Main Reason
"I chose you over him. 'Cause I'm madly inlove with you,too. I have caught by own trap."
Sa mga salitang binitawan niya, pagtitig lang ang tanging isinagot ko sa kanya. Ang mga mata niyang nangungusap ay nagsasabi kung gaano niya sinisisi ang sarili niya.
Mas pinili niya kong samahan ng gabing 'yun kaysa samahan si Blue.
And I have learned that choices are part of everyone's life. Ako, Blue,
Zaniere at ibang pang mga tao. We always have choices. And your choice can be seen on how you live your life. Kung pinili mong sumaya, pinili mong lumaban, pinili mong magsakripisyo, pinili mong sundin ang pangarap mo, pinili mong mabuhay, pinili mong magmahal, your life must be beautiful. And I salute you for choosing them.Choice. The word that makes you decide. The reason why people end up choosing.
Katahimikan ang tanging namamagitan sa 'ming dalawa. At wala ni isa sa amin ang may balak na magsalita. Pero naagaw ni Lei ang atensyon namin ng bigla siyang pumasok...
"Abo, tignan mo." Utos niya sabay abot ng kaniyang phone.
"Hahayaan ko na po siya pero sobrang sakit lang po talaga ng pang-aagaw na ginawa niya." Pag-iyak ni Celine habang iniinterview siya ng media.
Tanginang babae 'to. Ang galing umarte.
Napatingin ako sa comment section at ang mga toxic na pinagsasabi lang ng mga fans niya ang natagpuan ko.
'Kawawa naman ang idol namin. Ang landi talaga ng Louise na 'yan.'
'Wala na ba siyang mahanap na ibang lalaki at desperadang-desperada na siya kay Blue.'
Matagal na kong nagpapasensya sa babaeng 'to ah. Ginamit pa ang pang-best actress niyang acting.
"Gusto ko lang sabihin sa'yo. Walang magagawa ang pagkulong mo dito sa kwarto ni Blue. Do what you need to do. I'll be the resback." Payo sa 'kin ni Lei.
Tama siya. Maraming kailangang ayusin. At sa oras na magising si Blue, tapos na ang problema.
Agad akong umuwi ng bahay at nag-ayos. Sinabihan ko na si Manager sa gusto kong mangyari at ang pagdating ko na lang ang hinihintay nila sa building ng kompanya namin.
Pumasok ako sa loob at sandamakmak na flash ng camera ang sumalubong sa 'kin. Umupo ako sa mesa at upuang nakahanda sa 'kin sa harapan. Tumingin ako sa kanilang lahat at tsaka huminga ng malalim. I can do it. Just speak up, Louise!
"Good afternoon po sa inyong lahat. Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy. I am here to defend my side." Matapang kong sabi.
"Bago ako mapabilang sa grupong Primrose, I am a Blue biased. I am one of the fangirls of Aces. At isa siya sa naging dahilan ko kung bakit ako sumali sa Primrose. Our debut night came and it was the time it started. Ang gabi kung kailan umamin siya sa 'king mahal niya ko. I was shocked. We are total strangers yet there were some circumstances kung saan nagpaparamdam siya. Niligawan niya ko at hindi niya girlfriend si Celine at that time. Sinagot ko siya at naging kami. Pero ang lupit ng tadhana. Dumating ang panahon kung kailan tumutol ang buong Pilipinas sa amin. We're rivals as what the issue said. And our dating photos leaked. I got bashed kasi mas gusto niyo si Celine para kay Blue."
Biglang tumulo ang luhang hindi ko inaasahan.
"And then I came to the point na kailangan kong pumili. Kailangan ko siyang saktan para sa ikabubuti ng career niya. I left him. Hindi ako lumaban. Naging mahina ako. And now that he's comatose, I hated myself dahil sinayang ko ang anim na taong dapat kasama ko siya. Pero ang nangyari noon, bumabalik ngayon." Huminto ako para kumuha ng lakas at tsaka ko itinuloy...
"Bakit kailangang kayo ang pumili kung sino ang nararapat sa isang tao?Kung sinong nararapat para kay Blue?Bakit ang dali niyong maniwala sa iisang panig habang hindi niyo naman pinapakinggan ang isa? Oo, hindi ako naapektuhan ng mga sinasabi niyo tungkol sa 'kin pero paano ang iba? Paano kung sa ibang tao niyo sinabi lahat ng pinagsasabi niyo sa 'kin? Paano kung isa siyang emosyonal na tao? Will you take the blame? Will you take the consequences of your actions? Ang hirap sa 'ting mga tao ang dali nating manghusga without even looking if it's true. Without even having basis. Hindi natin alam na nakakasira na pala tayo ng buhay ng isang tao dahil sa pangingialam natin. Oo, may opinyon kayo. But your opinions are baseless. Ano bang maidudulot na maganda sa inyo ang pangingialam at panghuhusga sa kapwa niyo? Bakit hindi niyo muna subukang ayusin 'yang mga buhay niyo bago kayo manghusga? 'Wag kayong padalos-dalos sa mga sinasabi niyo, sa mga ginagawa niyo. Try to think the possible outcomes. Kung maganda, go. Kung alam niyong mali, don't you dare do it. Ngayon, kung hindi pa rin kayo titigil pagkatapos niyong marinig ang mga sinabi ko, I'm sorry to say this but there's something wrong with you." Pagtatapos ko sabay tayo na.
I finally said it. I did it!
Alam ko kailangang matauhan ng mga tao kasi kung walang magsasalita, pwedeng mangyari ito ulit sa iba at baka mas malala pa. Pero minsan walang kwenta ang pagiging matapang mong paliwanagan sila kung ang mga utak nila'y sarado at pakikinggan lang nila ang gusto nilang pakinggan. Closed ears it is! But atleast I tried.
Bumalik ako sa hospital pagkatapos ng interview. Pero nagulat ako ng makitang pinapanood nilang lahat ang interview ko kasama na d'un ang lalaking dahilan kung bakit sunod-sunod na nagpapatakan ang aking mga luha.
"You did great. I'm proud of you." Bigkas niya habang nakaupo sa kaniyang kama at nakatingin sa akin.
"Blue." Lapit ko sa kanya sabay yakap. "I'm sorry. I'm sorry kung agad akong naniwala kay Celine. I'm really sorry, Blue."
"I believe everything happens for a reason. And that reason is for you to wake their sleepy heads. God! I fall even deeper." Sabi niya pagkatapos niyang hawakan ang aking mga pisngi at tsaka inilapat ang kaniyang mga labi. "I miss you."
"I love you." Sagot ko sa kanya.
Pero ngisi ang isinagot niya sa 'kin.
"Look at them." Halakhak niya sabay baling sa kanilang lahat na umiiwas ng tingin sa amin. "Para kayong mga batang may pinapanood na SPG."
"Tangina mo, Asul!" Asik ni Flyx.
"Painosente pa kayo, mga bulok!" Halakhak pa niya.
Tumabi ako kay Lei ng lahat sila'y nagsilapitan upang gantihan si Blue. This is what I call friendship that even curses are not restricted. That even physical harm is allowed. Friendship is where you can really find your trueself. 'Yung walang halong pagpapanggap. And if you have that kind of friendship right now, keep it 'cause you're lucky to have it.
"Sa nakikita ko ngayon. You all look like a bunch of adults with a childish minds. So rare." Pagkuha ko ng atensyon nilang lima.
Napahalakhak si Lei dahil sa sinabi ko na nagpa-ingay sa buong kwarto.
"You really have a supportive friend." Busangot na bigkas ni Xyron sabay layo na sa kanila. Sunod-sunod na ring nagsi-alisan ang iba pang kamiyembro ni Blue. Si Flyx naman ay agad hinigit si Lei sa kung saan.
"Come here." Utos ni Blue.
Agad akong lumapit sa kanya at tumabi sa kaniyang kama. Ipinulupot niya ang kaniyang braso sa aking baywang at tsaka ito nagsalita...
"Now, my attention is all yours my lady."
"Good then. My plan worked." Sabi ko sa kanya na may kasama pang pagkindat.
Ngumisi siya sabay halik sa 'king noo.
"You're too beautiful watching you say those words a while ago." Bigkas niya.
"I want to hear your reason." Utos ko na tinutukoy ang pag-oo niya ng tinanong ko kung totoo lahat ng sinabi ni Celine.
"I love you, I truly do. That's the main reason."
BINABASA MO ANG
End This Rivalry (Completed)
FanfictionAsh Louise Tyler is a girl who has nothing but her dreams. Aside from her dreams, her bias made her took the audition for a girl group. Years of training, she didn't know that her idol is in love with her given that one disaster meeting they've had...