Chapter 17

34 20 10
                                    

Pervert Mouth

He promised. He promised that he'll choose me over his career.

But why I'm not feeling happy. Na para bang mali na nangako siya. Feeling ko kasi mali na ako ang pipiliin niya.

"Louise, pinapatawag ka ni Manager. Pumunta ka raw ngayon sa office niya sa building ng ML." Sabi sa 'kin ni Ate Keith.

"Abo!" Biglang tawag sa 'kin ni Lei.

Hinila niya ko palabas ng bahay malapit sa gate namin.

"Alam na ni Manager ang tungkol sa relasyon niyo ni Blue." Nag-aalala niyang sabi.

"Ha? Paano niya nalaman?"

"Kahapon. N'ung umalis ka. Pumunta siya rito at hinahanap ka. Sinabi niya sa 'ming lahat ang tungkol sa relasyon niyo ni Blue. Kaya feeling ko iyon ang dahilan kung bakit ka niya pinapatawag ngayon." Kwento niya sa 'kin.

"Sige na. Pupunta ako."

"Abo! Lagi mong tandaan na nandito lang ako. Para saan pa at naging bestfriend mo ko, 'di ba?" Paalala niya sa 'kin.

"Oo naman."

Umalis ako ng bahay at dumiretso sa building ng ML.

Agad ipinakita sa 'kin ni Manager ang pictures namin ni Blue. Kuha ito sa isang restaurant na pinuntahan namin pagkatapos ng mall show.

"Kaya pala tutol ka sa pagiging rival niyong dalawa kasi may relasyon kayo?" Sabi ni Manager.

Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang na sabihin lahat ni Manager kung anong gusto niyang sabihin.

"Magkalaban ang kompanya ninyong dalawa. Alam kong hindi nila hahayaan na magkaroon kayo ng relasyon ni Blue. Alas pa nila 'yun. Ganun din ang CEO natin. Hindi siya papayag. Ikaw ang mas sumisikat sa inyong lima, Louise. Binabantayan ka ng CEO kasi alam niya ang galing mo. At tsaka may issue kayong dalawa. Nagsisimula ka pa lang. 'Wag mong sisirain ang pinaghirapan mong training within almost 3 years." Payo ni Manager.

I just let out a deep sigh. Paulit-ulit!Nakakarindi na ang rival issue na yan ah.

"Noted, Manager. Sige po, alis na ko." Paalam ko.

"Louise!"

Pagkaalis ko sa building, dumaan muna ako sa isang milk tea shop. Nagpapabili si Lei eh. May pa-bestfriend bestfriend pa siyang nalalaman, uutusan lang pala ako.

"Malandi!" Sigaw ng isang babae sabay bato sa 'kin ng ice cream na hawak-hawak niya. "Hindi kayo bagay ni Blue. Mas bagay sila ni Celine."

"Oo nga! Ang landi mo! Kabago-bago mo pa naman. Makuntento ka na sa pagiging magka-rival niyo ni Blue. Numinext level ka pa eh. Malandi!" Sigaw pa ng isang babae sabay bato rin ng iniinom niyang milk tea.

"'Yan ang bagay sayo."

Hindi ako nakaalis sa kinatatayuan ko ng may agad na nagsuot ng jacket mula sa likuran ko.

"It's okay. I'm already here." Sabi ni Blue sabay alalay sa 'kin palabas ng mall at pasok sa kotse niya.

Agad akong lumabas sa kotse niya at aambang pupunta sa kotse ko ng bigla niya kong hinigit.

"Bitaw." Walang lakas kong sabi.

"Baby, let's talk." Pagsusumamo niya.

"Hindi natin kailangang mag-usap kasi wala ka namang kasalanan Blue. Gusto ko lang muna mapag-isa."

"You're crying. You're hurt. Sasamahan kita."

"Blue, can't you hear what the people are saying? Sinasabi nilang malandi ako. Malandi ako, Blue. Kaya sige na,gusto ko lang mapag-isa." Pagsusumamo ko sa kanya.

End This Rivalry (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon