Chapter 26

34 13 4
                                    

Hypnotized

I started doing what the choreographer is doing. Steps muna ang itinuturo sa 'min ngayon. Kasalukuyan kaming nakaharap sa malaking salamin habang ginagaya ang bawat step na itinuturo sa 'min. Different positions in every part of the song was also taught. May isang part na ang kakanta ay kaming tatlo nila Blue at Zaniere. And the choreography was a bit... I can't explain. Lalabas lang naman ako sa pagitan nilang dalawa at pagkatapos ay maglelean lang naman ako patalikod kay Blue habang hawak niya ang baywang ko bilang suporta at hawak-hawak naman ni Zaniere ang kamay ko bilang gabay sa kanan ko.

"I don't like this position. My heart might betray me." Bulong ni Blue sa kaliwang tainga ko. I can now feel the well-built body that I've seen a while ago. And also his fresh breath plus his soothing voice. Oh, Blue! My heart might betray me also.

"Your soft hand is kindda addictive." Pagkuha ng atensyon ko ni Zaniere sabay ngisi.

Dahil sa mga pinagsasabi nila, agad akong tumayo ng alam kong tapos na ang parte na 'yun. Finally!

Pagkatapos naming maipractice ang choreography ay idineklara ni Manager na break time daw muna. Bumaba kaming lahat sa sala nila at 'dun nagmeryenda. Umorder sila ng walong kahon ng pizza.

There is a long glass table in between the two long sofas. Nakaupo ako sa dulong parte ng kaliwang sofa katabi ang lalaking koreano. Tss! Natawa na lang ako sa naisip ko. Pero ang kamalas-malasan ay nasa tapat namin ni Zaniere sila Blue at Celine.

Kitang-kita ko kung paano umakbay si Asul sa back-rest ng pinag-uupuan ni Celine habang nakahilig siya dito. Not a good sight!

May pinagkikwentuhan ang limang choreographers at si Manager. Ang tatlong miyembro naman ay nasa gilid ni Zaniere na abalang kumakain.

"You know what Louise, tama ang desisyon ng CEO na ikaw ang kinuha sa inyong lima. Your chemistry with these five boys is undeniable. Para bang itinadhana kayong magsama-sama." May pahiwatig na sabi ni Manager.

"Manager!" Pagpigil ni Blue sa kung anuman ang sinasabi ng Manager nila.

Nakita ko kung paano nilang lima tinitigan ng masama ang manager nila. I know, there's something behind those words of him. Hindi naman ako tanga.

"Okay, I'll stop. I just wanna help you." He explained.

"Let's resume eating." Pag-iiba ng usapan ni Sanderson.

Napabaling ako sa katabi ko ng napansin kong nakatingin siya sa 'kin.

"What?" Walang ideyang tanong ko sa kanya.

Holding my breath, he suddenly wiped something on the side of my lips. Pero ang walanghiyang koreano'ng ito ay pinadaan pa ang daliri niya sa mismong labi ko.

Agad kong iniwas ang mukha ko at tinignan siya ng masama. "Tangina ka!" Mahinang sabi ko sa kanya na agad naging dahilan ng mapangloko niyang halakhak. God! He's enjoying this.

Not yet recovering from the frustration cause by what he did a while ago, he suddenly snaked his arm around my waist. Tangina!Pinagtritripan niya talaga ako.

Handa na kong sikuin siya sa tagiliran ng tumayo si Blue. "Stand." Utos niya pero hindi ko man lang nagawang kumilos. Nabigla na lang ako ng agad niyang hinablot ang kamay ko at nagawa akong ipatayo. "Let's change seats." Bulong niya sa kaliwang tainga ko.

Shocked by what he did, I remain standing without even moving. Pero siya alam kong nakaupo na sa tabi ni Blue. Nakita ko pa kung paano namin nakuha ang atensyon nilang lahat.

Not yet recovered from the shock, his hand pulled mine for the second time making me sit at his lap. Nakabawi ako sa gulat ng mapansing isa-isang tumayo ang mga taong nagmemeryenda kanina at ang natira lang ay kami nila Blue, Zaniere at Celine.

Napatingin ako sa babaeng nasa tapat ko at natagpuan ko ang pag-irap niya sabay sunod sa mga nagsitayuang tao. Tangina!

Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kanya at tinignan siya ng masama.

"What are you doing?" Mariing kong tanong.

"I don't know." Walang kwenta niyang sagot sabay balik na rin sa practice room.

Agad akong umupo sa inuupuan ni Celine kanina upang makabawi sa panghihina ko. Ano bang nasa utak ng Asul na 'yun? Alam niyang nandito ang girlfriend niya tapos ganun ang ginawa niya. God! I can't understand him.

"He still loves you." Pahayag ni Zaniere. Agad ko siyang hinarap at natagpuan ko simpleng ngiti na iginawad niya sa 'kin.

Umiling ako bilang sagot sa sinabi niya. I won't believe him. I don't believe him! Kung mahal niya ko, bakit may girlfriend siya? Bakit siya pilit lumalayo? At bakit gusto niya kong lumayo? Oo! Iniwan ko siya. Sinaktan ko siya. Kasalanan ko. Pero para rin naman sa kanya 'yun eh. And I've been hurt also. Matagal na kong nasasaktan kasi hindi ko kayang kalimutan.

My heart have been stock loving him, just him.

"Balik na tayo." Pag-aya ko sabay punas sa luhang lumandas mula sa 'king mata.

Standing with the eagerness to forget what happened a while ago and resume our practice, Zaniere pulled me and began to hug me tightly caressing my hair.

Dahil sa mga naalala kong ginawa niya kanina, kinurot ko siya sa tagiliran at agad naman bumitaw sa pagkakayakap niya sa 'kin.

"What was that for?" Tanong niya habang iniinda ang nasaktan niyang tagiliran.

"Kulang pa 'yan sa pantritrip mo kanina. Koreanong manyak!" Sigaw ko sa kanya sabay akyat na sa kung nasaan man silang lahat. Galing niyang yumakap kala niya siguro nakalimutan ko na ang mga pinaggagawa niya kanina.

Having the second thought to enter the room, hindi ko namalayang naabutan na pala ako ni Koreano. Agad niya kong hinila papasok sa loob pero may ibinulong muna siya. "Kung mamanyakin kita, lulubus-lubusin ko na."

Nakapasok kami at natagpuan namin na itinuturo ni Manager ang line distribution ng kanta na ipeperform namin bukas. "Kanina pa namin kayo hinihintay. Umupo na kayo dito ng mapag-aralan niyo na yung kanta." Utos ni Manager. Tinignan ko sila isa-isa. Lahat sila ay busy sa kani-kanilang ginagawa na hindi man lang kami tinapunan ng tingin ni Zaniere. Na para bang nakalimutan nila kung anuman ang nagyari kanina. Napansin ko rin na wala si Celine. Hindi dapat ako maguilty.
Hindi naman ako 'yung lumapit sa boyfriend niya. I didn't do something wrong.

Lumapit kaming dalawa sa mga kagrupo niya at nagsimula ng ipractice ang kanta. Kahit sa paglapit namin sa kanila, hindi pa rin ako dinadapuan ng tingin ni Blue. Busy'ing busy siya na minememorize ang kanta. Siguro napagtanto niya kung ano ang ginawa niya kanina. Ganun na lang ba ang kagustuhan niyang lumayo ako? Tama nga ako!Hindi ako dapat maniwala sa sinabi ni Zaniere.

Natapos ang pagpapractice ng kanta at ang buong performance naman ang irerehearse namin.

Singing the last part without background sound, I didn't notice that their attentions were all on mine. Ito 'yung part na kung saan ay boses ko na lang ang maririnig at silang lima ay nakatayo sa kani-kanilang pwesto sa aking likuran.

"Don't be shock. You have an hypnotizing voice. And I've been hypnotized... ever since." My rival said.

End This Rivalry (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon