Chapter 1

127 49 8
                                    

Blue Collin

Magandang umaga ang bumalot sa aking pagising. Maliwanag na sikat ng araw ang dumadampi sa aking mukha.

"Ash, bumangon ka na jan may pasok ka pa." Naalimpungatan ako sa sigaw ni mama. Ayan na naman ang boses niyang nagsisilbing alarm clock ko sa umaga.

"Opo ma, gising na po."

Habang ako'y papunta sa banyo, napansin ko si papa na nagkakape habang nakikinig ng kanyang mga paboritong kanta sa speaker. Si mama naman ay naghahanda ng aming kakainin habang inis na inis dahil mahirap na naman gisingin si kuya.

Simple lang ang buhay namin. Si mama ay namamahala ng aming karinderya at si papa naman ay isang jeepney driver. Dalawa lang kaming magkapatid. At ako ang bunso.

"Ash gisingin mo nga saglit ang kuya mo at baka ano pang magawa ko jan kung ako pa gigising sa kanya." Utos sa 'kin ni mama.

"Okay, ma."

"Kuya kanina ka pa ginigising ni mama, bumangon ka na nga jan." Sigaw ko sa kanya. At hindi talaga siya gigising ah. Sige tignan natin.

"Aray, ano ba Abo?" Sabi niya habang iniinda ang sakit ng ipit sa ilong niya. Buti nga sa kanya.

"Bumangon ka na kasi. Anong oras ka na naman sigurong umuwi kagabi no?"

"Pakialamera ka talaga. Maligo ka na nga ang baho mo na." Asik niya. As if naman ang bango niya.

"At ikaw, kailan ka pa naging mabango ha? Bumangon ka na kasi. Malalate na naman tayo neto dahil sayo eh."

"Oo na, alis na."

Habang naliligo, hindi ko maiwasang mapakanta sa isa sa mga paborito kong kanta ni Ed Sheeran na Lego House.

🎶 And it's dark in a cold December, but I've got ya to keep me warm
And if you're broken I'll mend ya
And keep you sheltered from the storm that's raging on now
I'm out of touch, I'm out of love
I'll pick you up when you're getting down
And out of all these things I've done I think I love you better now 🎶

"Hoy! Abo, bilisan mo na nga jan. May pakanta kanta ka pang nalalaman eh." Natigil ako sa pagkanta dahil kay kuya.

"Paki mo ba ha?" Asik ko naman. Kahit kailan talaga panira siya ng araw ko. Bwisit!

"Dalian mo na lang."

"Oo na, malapit na. Matuto kang maghintay."

Paglabas ko ng banyo, nag-ayos na ko para sa pagpasok. Grade 10 na ko. Si kuya naman ay grade 12. Pareho kaming nag-aaral sa isang pampublikong paaralan. 'Wag niyo ng tanungin kung anong pangalan ng school. Hindi naman kilala.

Habang naglalakad papunta ng aming classroom, nahagip ng aking paningin ang aking bessy na si Lei sa labas ng faculty room. Panigurado nakiki-free wifi na naman yan. Sa faculty room lang kasi may free-wifi eh. "Hoy, ano bang pinagkaka-abalahan mo at nakatambay ka na naman jan?"

"Ash, do you know the boy group Aces?" Tanong sa 'kin ni Lei.

"Nope. Why? What's up with them?"

"Sila ang pinakasikat na boy group sa buong Pilipinas."

"Eh ano ngayon? As if naman may paki ako."

"Ano ka ba? You should ask why are they so famous." Asik niya. At wala pa rin akong pakialam. "At alam ko na kung bakit. Ang galing nila. Mapasayaw man at mapakanta. Come on, see for yourself." Sabay pakita niya ng kaniyang phone.

"Hmm. Oh my! Sino 'to?" I asked while pointing to the man with a black hair. His stage presence is great. He got this strong look and masculinity. And his voice is wonderful. How can a man be good in dancing while having a nice voice?

"That's Blue Collin. The youngest of the group."

I must say his name fits his good looks.

Blue Collin

What a nice name!

A/N:

Actually, si Jungkook ng BTS ang dinidescribe ko dito.Whaaaaaa😍

Kung fan ka ng anumang kpop group, comment down your bias. Kamsahamnida!

End This Rivalry (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon