Chapter 14

34 22 2
                                    

Eat

Natapos ang tatlong araw naming bakasyon sa Palawan. Ngayon, balik trabaho na naman kami.

"Today's schedule is our mall show mamayang 4:00." Deklara sa 'min ni Manager.

Hindi ako masyadong nakikinig sa mga paalala niya dahil busy ako kakareply sa mga text ni Blue.

Blue:

What's your schedule?

Me:

Mall Show mamayang 4pm. Ikaw?

Blue:

Rehearsal. I'll pick you up. Anong oras kayo matatapos?

Me:

Around 6pm siguro. Pero kung busy ka, 'wag na. I have my car.

Natigilan ako ng mapansin kong tumigil sa pagsasalita si Manager. Natagpuan ko ang mga titig nila sa 'kin. Shit! They got me.

"Looks like our youngest is busy texting. Work first, Louise." Sabi ni Manager.

"Yes po. Sorry po."

Humarap ako kay Lei at natagpuan ko ang mariin niyang titig sa 'kin na para bang kilala niya kung sino ang katext ko. Pero kilala naman niya talaga.

"Okay, back to what I'm saying. Your practice for today's performance is scheduled this morning. Kaya dapat na kayong pumunta ngayon sa practice room. It's your first mall show so I want you to be prepared." Dagdag ni Manager.

Prinactice namin ulit ang choreography ng Butterfly and the choreography of the second track in our album.

Lahat ng track ay ipeperform namin mamaya. Kasama na dun ang solo namin nina Ate Keith at Ate Mace. Si Lei at Ate Kara naman ay may inihandang dance cover performance ng Idol ng BTS.

Pagkatapos ng practice ay agad na kaming nagtungo sa mall. Wala pang masyadong tao. 3pm pa naman kasi. Dumiretso kaming backstage at dun kami nagsimulang ayusan.

I'm wearing a white polo longsleeves and a black shorts with knee-length black boots. My hair was curled at the ends with my bangs.

Tinawag ang pangalan namin ng MC ng show at agad naming narinig ang malakas na sigawan ng mga tao.

Ang dami. Pati sa may mga upper floors meron pang nanonood. They have banners and balloons.They are screaming of how they really want to see us. And... it is an another overwhelming scene for me.

How can we have such supporters!

Time na ng solo ko. Pagkalabas ko pa lang galing backstage ay hiyawan na ng mga tao.

"This song is my solo track in our album. Hope you enjoy this performance."

Habang kumakanta, inaabot ko ang mga kamay nila. Bumaba ako ng stage at lumibot sa kanila ng may biglang humalik sa pisngi ko. Nabigla ako but I need to get used to it.

Natapos ang mall show bago mag-6. Nasa may backstage kami at punong-puno ng mga flowers and gifts from our fans.

Wala pa rin akong natatanggap na text message galing kay Blue. Sabi niya susunduin niya ko. Busy pa siguro.

"Abo, may naghihintay sayo d'un." Sabi ni Lei sabay turo sa may kanang bahagi ko.

Natagpuan ko roon si Blue na nakahalukipkip at tinititigan akong mariin.

I run to him with a smile on my face.

"How's your day?" I said while hugging him.

"It's fine. Are you done?" Sabi niya gamit ang malalim niyang boses.

"I'm done."

"Let's go."

Hinigit niya ako palapit sa kanya at agad hinawakan ang aking baywang.

"Saan tayo pupunta?"  Tanong ko sa kanya kasi kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik niya.

"Kakain lang tayo." Maikling sagot niya.

"Is there something wrong? Are you mad?" Tanong ko sa kanya.

"No."

Taliwas ang sagot niya sa pinapakita niya. I know he's mad. Pero bakit naman siya magagalit?

Tumahimik na lang ako at humarap sa may bintana.

"Fuck! I can't get mad at you. I want you to talk to me. I miss you all day but I'm jealous." Sabi niya pagkatapos ihinto ang sasakyan.

"Jealous of what?" Nagtatakang tanong ko sabay baling sa kanya.

"I saw it. I saw how the man kissed you. I know it's normal but I can't help it." Pag-amin niya.

"Nabigla rin ako. It's the first time that I have received a kiss from a fan. But Blue, sa cheek lang naman yun eh."

Pagkatapos kong sabihin yun, inilapit ko ang aking mukha sa kanya at inilapat ko ang aking mga labi sa kanya.

"You really know how to handle me." Sabi niya.

"And that's one of a kind." Mayabang kong sabi.

Itinuloy niya ang pagdadrive at inihinto sa may isang mamahaling restaurant.

Pagkababa namin ay agad niyang hinawakan ang aking baywang.

"You're mine." Sambit niya.

"Teka lang. They don't accept customers right now." Sabi ko matapos mabasa ang nakakaratula sa may glass door ng restau.

"Pinareserved ko 'yan." Sagot niya na ikinabigla ko. "Gusto kitang masolo ngayong gabi."

"You really are something." 'Di-makapaniwala kong sabi.

Umupo ako sa katapat niyang upuan ngunit agad niyang hinila ang aking upuan upang itabi sa kanya.

"What are you doing?" Mariin kong sabi sa kanya.

"Mas bagay ka dito."

Hindi na ako tumanggi pa. Alam ko galit siya kaya sinunod ko na lang ang gusto niya.

Napabaling ako sa kanya ng mapansing nakatitig lamang siya sa 'kin at hindi kumakain.

"Ba't 'di ka kumakain? Ano tititig ka lang magdamag habang kumakain ako?"

Nakapatong ang mukha niya sa palad niyang nakapatong rin sa mesa. Ang isang kamay naman niya ay nakabakod sa may likuran ko.

"Sarap mo kasing titigan eh." Sagot niya na ikinalaglag panga ko. Feeling ko namumula na ang pisngi ko sa sinabi niya.

Upang pigilan siya sa paglabas ng mga salitang magpapapula ng aking mga pisngi, sinubuan ko na lang siya.

Isusubo na sana ang pagkain ng agad niya kong ninakawan ng isang damping halik na agad kong ikinatigil.

"Kumain ka na nga." Sabi ko at agad itinuloy ang pagsubo sa kanya.

Sa pangalawang pagsubo ko sa kanya ay hindi rin natuloy dahil binigyan niya na naman ako ng isang halik.

"Nakakailan ka na." Pagsaway ko sa kanya.

Hindi pa rin siya umimik at kinain na ang pagkaing isusubo ko sana sa kaniya.

"One more." Utos niya.

"Ayoko. Kaya mo namang kumain eh." Pagtanggi ko.

Iniwas ko ang titig ko sa kanya dahil sa sobrang intense ng pagtitig niya sa 'kin.

"I'll eat you instead." Sabi niya na nagdulot ng pagkasamid ko. Sinabayan niya pa ng mapanlokong ngiti.

Hinampas ko ang braso niya dahil sa inis. Alam talaga niya kung paano ako mapapabigla.

Humalakhak siya dahil sa naging reaksyon ko.

"Iiwan kita dito sige ka." Banta ko.

"Okay, I'll behave. Just don't leave me." Sabi niya na bakas pa rin ang tawa mula sa kaniyang mukha.

"Then eat."

End This Rivalry (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon