman yung hinihingi namin eh. I love you mommy!"


"Ay nako mas mahal na mahal ko kayo okay?"


"Ge sila lang." Pabulong na sabi ni Jaiden.


"Mommy muka may nagtatampo." Sabi ni Jaecia.


"Ha? Wala naman ah."


Nagtawanan yung kambal. Si Jaiden hindi pa din namamansin. Ang cute nya pagnagtatampo sya kaya tuwang tuwa ko na ganun sya.


"Hon nagtatampo ka daw?" Niyakap ko sya paside tapos pinatong ko sa balikat nya yung muka ko. "Nagtatampo yung honey ko?" Di sya nagsasalita. "Uy nagtatampo ka?" "Uy honey?" Pababa na kami ng cable car. "Ayaw mo talaga ha? Edi wag! Bahala ka sa buhay! Ikaw na nga tong sinusuyo ikaw pa tong ang arte arte." Nauna na kong bumaba. Sumunod naman sakin kagad si Jaecia at Yohann.


"Hon!" Tawag ni Jaiden. "Uy hon! Sorry na kasi." Sinusundan nya ko. Nawala sa tabi ko yung kambal eh. "Hon! Eto naman oh." Bigla nya kong hinila paharap sakanya. Tapos bigla nya kong hinalikan. "Sorry na kasi. Binibiro ka lang naman eh. Papalambing lang naman ako eh." Hinawakan nya na yung kamay ko tapos nagdikit na ulit yung bracelet namin. "Hon. Pansinin mo na ko." Huminto sya. Nagstep ako pero mahigpit nyang hinawakan yung kamay ko. "Hon. Di ako aalis dito."


"Bahala ka dyan."


"Eh hon naman eh."


"Halika na."


"Sige kikiss ulit kita." Palapit na sya sakin. Pero nilagay ko yung kamay ko sa muka nya. "Ikaw sumusobra ka na ha!"


"Sabi mo kasi ikiss kita."


"Wala kong sinasabi!"


"Sige hindi na kita ikikiss basta okay na tayo?"


"Hindi!"


"Edi ikikiss kita. Ohoy. Gusto nyang ikiss ko sya."


"Ewan ko sayo! Sige na okay na tayo!"


"Sweet naman ng mommy at daddy namin!" Sabi nung kambal.


"Kiss! Ting ting ting ting! Kunwari may baso." Sabi ni Yohann.


"Tigilan nyo ngang dalawa yan." Sabi ko.


Ilalapit na sana ni Jaiden yung muka nya kaso nilagay ko na naman yung kamay ko sa muka nya. Kumain na muna kami bago kami bumalik ng hotel para magcheck-out. Tapos pumunta na kami ng airport. 7:55pm kasi alis namin papuntang Singapore. Nakatulog naman kami sa buong byahe namin. 12 midnight na kami ng dumating sa Singapore. As Yohann wish sa Marina Bay kami nagcheck-in.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon