Chapter 22

28 15 5
                                    

Missing You

Nagsisimula ng maghanda ang bawat alas ng iba't ibang kompanya na magpeperform sa stage. Kami ang huli kaya nandito pa rin kami sa kinauupuan namin kanina.

Isa-isang silang nagperform at ngiti lang naman ng mga tao ang makikita mo.

Napabaling ako sa pwesto ng Aces kanina at ang pag-irap ni Celine ang naabutan ko. Sarap tanggalin ang mga mata ng babaeng 'yan. Hindi ko pa rin nakakalimutan na siya ang naging dahilan kung bakit kami naging magkarival ni Blue. Pero kahit hindi ko pa napapatunayan, malakas na ang loob kong siya ang may pakana ng lahat.

"Let's all welcome, from BC Entertainment, Aces." Sigaw ng MC.

Shit! Sila na agad? Ibig sabihin susunod na kami?

Agad bumalik ang tingin ko sa stage at hindi ko inalis ang titig ko kay Blue. Buong performance nila, siya lang ang pinapanood ko.

Every part of him is goddamn beautiful. The way he moves and the way he sings. The way his voice brings a soothing feeling inside of me. And don't forget, his eyes. Damn, Blue!

Tell me! How can I forget this man?

"Ngayon mo sabihin sa 'kin na hindi mo na mahal 'yang lalaking 'yan." Bulong sa 'kin ni Lei. "Naglalaway ka na 'te."

Sino ba namang hindi maglalaway sa lalaking nasa harapan? Pero masyadong exagge naman ang 'naglalaway'. Kahit kailan talaga,'tong babaeng 'to.

"Pasalamat ka hindi kita napansing tumitig jan kay Flyx. For what I know, pinipigilan mo lang tumili dahil sa sobrang kilig." Asik ko sa kanya.

"Atleast wala pang girlfriend." Bawi niya sa 'kin.

Tumigil ako sa pakikipagsagutan sa kanya. Kainis 'tong babaeng 'to. Hindi papatalo. Oh, 'di siya na maswerte!Langya!

"And to perform their latest title song track in their newest album, let's welcome the Primrose."

Nasa backstage na kami at handang-handa ng magperform. Kaya hindi kami nakagown kasi magpeperform kami ngayon.

Pagkatapos namin sa stage,
palakpakan ng mga tao ang narinig namin. Sanay na sanay na kami sa stage kaya hindi na ako masyadong kinakabahan. Pero ewan ko. Sobra ang kaba ko ngayon dahil alam ko nanonood siya. Nanonood ang paborito kong mga mata.

Biglang umakyat sa stage si CEO at kinuha ang mic sa MC.

Ito na. Ang part na pinaka-kinakabahan ako. Kinausap na kami ng CEO tungkol dito and
again,nagpadala na naman ako sa desisyon ng mga kagrupo ko.

"Alam ko nagtataka kayo kung bakit pinadala ko ang bawat pambato ninyo. This part of the event is called The Primrose Auction. Each member will stand in front and the different groups of each company will give their prices to get the member in front. And once you get that particular member, they can be a part of your group but in a month only. Pagkatapos ng isang buwan, babalik na ulit sila bilang Primrose." Pagpapaliwanag ni CEO.

Kahit para sa 'kin ayaw ko, it always majority wins. Sabi kasi ni CEO, kalahati ng price na ibibigay sa 'min ng bawat kompanya ay mapupunta sa 'min at ang kalahati ay sa ML. Kaya napapayag niya silang apat. Galing, 'di ba?

"Okay. Let's start with the lead vocalist, Mace go in front." Agad naman sinunod ni Ate Mace ang sinabi ni CEO.

"45 thousand!" Sigaw ng isang CEO ng isang kompanya.

"60 thousand!" Sigaw naman ng isa pang kompanya.

"100 thousand!" Bawi ng naunang kompanya.

100 thousand? Maliit pa yan sa kinita namin sa South Korea. Kawawa naman si Ate Mace.

"200 thousand!" Sigaw ng pangalawang kompanya.

Parang silang dalawa lang ang naglalabanan ah.

"Okay. Mace is now sold to Bryth Company." Pahayag ni CEO.

Sold? Grabe naman para lang kaming bagay. Nakakainis 'tong si CEO ah. Tss!

"Let's go to our lead dancer, Kara."

Shit! Malapit na ko. Hindi ko pa naririnig magsalita ang BC. Napatingin ako sa gawi nila at sa akin silang lahat nakatingin. What the fuck! Pati ang CEO at Manager nila. Isama pa si Celine.

"Any offer?" Sabi ni CEO.

"150 thousand!" Sigaw ng hindi masyadong kilalang kompanya.

Ang taas agad ah.

"300 thousand!" At 'dun natapos ang offer kay Ate Kara.

"Okay. Kara is now temporarily part of Welis Company." Pahayag ni CEO.

Ang bilis naman matapos ni Ate Kara.

Pagkatapos ni Ate Kara, sumunod agad si Ate Keith at 35k ang price sa kanya ng Pleriz Group.

Sumunod si Lei kay Ate Keith at nabigla na lang ako sa price na inoffer sa kanya. 500 thousand? Ang swerte ng babaeng 'to. Pagkatalikod niya nginisian niya pa ko. Tss! Yabang!

Pero hindi ko pa rin naririnig ang kompanya ng Aces na nag-offer.

"And for our main vocal, and I can also say the visual, Louise go in front." Nakangiting pahayag ni CEO.

Shit! Kinakabahan ako. Ba't ganito?

"Any offer?" Tanong niya.

Nabigla na lang ako ng mapansin ko ang pagtaas ng kamay ni Blue.

"Mind sharing the stage with her first?" Tanong niya na ikinabigla ko.

Share the stage? Oh my! Kakanta ako kasama sila? Damn, Blue!

"Sure." Sagot ni CEO.

Agad akong napabaling sa kanya.
Hindi man lang niya ko tinanong kung papayag ako. Ako kaya ang kakanta na kasama sila hindi siya.
Jusko! Bumibilis na ang tibok ng puso ko.

Hindi na ko nakatanggi ng paakyat na silang lima sa stage.

Agad ngumiti sa 'kin si Zaniere pero wala man lang akong binalik na reaksyon. Pinagtutuunan ko ng pansin 'tong kaba ko.

Napatingin ako kay Blue at ngumisi siya sa 'kin. Nakita ko ang hawak-hawak niyang gitara. Hindi halatang prepared sila.

Tss! Ano bang binabalak ng isang 'to?

Pumwesto sila isa-isa sa harap kung nasaan ako. Nasa may kanan ko si Blue at sa kaliwa naman si Zaniere. Si Flyx at Xyron ay nasa gilid ni Blue at si Sanderson naman ay sa may gilid ni Zaniere.

"Just sing." Bulong ni Zaniere.

Ano pa bang magagawa ko?

Si Blue ang una.

All I hear is raindrops
Falling on the rooftops
Oh baby,tell me why'd you have to go
Cause this pain I feel
It won't go away
And today,I'm officially missing you

Shit! Sobra na ang kaba ko ngayon. Ba't ganito?

But when I hear his voice, my heart starts calming down. Ba't tagos sa puso yung lyrics? Shit! At siya pa ang kumakanta.

Sumunod naman sila Flyx at Xyron.

Pagkatapos nila, sumunod naman ako.

Oh,can't nobody do it like you
Said every little thing you do
Hey,baby say it stays on my mind
And I,I'm officially missing you

Sa bridge part naman sila Zaniere at Sanderson.

Pagkatapos ng performance namin, agad nagpalakpakan ang mga tao. Nakita ko kung paano sumilay ang ngiti sa mukha ng CEO ng BC Entertainment.

Kaya ba sila kumanta kasama ko para maipakita sa CEO nila?

Natigil na lang ako sa pag-iisip ng biglang bumulong si Blue.

"How I hate saying this, but I miss that voice."

End This Rivalry (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon